ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 9

257 14 0
                                    

Ngayon alam ko na kung bakit ako sinugod at pinaginitan ng grupo nila Iyah nung Thursday.

*Flashback*

Naglalakad ako ngayon dito sa may students park ng may makasalubong akong babaeng nerd na obvious naman na galing section A.

"A-Ara!" She called nang malampasan ko siya kaya lumingon ako sakanya. Mabilis naman siyang lumapit sakin habang nakayuko.

"P-pinapatawag ka n-ni Sir David." Bigla niyang sabi tsaka nagbow at umalis na. What was that?

Pumunta nalang agad ako sa may teachers building para hanapin si sir David sa faculty. Doon ay nakita ko siyang kausap si Ms. Tessa habang nakatingin sa isang folder. Lumapit naman ako kaagad sa kanila.

"Sir pinatawag niyo raw ako?"I asked kaya napatango naman siya at napatingin kay Ms. Tessa.

"Nagkaroon ng decision ang council nung GU kahapon na ililipat ka sa Section A sa Monday, dahil nga nagtop ka sa 3rd semestral exam. Is it okay with you?" Diretsong tanong ni Ms. Tessa sakin kaya tumango nalang ako.

"Good. Sa Monday dumiretso ka muna dito sa faculty para magreport sakin ibibigay ko na din sayo yung bago mong ID tapos doon ka na sa section A. Understand?" Tumango nalang ako tsaka nila ako pinayagang umalis.

Palabas palang ako ng teachers building nang makita ko na parang may nagkukumpulan na estudyante sa may labas. Pagbukas ko ng pinto ay agad sila nag si gilid, yung iba nagalisan yung iba nagbubulungan nanaman.

"I knew it!"

"Mapapalipat nga siya sa Section A..."

"Beauty and brains na kamo siya Bro."

"Walang wala naman sa attitude"

"Insecure lang kayo!"

Tuloy tuloy ako, hindi ko nalang sila pinapansin. I've become used to it. Pagdating ko sa room nakita kong nakatingin sakin ang mga kaklase ko. Yung iba natutuwa yung iba ewan nanghihinayang ba yon? I don't care wala naman akong maiiwan dito.

*Flashback ended*

Ngayon kakababa ko lang ng bus at nandito na ako sa GU. Monday na ngayon it means start na ng klase sa Section A. Simula nung Thursday hindi na natigil yung bulong bulungan ng mga epal na bubuyog nayon. Buti nalang ngayon late ako nagising kaya wala ng katao tao sa mga hallways. Probably nagkaklase na sila.

Dumiretso agad ako sa may teachers building only to find some teachers staring at me. Anong meron? Pagpasok ko sa faculty ay nakita ko si Sir David kasama si Ms. Tessa parang may pinaguusapan sila, tumigil lang sila ng makita ako.

"Please follow us Ms. Dannara Lee." Seryoso niyang sabi sakin kaya sumunod ako sakanya tas sumama rin si Ms. Tessa. Seriously akala ko ba magrereport lang ako ngayon dito at ibibigay ang bagong ID ano naman ngayon?

Dumiretso kami sa room ng section A tsaka ako pinapasok. Nakita kong madami nanamang mata ang nakatingin sakin.

"Seriously did she really cheated?"

"Ewan sabi nila eh..."

"Nakita daw sa locker niya eh."

"Ang pathetic naman kung ganon."

"So Ms. Lee, may nagreport samin from this class na nagsasabing nagcheat ka daw from our 3rd Sem exam at may nagbigay ng statement from your class." Seryosong saad ni Sir. David kaya napakunot ang noo ko.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now