ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 2

518 19 0
                                    

Kasalukuyan ako ngayong natakbo papasok sa GU. Yup, second day ko ngayon pero late nanaman ako. Actually may reason naman ako kahapon, inorient pa kasi ako kaya pumayag si Ms. Flavin pero ngayon hindi ko sigurado kung saan hahantong itong pagkalate ko.

"ID?" Masungit na tanong sakin nung guard kaya agad ko pinakita sa kanya at tsaka ko sinwipe dun sa screen. Gandang record self grabe.

Halos wala ng tao sa hallway habang natakbo ako. Siguro nagstastart na talaga yung klase. Ok ayan na, inhale, exhale. Grabe napagod ako bat ba kasi anlayo nitong building nato? Second floor pa classroom.

Kumatok at tsaka dahan dahang binuksan yung pinto. As usual lahat nanaman sila nakatingin parang ewan nakakainis.

"Care to explain your reason why are you late Ms. Lee?" Ok now think.

"Uhm traffic po kasi." Tinaasan naman niya ko ng kilay. Based on different scenarios at reasons ang traffic talaga sa daan ang nagiging cause ng delay minsan, well isama mo na rin siguro pati yung pagkalate ng gising.

"Ok. Your reason is accepted for now. Papalampasin ko ito ngayon kasi second day mo palang naman pero be sure na hindi na ito mauulit Ms. Lee, are we clear?" Tumango naman ako.

"Crystal." I said tsaka umupo na sa upuan ko.

~~~

Nagpatuloy lang ng nagpatuloy ang buong araw ko. Puro discussion tapos sandaling break tas discussion ulit.

"Class dismissed." Rinig kong sabi ng last subject teacher namin kaya agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Umiling iling nalang si Ms. Tessa.

"What do I expect sa class F?" Bumuntong hininga muna siya tsaka ako tiningnan at nginitian bago umalis.

Nagayos lang ako sandali ng gamit ko tsaka ako tumayo para umalis. Hindi na gaano kadaming tao ngayon yung nasa hallway kasi karamihan ng estudyante ay sumasabay sa dagsa na sobrang daming nalabas.

"You b*tch!" Sigaw ng kung sino man toh at tsaka hinila yung buhok. Argh kabwiset, hinawakan ko yung kamay niya tsaka ko siya tinulak ng malakas.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo?!" Sigaw ko sakanya at tsaka ko inayos ang buhok ko bwiset na babae toh sawa na sa buhay niya.

"I really hate you!" I laughed sarcastically. Seryoso ba talag toh?

"Tigilan mo nga ako wag mo akong idamay sa pagpapaka fame whore mo." Uh-oh mukhang mas lalo siyang nainis. Pasensyahan kami wala siyang magagawa straight forward akong tao eh.

"I am not a fame whore. Ikaw, ikaw yon attention seeker!"

"Sa ginagawa mong yan sinong mas attention seeker satin?" I said then smirk, ops bullseye.

"Simula ng dumating ka nasayo na lahat ng attention dito sa GU! Mangaagaw!"

"B*tch"

"People hates you!"

"Akala mo porket napaguusapan ka gusto ka hindi, you're nothing walang wala ka kung icocompare samin!"

Sunod sunod namang sabi ng mga kasama niya. So famous na pala ako dito ganon, kung totoo man yon I like my image.

"Akala ko ba walang wala ako kung icocompare sainyo, eh bat binubulabog niyo ako? Wait maliban nalang kung..." This would be fun kung maaga pa kaya lang may pupuntahan pa ako, at malelate nako doon.

"Kung ano?" Mataray na sabi nung katabi nung nasa gitna. Ano toh? Kanang kamay? Patawa naman.

"Kung insecure kayo. Well syempre nakikita niyo na I am a lot better than you kasi, nakikita niyo na kahit late akong pumasok madali kong nakukuha ang attention ng lahat, na wala naman talaga akong pake." I said then smile, tumingin ako sa relo ko. Nako malapit na mag-6 malelate nako.

"Y-Times up. Tapos nako sainyo." I said tsaka ko sila tinalikuran para umalis.

"You! Who would be insecure on you? No one! Arghhh hate you!" Sigaw nung kanang kamay psh.

"Remember this day Danara Lee, hindi pa ako tapos sayo!" Humarap lang ako sandali sa kanya habang naglalakad at tsaka nagnwave ng kamay and I mouthed the word "bye."

"S-She, She is fearless!"

"Dude, grabe I think I like her already!"

"Bitchy attitude."

"G-ginawa niya talaga yon kay I-Iyah?" So Iyah pala pangalan non? Iyah more like Iyak.

"Kaya pala pinaguusapan tsk B*tch."

Tuloy tuloy parin sila sa pagbubulungan pero hindi ko nalang sila pinansin. Tumakbo nalang ako hanggang sa makarating sa bus stop. Shot I'm late. Bwiset naman yung babaeng yon talaga, walang maidulot na maganda.

"Now what am I gonna do?" Naiwan na ako ng bus. No choice, tumakbo nalang ulit ako. Kesa naman maghintay pa ko ng sobrang tagal, mas malelate ako non. Uhh kaazar.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now