TWELVE

5.9K 144 8
                                    

Sa tuwing magkasama sila ni Gio, palagi na lamang silang nilulukob ng katahimikan. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Walang may lakas ng loob.

Matapos lumabas ni Creig, lumapit sa kaniya si Gio at naupo sa tabi niya, sa kaninang inupuan ni Creig.

"Giovanni--"

"Annina--"

Nagkatinginan sila nang sabay nilang matawag ang pangalan ng isa't isa. Si Annina ang unang nagbaba ng tingin.

"You first--"

"Ikaw muna--"

Muli silang nagkatinginan. Tipid siyang ngumiti at ganoon din ang binata pero agad ding nawala iyon at napalitan ng seryosong mukha.

"Annina, I need you to tell me everything. What you did to me six years ago, it's still lingering in my mind, na para bang kahapon lang nangyari. Masakit. Napakasakit. Alam mong mahal na mahal kita noon." Pinaglaruan ni Annina ang mga daliri niya. Noon. Dati. Tapos na. Mahal siya nito noon, ngayon kaya? Parang sinasakal ang puso niya sa katotohanang hindi na siya mahal nito ngayon.

"I'm willing to give you everything, but you chose money over me. Am I not enough?!" unti unting tumaas ang boses nito maging ang nakakuyom nitong kamao na tila nakahandang sampalin muli si Annina. Sa takot ng dalaga ay dali dali nitong tinakpan ang mukha. Nag-unahang umagos ang luha sa mga mata niya.

"Wag mo kong saktan, pakiusap," umusod siya palayo sa binata.

Tila natauhan naman si Gio. Ibinaba nito ang nakataas na kamao.

"Annina, tell me now," may diin sa bawat salita nito.

"Kapag sinabi ko ba sayo, titigilan mo na ako?" tanong niya dito.

"I can even act like there's no existing bitch like you," mabilis na sagot nito habang matiim na nakatingin sa kaniya. Nasaktan siya doon. It's like there's an unknown force squeezed her heart. Napayuko siya, pinunasan ang luha at inayos ang sarili. At paunti-unting kinuwento dito ang tagpi-tagpi niyang ala-ala anim na taon na ang nakakaraan...

Six years ago.

"And what are you doing here again, idiots?" magkakrus ang mga braso na sabi ni Creig sa dalawang walanghiyang nakatambay na naman sa resto-bar niya nang hapon na iyon. May dala pa itong sandok at naka-chef uniform. Halatang kagagaling lang nito sa kusina.

"Shut up, Mckracken. I'm waiting for Annina," Gio rolled his eyes.

"Pft. Don't forget that you're that crazy man who received a punch in the face from her. That was the most entertaining act I've ever seen in my life," tumalim ang titig ni Gio sa kaniya. Itinaas pa nito ang gitnang daliri sa harapan niya. Natawa na lang siya doon.

"At ikaw Jameson, wag mong sabihin palamunin ka na din ng resto-bar ko?" baling naman niya kay Jameson na sumisimsim ng orange juice. "At nasaan si Edward at Mirkov?" tanong pa niya.

"Nasa Ti Thalassa Pier si Mirkov ngayon sa Mexico." Ang Ti Thalassa Pier ang nag-iisang daungan na pagmamay-ari ni Mirkov sa Mexico.

"Sa susunod na buwan pa dadaong ang Enas Andras dito sa Pilipinas. Ang alam ko babalik lang sya dito para asikasuhin naman ang Vasilios," pagtukoy ni Jameson sa dalawang pinakamalaking barko ni Mirkov. "Si Edward naman na-shredder na yata ang sarili, nagkulong sa Printing Company nya. Paano ay pinagtataguan si Remi. Bigyan mo pa nga ako ng juice, wala akong balak mag-inom," bored na sabi nito at inabot sa kaniya ang baso. Napailing-iling na lamang siya doon.

"At bakit ka naman nakapang-chef? Nagluluto ka? O balak manglason? Yung juice ko ha," yumuko pa ang walanghiya at ipinatong ang baba nito sa lamesa.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now