ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 16

221 12 0
                                    

*Chewy's POV*
[Time skip]

Monday na ngayon at ngayon na namin isasagawa ang plano namin. We'll get to know Ara! Makikilagclose kami sa kanya para masagot lahat ng tanong sa isip namin regarding also about her.

"Good Morning Ara!" Masigla na bati ni Chae sa kanya pagkapasok na pagkapasok namin sa room.

"Good Morning!" Nakangiti namang sabi naming apat pa sakanya. Ngumiti lang siya ng tipid tas alinlangang sumagot.

"Good Morning?"

I can see the confusion on our classmates faces. Who wouldn't? We usually don't great our classmates. Wala naman kasi kaming gaanong pakialam. Remember, hindi nga kami aware noon kay Ara eh.

Maybe nakakasalubong or naririnig namin siyang pinaguusapan. Pero usually hindi naman talaga namin binibigyan ng pansin. Yes, mapaguusapan namin sandali pero after non wala na, kakalimutan na namin.

Dumating na ang first subject namin ngayong umaga. Discussion lang, pagkatapos ay short Quiz. Then lumipat kami ng building para sa physics namin na gagawin sa robotics room. Then babalik sa room para sa last subject namin ngayong umaga.

So far, that's how we spent half of our day. Half of the Class 3-A day. Ngayon nagaayos kami ng gamit namin, for our ICT subject. Pupunta kami sa IT building mamaya para don magklase so technically dala din namin ang mga bag namin.

"Ara, sabay ka ulit samin maglunch." Nakangiting wika ni Mina kaya anlinlangan namang tumango si Ara. Malamang nawiwierdohan na siya.

Sabay sabay kaming umalis ng building namin papuntang Cafeteria. As usual andaming nagbubulungan, magkahalong negative at positive. Napatingin naman ako kay Ara, para namang wala lang sa kanya yung mga bulungan. Ok lang kaya siya?

Nakatitig lang ako kay Ara, sinisigurado ko kung anong nararamdaman niya or emosyon niya sa mga sinasabi ng iba nang bigla akong sikuhin ni Chae.

Linibot ko yung paningin ko, only to find out that we're already inside the cafeteria. Maybe I'm just preoccupied by my thoughts.

Bumili nalang kami ng lunch namin tsaka umupo kung saan umupo sa inupuan namin last time at nagsimulang kumain. Tahimik lang ang pagkain namin, sinulyapan ko sandali si Ara.

"Grabe hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?"

"Ang kapal ng mukha na sumama sa royalties"

"Isn't it strange? Ang dalas na nating makita ang royalties!"

"We get to see them more often lalo na yung mga bebe ko!"

"Bagay naman siya sa kanila ah?"

"Maganda, matalino, mayaman, matapang"

"Btch at sipsip naman."

These are really good for nothing people. Wala na silang ibang ginawa kundi pagusapan ang ibang tao. They easily judge people based on what they see. Minsan tuloy iniisip ko, naaappreciate ba talaga nila kami or dahil lang sa kung ano ang nakikita nila? Nakakainis talaga.

"Hoy kawawa naman yung pagkain mo." Bulong sakin ni Justin na naging dahil kung bakit ako napatalon sa upuan ko sa gulat.

"Bakit ka ba nangugulat Justin?!" Naiinis kong tanong tsaka umayos ng upo. Tumawa naman siya kaya mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

Ngayon ko lang narealize na lahat pala sila ay nakatingin na sakin. Tiningnan ko yung pagkain ko. My God kalat na yung kanin ko! Ganon ba ko kainis at nagspace out?

Bumalik na kami sa pagkain and eventually sa klase. Hindi na namin gaanong nakakausap si Ara sa sobrang dami ng ginagawa namin ngayon, pero pag may time nagha-"hi" naman kami sakanya.

Grabe sunod sunod yung klase namin buong araw. Bawing bawi nanaman ang mga subject teachers namin sa mga araw na suspended ang klase. Luckily, bampira kami. Hindi kami mabilis mapagod.

"Yayain kaya natin si Ara na gumala mamaya?" Tanong ni Chae na tinanguan namin lima maliban kay Theo na umiling pero sinamaan na agad namin siya ng tingin.

We'll he can't do anything about it. Magttry kami kaya wala na siyang magagawa.

Natapos ang last subject namin kaya agad kaming bumalik sa room para kuhanin ni Chae yung naiwan niyang gamit niya. Nagmamadali kami kasi baka makaalis na si Ara.

Nagpaalam narin kami kela Unnies at Oppas na hindi muna kami makakauwi ngayon sa VS gaya ng napagusapan, malelate kasi kami ng uwi.

"Ara!" Sigaw ni Chae ng makita naming naglalakad na si Ara paalis. Mukhang hindi niya naman ata kami naririnig kasi busy din siya sa phone niya.

Tumakbo nalang kami at inunahan siya kaya siya napatigil sa paglalakad niya at nagtatakang tumingin samin.

"Tara sama ka samin. Bonding tayo!" Magiliw na sabi ni Chae. Nako hyper nanaman siya.

"Sorry busy ako..." Sabi niya habang umiiwas ng tingin samin. May problema ba siya? Chineck niya yung oras tsaka aalis na sana kaya lang humarang kami.

"Kelan ka nalang free?" Tanong namin ng nakangiti. "Bukas ng hapon? Sat or—— Wala, may pupuntahan pa kasi ako." Diretso niyang sabi tsaka umalis.

Busy? Saan ba siya busy? Ang gulo.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now