TWENTY THREE

5.6K 140 13
                                    

"Fuck! I'll kill him! I will fucking kill him!" malakas na sinipa ni Gio ang glass center table dahilan para mabasag ang pinalamesa niyon. Parang gustong kumawala ng demonyo sa loob loob niya. Papatayin niya ang kung sino mang hudas ang naglakas loob kidnapin ang asawa niya.

"Arrgh! I swear to bury him in the depths of hell!" punong puno ng prustrasyong pinagsisipa nito lahat ng bagay na makita. Hindi niya iyon tinigilan kahit pa nagkalat na ng bubog sa paligid.

Habang sina Creig, Jameson, at Mirkov ay nakatingin lamang sa kaniya. Hinihintay siyang magpahupa ng galit. Dahil alam ng mga ito na hindi naman siya magpapapigil.

Dumating sila doon na bukas ang gate at pinto at nagkalat ang mga gamit. Maging ang nakatagong pinto sa bahay ni Gio na ngayon lamang nila nalaman ay bukas din sa hindi nila malamang kadahilanan. Ayon kay Gio, ipinagawa niya ang kuwartong iyon na puno ng alaala at pagsisisi para kay Bellinda.

Pagod na napaluhod si Gio. At sa kauna- unahang pagkakataon, nakita nila itong umiyak ng harap- harapan. The high and mighty Gio, is now kneeling and begging for his wife to come back.

"Annina.. Mahal ko.. Nasan ka ba.. please?" tuloy tuloy na umaagos ang luha sa pisngi ng binata. Bumubulong ito sa hangin na tila ba sasagot iyon.

Bumuntong- hininga si Creig bago nilapitan ang nakaluhod ng kaibigan. Now, he knew how Gio loves Annina.

"Please, Gio. Kailangan namin na kumalma ka. Mahahanap natin si Annina. Tutulungan ka namin. Pumunta na tayo ngayon sa Monitoring House para macheck ang mga CCTV."

Pinahid naman ni Gio ang luha nito gamit ang sariling braso. Tumayo ito at hinarap sila. "Let's go find my Anni."

"Gio, I want to tell you something." Lahat sila ay napatingin kay Jameson. "Anni, is Bellinda."

Namilog ang mga mata ni Mirkov habang si Gio naman ay tigalgal. "Nalaman namin yun kanina nung nagpunta kami ni Creig sa bahay ampunan kung saan lumaki si Anni. We saw her childhood pictures. And I definitely know that she's my sister. Though, we still haven't figured out how it happened."

"How? I mean, I thought Bellinda is already dead?" Gulong gulo na tanong ni Mirkov.

"That's what we are going to find out," may pinalidad na sabi ni Gio nang makabawi mula sa pagkakabigla. "Annina or Bellinda, I don't care about her name. She will forever be my love, my sweetheart and the mother of my kids. That is what matters right now. Let's go get my Anni and kill that demon who kidnapped her."

Ngumisi si Gio, at alam nilang ang ganoong klaseng ngisi nito ay ang klase na talagang papatay.

"Yeah," ngumisi din si Jameson. "Let's go get my sister!"

Mabilis nilang tinungo ang Monitoring House ng subdivision na iyon. Nadatnan nila si Abanoub Rameses na kinakausap ang medical team doon na nag-aasikaso ng mga patay na guards. Nag-iingay ang mga sirena ng ambulansya doon. Bumaling ito sa kanila, partikular na kay Gio.

"I'm sorry, nahuli ako ng dating. I should've tightened the security more. I didn't know this'll happen," hinging paumanhin nito.

"Don't blame yourself, man," it's Gio. "We will find my wife. Just call every person who can help us."

"Got it," sagot ni Rameses.

"Mckracken, ganun din ang gawin mo. Use your connections."

"On it, dude," inilabas ni Creig ang cellphone at may tinawagan doon.

"Mirkov, I want you to keep my kids safe. Pati na si Faith at Nanay Meling."

"Okay, Gio. I'll send my men there," like the others, Mirkov also bring out his phone at tinawagan ang mga tauhan nito.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin