TEN

5.6K 136 10
                                    

Unti unting nagmulat ng mga mata si Annina dahil sa ingay na nanggagaling sa kung saan. At ang unang namulatan niya ay ang puting puting paligid. Ibinangon niya ang kalahati ng katawan at iginala ang mga mata. Nakita niyang bukas ang malaking telebisyon na nakadikit sa pader at nasa tapat lamang niya. Doon pala nanggagaling ang ingay. Ngunit wala namang ibang tao doon bukod sa kaniya.

Napasulyap din siya sa brasong may nakakabit na IV. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pilit inaalala ang nangyari. Nang sapuhin niya ang kaniyang ulo, naramdaman niya ang nakabalot na benda doon. At bumalik sa kaniya lahat. One second she's sitting on Gio's lap at ngayon heto siya at nakaratay sa ospital, ang pinakaayaw niyang lugar sa lahat.

Naikwento sa kaniya niya Sister Martha noon, ang madreng nagdala sa kaniya sa Bahay Pag-asa at nag-alaga sa kaniya, na sa isang ospital daw sa probinsiya siya natagpuan ng madre, at paulit ulit daw niyang binibigkas ang 'Anni Palmez' and that's how she got her name. Ipina-blatter siya ng madre, ngunit ilang buwan ang nakalipas, walang naghanap sa kaniya. Kaya naman dinala siya nito sa Bahay Pag-asa sa Maynila at doon niya nakilala si Faith at ang iba pa niyang katulad na mga bata na napabayaan ng mga magulang.

Napatitig siya sa bintana.

Noong mga unang buwan niya sa ampunan, paulit ulit niyang napapaginipan na nasa isang ospital siya. Nakasiksik siya sa isang sulok, hubad at umiiyak. May isang batang babae ang tumigil sa harap niya kasama ang mama nito.

"Nanay, tulungan natin siya. Wala siyang damit," pangungulit ng bata sa nanay nito. Tumawag naman ng nurse ang nanay at binalutan siya ng tuwalya.

After that, she did not know what happened. Doon lamang umiikot ang kahuli-hulihang memorya niya bago siya mapunta sa ampunan. Pagkatapos niyon, tila nag-restart ang mga ala-ala niya. Bumuo siya ng mga bagong ala-ala kasama ang mga nag-aruga sa kaniya sa ampunan. Paminsan-minsan ay napapanaginipan uli niya iyon, pero hindi na kasing dalas ng dati.

She sighed. Sumagi din sa isip niya ang mga ala-ala niya kasama si Gio sa tagong paraiso nito...

"BEAUTIFUL, RIGHT?" naramdaman ni Annina ang pagyakap ni Gio sa likod niya. Ipinatong pa ng binata ang ulo nito sa balikat niya.

"Hmm-mmm" pagsang-ayon niya. Nakatayo siya sa may bintana ng bungalow na nakaharap sa lagoon at pinagmamasdan ang unti unting paglabas ng araw.

"My shirt looks good on you," napangiti siya. T-shirt ni Gio ang suot niya dahil sinira nito ang t-shirt na suot niya kagabi. Kaya naman ngayon, walang pantaas na damit ang binata. Hindi na kasi sila pumasok ng kwarto. They both slept in sofa after their steamy love making.

"Lahat ba ito man-made?" hindi niya mapigilang tanong.

"Yeah, except the falls. Nadiscover namin ang lugar na ito noong mga bata pa ako. Me and my friends. And we promised to built this, our hidden sanctuary. But.." napasulyap siya sa binata ng tumigil ito sa pagsasalita. Nakapikit ito at nakakunot ang noo. "..something happened. I decided to build this place and made it my personal space."

Napuno ng kuryosidad ang isip ni Annina sa sinabi nitong something happened. Gusto sana niyang itanong iyon sa binata ngunit base sa ekspresyon nito, alam niyang ayaw iyong pag-usapan ni Gio. So she decided to change the topic.

"Gio?"

"Hmm?"

"Pwede ba kong magtanong tungkol sa family mo?" matagal na katahimikan ang lumukob sa kanila pagkatapos niya itanong iyon. She bit her lip. Nagalit ata niya ang binata. Pero humigpit lang ang yakap sa bewang niya ng binata and he even nuzzled her neck.

"Sure."

"Bakit hindi ko napansin ang daddy mo sa birthday party ng mommy mo?" ilang minuto ang lumipas bago sumagot ang binata. Tila nagdadalawang isip ito kung sasagutin ang tanong niya. "Okay lang kahit wag mo na sagutin--"

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Where stories live. Discover now