Prologue

3.6M 59.4K 21.9K
                                    




Akala mo destiny na kayo, iyon pala false alarm.





Nakatingin lang ako sakanya habang talak siya nang talak sa harapan ko. Pinapakita lamang niya kung gaano siya kababang babae. Ang dami pa namang tao sa paligid namin. Hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya?

"Did you get it, Keila?" Tanong niya pa.

Umiling na lang ako. Sa dami at bilis ng mga sinabi niya, kahit isa wala akong naintindihan. Mas naintindihan ko pa ang malakas na bulungan ng tao sa paligid namin.

"Babe!" Sigaw niya at nakatingin siya sa likod ko kaya napatingin din ako sa likod at nakita kong papalapit sa amin si Dwayne Lopez, ang boyfriend ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Ganito kalakas ang epekto niya sakin na kada makikita ko siya ay natataranta ako. Ganito ata talaga kapag nakikita mo ang taong mahal mo.

"What's up, Krystal?" Cool niyang sabi sabay akbay sa babaeng malapit ko nang patayin sa isip ko. "Anong problema?"

"Eto kasing babaeng 'to, sabi niya may relasyon daw kayo. Totoo ba?" Pareho silang napatingin sakin o mas magandang sabihin na napatitig sila sakin na akala mo may krimen akong nagawa.

Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin ni Dwayne. Kilala siya na playboy at heart breaker sa University. Hindi niya naman siguro ako babaliktarin, boyfriend ko siya eh. Alam kong jerk siya pero ang sabi niya mahal niya ako. Sasabihin niya kayang girlfriend niya ako? Oo naman, bakit naman niya ako itatanggi?

"I don't know what she's talking about, Krystal."

Dahan dahang nag echo sa utak ko ang mga sinabi niya. Literal na tumigil ang mundo ko. Ang sakit and I hate this damn feeling. Pagkatapos ng isang linggong relasyon namin, itatanggi niya na lang ako sa harap ng madaming tao ng ganon ganon na lang? mabilis pa sa isang kisap mata.

So tama pala sila, pinaglalaruan niya lang ako.

Hindi dapat ako nag tiwala sakanya. Bulong ko sa sarili ko.

"Kita mo na? Ilusyunada ka!" Sambit ni Krystal na parang nag wagi siya sa kung ano mang laban. Lumapit siya at sinampal niya ako. "Dwayne will never be yours! Playtoy ka lang niya. Ako at ako lang ang nag iisang girlfriend niya. Get it?"

Ibinalik ko ang sampal na binigay niya sakin. Sinampal ko siya gamit ang natitirang lakas na meron ako. Gusto ko pa sana siyang sampalin at sabunutan para lang mawala ang sakit at galit dito sa puso ko pero may kamay na pumigil sakin.

"Keila stop it!" Suway ni Jenelle ang kapatid ni Dwayne at ang matalik kong kaibigan. "Ano bang nangyayari ha?" Napatingin siya sa kapatid niya na ngayon ay naka-akbay na kay Krystal. "Why are you with Krystal?! I thought--" napatingin siya sa akin at unti unting nag sink in sakanya kung ano ba talagang nangyayari. Mas kilala niya ang Kuya niya. "You're being a freaking jerk again Kuya!" Sigaw niya pero parang walang paki-alam si Dwayne.

Mas lalong dumami ang tao sa paligid namin. Para kaming manok panabong na pinaglalaban at pinagpupustahan. Mga leche sila. Mga chismosa. Ano pa nga bang maasahan ko? Uhaw sila sa balita tungkol sa mga taong kilala at sikat.

Ako at si Dwayne ay sikat na dancer. Si Jenelle at Krystal ay sikat na modelo.

Eto ang perfect scene para sa isang perfect scandal na paniguradong kakalat sa buong university bukas. But who the hell cares about it? I'm damn hurting right now at iyon lang ang importante sakin ngayon. Pakialam ko sakanilang lahat. Kaya ba nilang tanggalin yong sakit na nararamdaman ko?

Bakit ko sila iisipin? Kapag ba umiyak ako, iiyak din ba sila? Hindi 'di ba? Kaya wala akong pakialam.

Lahat ng sakit na nararamdaman ko kagagawan ng lalaking minahal ko pero niloko at sinaktan lang ako. Nakakagago lang.

Ikaw na ang nagmahal, ikaw pa ang nasaktan. Minsan nakabobo at nakakatanga na.

Pakiramdam ko may mga luha nang tutulo sa mga mata ko anytime. Hindi ako makakapayag na mag mukha akong kawawa at tanga sa harap nilang lahat. Mabuti pa umalis na lang ako dito.

Sa dami ng tao nahirapan akong makalayo at may isang matangkad na lalaki pa ang nakaharang sakin.

Sa hindi ko alam na dahilan, nag echo ang mga sinabi sakin ng kapatid ko.

Mapaglaro ang tadhana pero nasa iyo na lang kung makikipaglaro ka ba sakanya o hindi.

Hinila ko palapit sakin ang lalaking nasa harapan ko. Napanuod ko ito sa paborito kong movie. Uubra kaya ang iniisip ko?

"Halikan mo ako." Bulong ko sa lalaking nasa harapan ko. Aangal sana siya pero nagsalita ulit ako. "Hahalikan mo ako o tutuhurin ko ang maselang bahagi mo." Napaisip pa siya pero hinila niya ako at hinalikan niya ako sa labi ko. Isang madiin na halik.

Natahimik ang lahat.

Saktong isang minuto, kumalas ako sa halik niya at tinignan ko silang lahat. Tinitigan ko si Dwayne. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Actually, silang lahat nakanganga ngayon.

"Dwayne Lopez, if you think you're a fvcking good player.. better meet your coach." Sambit ko.

Kinindatan ko silang lahat pagkatapos hinila ko ang estrangherong lalaking humalik sa'kin kanina. Hinila ko siya hanggang sa dulo ng university at kung saan walang makakakita sa amin. Napahinto ako dahil hingal na hingal na ako kakahila sakanya. Ang bigat niya ha.

Kung ano man yong nangyari kanina, ang mahalaga, nakaligtas ako sa kahihiyan. Hindi ko hahayaan na lumabas akong talunan.

"What the hell are you doing?" Iritang tanong ng lalaking hinila ko pagkatapos inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. "Baliw ka ba ha?"

"Oo baliw sa pag-ibig." Sagot ko.

"Maganda ka sana kaso tanga ka."

Hinarap ko siya. Tumaas ang kanang kilay ko. Ang kapal niya para sabihin niya yon sa akin. Hindi naman kami close, noh. Pero tanga nga siguro ako.

"Damn it." Bulong niya. "Late na ako sa practice at kasalanan mo ito. Tsk. Baliw na babae." Walang kung ano ano, mabilis siyang umalis.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi tignan ang likod niya habang naglalakad siya palayo. Matangkad siya at maganda ang katawan.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Papasalamatan ko pa nga sana siya sa pagligtas niya sakin sa kahihiyan. Magkikita pa kaya kami nang estrangherong lalaki na 'yon?

Hindi ko alam kung may magiging papel ba siya sa buhay ko o wala pero ang alam ko, lahat ng taong darating sa buhay mo.. destined.

---
This is a stand alone story. You don't need to read my other stories to read this.

Destined
Written by blue_maiden

All Rights Reserved. Copyright © 2015

Destined (Published with TV Movie adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon