FOURTEEN

5.4K 120 7
                                    

A/N: Warning, mobile update po ito. Pasensya na po sa typo.

Hello kay VeejayJalandoni at Krizia_Mae20 ❤️❤️❤️ Thank you sa pa-vote at patuloy na pagsuporta

PS. Straight 4 days na update hahaha sinusulit ang mabilis na internet. Happy reading! 😍

"M-ma'am Geneva." Hindi maitago ang panginginig sa boses ni Annina nang banggitin niya ang pangalan ng ginang na nasa harapan niya.

"Did my son made you his mistress, now?" matalim ang pagkakatanong nito. Kasing- talim ng mga mata nito. Sa halip na sumagot, ay yumuko lamang siya. Wala siya sa posisyon para sumagot- sagot dito.

At isa pa, ngayon lamang din siya natauhan, aalis siya sa bahay na iyon nang hindi man lamang nagpapaalam kay Gio? Baka mag-alala ito sa kaniya. Hindi na niya naisip iyon dahil sa kalagayan ni Jewel. Kailangan niyang bumalik sa kuwarto ni Gio at magpaalam sa binata.

"I clearly told you in my birthday party that I only want Maryam for my son. She's way different and better than you."

"Pasensya na po, Ma'am. Wag po kayong mag-alala at aalis na ako ngayon din."

"At pagkatapos ano? Babalik ka na naman sa buhay ng anak ko. No, we are going to talk. Get out of my way and follow me." Agad siyang gumilid at umalis sa harap ng pinto. Pumasok naman ang sopistikadang ginang at halos umalingawngaw pa sa buong kabahayan ang tunog ng takong ng sapatos nito.

Naka-crossed legs ng umupo ang ginang sa single sitter na sofa. Prente pa itong naghihintay sa kaniya habang nakataas ang isang kilay. Halata ang disgusto sa mukha nito.

Agad siyang tumalima at naupo sa single sitter din na sofa sa tapat nito.

"To be honest, Miss-- what is your name?"

"Annina Palmez po."

"To be honest, Miss Palmez, Me and my only son are not in good terms because of my own mistake. That is why I don't want to happen to him what happened to me. I only want what's best for him. You understand what I'm saying right?" marahan siyang tumango- tango at naikuyom ang mga palad na nakapatong sa ibabaw ng magkabilang hita niya. Alam niya iyon, dahil naikwento iyon sa kaniya ni Gio noong nasa bungalow sila nito.

"Remember what I said in my party? I can give you everything. Money? Fame? Just name it. And I'll give it to you. Ayokong mapunta lamang siya sa kung sino mang gold digger," that's it. Hindi na niya kaya ang pang aalipusta nito. Akala ba ng ginang ay kaparehas siya ng naging karelasyon nito noon?

"Naiintindihan ko po ang sinasabi ninyo. Alam kong gusto ninyong mawala ako sa buhay ni Gio. Pero Ma'am, mawalang galang na po. Hindi po ako mukhang pera. Mahal ko si Gio at hindi ako gold digger. Hindi ko huhuthutan ang anak ninyo at lalong hindi ako kagaya ng dati ninyong asawa na pera lang--"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha niya. Lumagutok ang mukha niya. Napasapo siya sa sariling mukha sa lakas ng impact niyon. Sinampal siya ng ginang. Nakatayo na ito sa harap niya at nakataas ang isang palad na ginamit nito pangsampal sa kaniya.

"How dare you say that!" singhal nito sa kaniya. "Hindi mo kilala si Renan para sabihin iyan!" dinuro siya nito. Napatingin siya sa ginang. Halos mangilid ang luha sa mga mata niya sa sakit ng pagsampal nito.

Tila natauhan naman ang ginang sa nagawa nito. Bumalik ito sa kaninang upuan at huminga ng malalim.

"Look, ija. I didn't mean to do that--" naputol ang kung ano pang sasabihin nito nang tumunog na naman ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon nang makitang si Sister Martha uli ang tumatawag.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now