SIXTEEN

5.9K 168 28
                                    

A/N: Pasensya na po kung may typo, mobile update po kasi ito. Tsaka sinulat ko to habang nagko-community service kaya medyo bangag bangag pa ko habang nisusulat ko to 😂😂

Hohoho, dalawang sunod na chapter update. Pambawi sa inyo. Halabyu all! ❤️❤️❤️

"Gaano mo ba kakilala si Gio?" napayuko siya sa tanong na iyon ni Creig. Gaano nga ba niya kakilala si Gio? Ang alam lang niya ay ang pangalan nito pati ang ilang malalapit na tao sa buhay nito. At bukod sa mga naikuwento nito sa kaniya six years ago, wala na siyang iba pang alam tungkol dito.

Hindi makasagot si Annina sa tanong ni Creig. Tila naramdaman naman iyon ni Creig.

"Annina, Giovanni is the owner of Alejandro Airlines." Namimilog ang mga niyang napatingin Creig. Alam niyang iyon ang pinakasikat na paliparan sa buong mundo dahil pinangarap niyang makapagtrabaho doon dati. Kaya nga siya kumuha ng kursong Tourism na hindi naman niya natapos.

"C-creig," hindi makapaniwala ang isip niya.

"Annina," bumuntong- hininga ang binata. "You already told me the truth. Ngayon, kung alam mo kaya six years ago na ganoon ang estado ni Gio, tingin mo ba hihingi ka pa din ng tulong sa nanay niya?"

Muli siyang napayuko. May nakaalpas na luha sa mga mata niya. Tama si Creig. Kung alam lang sana niya iyon, sana kay Gio siya unang lumapit. Edi sa hindi niya tinanggap ang pera ng nanay nito. Sana magkasama pa din sila ngayon at sana may tatay ang mga anak niya.

"Anni, bakit hindi mo iyon sabihin kay Gio. Baka sakaling maintindihan ka niya."

Baka sakali. Walang kasiguraduhan.

Nang sabihin niya ang lahat kay Gio kanina sa ospital, nagbaka-sakali siyang maiintindihan siya nito. Pero hindi iyon nangyari. Heto at mugto na ang mga mata niya ngunit nagbabaka- sakali din siyang mamanhid din ang puso niya.

Ang baka sakali ay katumbas ng salitang pag-asa para sa kaniya. At masakit umasa sa alam mong wala. Masakit na masakit na. Hindi naman siguro kalabisan kung ipapahinga niya saglit ang puso niya.

"Creig," pinahid niya ang luha. "Wala nang magagawa kung sasabihin ko pa iyon kay Gio. Sarado na ang puso niya sa mga paliwanag ko. Sarado na ang puso niya sakin."

"Anni..."

"Ayoko na magbaka- sakali. Pagod na akong magbaka- sakali. At ayoko nang ma-disappoint. Ayoko nang ma-disappoint kay Gio kasi itong puso ko," itinuro niya ang sariling puso, "mahal pa din siya. Siya pa din. Siya pa din hanggang ngayon. At ayokong magbago ang tingin ko sa kaniya dahil lang sa na-disappoint ako dahil hindi nangyari ang binaka- sakali ko."

Natahimik si Creig at hindi alam ang dapat sabihin sa kaniya. Ni hindi nito magawang punasan ang luha na nag- uunahang umagos mula sa mga mata niya.

"Wala nang mangyayari kung magsisisi pa ako ngayon. Kasi kahit hilingin ko na sana kaya kong ikutin pabalik ang kamay ng orasan, alam kong imposible. Sa tuwing nakikita kong masaya si Jewel at naiisip kong maganda ang pagpapalaking ginawa ko kay Jion kahit mag- isa lang ako, kahit wala sa tabi ko si Gio, hindi ko magawang magsisi."

"Annina.."

"Gio was my happiness. And he will still be. Ang hindi ko magawang pagsisihan sa buhay kong ito ay ang nakilala ko siya. Hindi ko pinagsisihan lahat ng segundong nakasama ko siya. Kahit matamis pa o mapait bawat segundong iyon. Pero isa na akong ina ngayon, Creig. At siguro ganoon talaga ang mga nanay, isasakripisyo ang sariling kasiyahan para sa mga anak nila." Mapait siyang ngumiti.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now