ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 33

233 17 0
                                    

"What?!" Medyo napalakas ang tono ko sa pagsigaw kaya agad niyang tinakpan yung bibig ko. Bakit sino bang hindi nagugulat diba? I mean may dugong bughaw pala to ng mga bampira lol.

"Wag ka ngang maingay!" Pabulong niyang sigaw sakin kaya dahan dahan ako tumango habang nakatingin parin sakanya.

We stared at each other for quite sometime. Medyo naaawkwardan nako sakanya kasi nakatitig parin siya pero hindi ko alam, bakit parang hindi ko rin maalis yung tingin ko sakanya.

"A-ahh S-sorry." Bigla niyang sabi tsaka tinggal yung pagkakatakip sa bibig ko at medyo nagmove siya ng konti.

Bakit ang awkward sht?

"Ah hehe, a-ano b-bakit matagal? Yung ano yung sinasabi mo?" Bakit ako nauutal wtf.

"Nagiinspect pa sila." Tumango nalang ako at hindi na sumagot. Balak ko pa sanang tanungin siya kung hindi ba kami makikita dito kaya lang hindi ko nalang tinuloy. I mean lugar naman nila to, alam niya kung saan ang pinakasafe At tagong lugar dito diba?

Nilibot ko nalang ang tingin ko sa may glass window sa likod ko. Bakit ang taas? Bahay ba nila to?

"Anong specific na lugar to? I mean itong bahay na to or what..." I absentmindedly asked while admiring the view..

"This is," napatingin naman ako sakanya saglit nang magumpisa siya magsalita. Nagkatinginan ulit kami.

"This is the Palace." Tumango nalang ako sandali pero nung nagsink in sakin agad ko siyang napalo sa gulat.

"As in palasyo?!" Woah! Sinamaan nanaman niya ako ng tingin kaya medyo nanahimik ako. Pero weh? Seriously?!

Bumalik ang tingin ko sa labas. So ito yung palasyo. At yun yung iba pang mga lugar? Woah! I mean para silang may sariling mundo or bansa.

Kitang kita dito yung parang pinaka bayan ng VS. I mean VS ba naman. Kita ko din dito yung mga tao, I mean mga bampira pala. Medyo malayo kaya hindi klaro sa paningin ko.

Lumapag naman ang tingin ko don sa isang babae. Parang ang suspicious niya. Parang familiar sakin.

"Tita?" I absentmindedly and curiously asked myself when I finally adjusted my sight. Napansin kong binalingan ako ng tingin ni Theo habang nakakunot noo.

"What?" Tanong niya. Imposible, nasa Ilocos sila. Ginamit nga nila lahat ng ipon ko...

"Tita," bigla akong napatayo sa kinauupuan ko tsaka agad na sinundan my tingin kung saan siya pupunta.

Paano sila nakapunta dito? Bakit sila andito?

Gulat na napatingin si Theo sakin pero hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita. Agad na tumakbo ako sa may glass window.

"Tita!" Sigaw ko, kahit alam kong imposible naman niya akong marinig At hindi rin ako sigurado kung siya nga ba yon.

"Ano bang ginagaw mo Ara?! Umayos ka nga," Sabi sakin ni Theo Pero tinabig ko lang agad siya tsaka nagmamadali akong tumakbo palabas sa pinagtataguan namin.

"Ara!"

"Ara?"

"Teka Ara!"

Hindi ko sila lahat pinansin tsaka ko nagmamadaling buksan ang pinto nila. Tumakbo lang agad ako. Umaasa na sa dulo nasa labas nako.

"Ara! Ano bang ginagawa mo!" Rinig kong sigaw mula sa likod ko pero tuloy tuloy lang ako. Wala akong pakialam sa kanila pero napatigil ako nang makakita ako ng isang malaking bintana.

"Tita!" Siya yon! Sigurado talaga ako!

Sinusubukan kong habulin siya pero agad naman akong hinarangan ni Theo.

"Tita! Andito ako!" Sigaw ko tsaka pinipilit na kumawala sakanya pero masyado siyang malakas.

Wala na akong nagawa, tiningnan ko nalang siya hanggang sa unti unti na siyang nawala sa paningin ko.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan bago ko narealize yung mga nangyari. Agad kong tinulak si Theo tsaka ko siya sinamaan ng tingin.

"Ano bang problema niyo?" Naasar kong tanong sa kanila.

"Tulungan mo mun— Letche! Di niyo ba magets? Nakakaasar na kamo! Wala akong kamalayan diyan sa mga pinagsasasabi niyo kaya utang na loob tigilan niyo na ako!"

"Kahit Ayaw mo makipagtulungan hindi ka parin namin pwedeng iuwi."

"Ano to, kidnapping? Wala kayong makukuha sakin, Wala akong pera!"

"Ano ba naiinis narin kami Ara, umayos ka nga naexplain na namin sayo na hindi nga tumatakbo ng ayos ang oras sa parteng yon! Bakit ba ang hina mo umintindi!"

"Hindi ako naniniwala sainyo. Hindi ako yung hinahanap niyo, kung hinayaan niyo nalang Sana ako edi Sana naabutan ko pa yung tita ko!"

"Tita?" Nagtatakang tanong nila tsaka ako binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Oo kaya— So sinasabi mo ba na andito ang tita mo na normal na tao?" Napakunot noo naman ako sa pinakawalang kwentang tanong ni Theo sakin.

"Obviously— imposible, mga bampira lang ang nakakapasok o nakakakita sa lugar na to." What?

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now