ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 14

220 14 0
                                    

*Chewy's POV*

"Yah! Ano ba yang sinabi mo Theo!" Sigaw ni Chae tsaka hinampas hampas si Theo.

"T-teka nga! Eh totoo naman eh pinagsisinungaling niya tayo! Ano para lang sa pagkacutting niya?!" Mas lalo namang nilakasan ni Chae ang paghampas sa kanya.

"Malay mo kasi may reason!" She exclaimed.

"Malay ko ba! Tsaka bat ba dito tayo kumain?!" Naiinis na sabi ni Theo, Ito talagang magpinsan natoh.

"To get to know her more." Pagsingit ni Mina na nagpakunot noo kay Theo. "For what?" Nagtatakang tanong niya kaya napairap nalang ako. "Obviously, para malaman natin lahat tungkol sa kanya at para maconfirm nadin natin kung siya ba talaga si Araline!" I said then sigh.

"Hindi naman siya si Araline."

"We won't know unless we try." Seryosong sabi ni Jasper.

"Tsaka pumayag ka na so wala ka ng magagawa!" Natatawang sabi ni Justin. Tumango nalang siya, sign na defeated na siya samin.

~T I M E   S K I P~

Thursday na at nung Monday pa namin hindi nakikita si Ara. Simula nung nagpaalam siya na maghahalfday, hindi na namin siya nakita. At ngayon na may bagyo pa mas malaki ang chance na hindi namin siya makita, anlaki ng chance na masuspend ang klase. Monday is a weird day indeed.

"Ano iniisip mo Chewy?" Tanong sakin ng nasa likod ko tsaka ako kinalbit. Humarap naman ako sakanya.

"Hindi ka ba nawiwierdan sa nangyari nung Monday?" I asked tsaka nagpangalumbaba sa desk ni Justin.

"Weird pa ba yon?" Natatawa siyang sagot. "Eh nangyayari naman talaga yon, Di ka pa ba sanay?" Umiling lang ako.

"Sino naman kasing gagawa non?" I asked. Pero nagkibit balikat siya " Maybe, Tito Harold?" He answered uncertainly, kaya napataas naman ang kilay ko.

"At bakit naman niya yon gagawin?" Natawa nalang siya sakin tsaka ginulo ang buhok ko. Hinampas ko naman yung kamay niya. "Yah!" Mas lalo lang siyang tumawa.

Inayos ko yung buhok ko pero hinawakan niya lang yung kamay ko tsaka binaba sa may desk. "Anong— " nginitian namana niya ako. Yung ngiting nakakatunaw, habang inaayos niya yung buhok ko.

"Bat ba ang tatamis niyo ngayon kainis..." bulong ni Chae pero narinig ko parin kaya napatingin kami sa kanya. Natawa tawa nalang si Theo tsaka inayos ang gamit niya at tumayo.

"Teka san kayo pupunta?" Nakakunot noo kong tanong sa kanila na nagpailing kay Chae at mas nagpatawa kay Theo.

"Masyado kasing focus sa isa't isa." Sabi niya pa habang natawa kaya napatingin kami sa isa't isa ni Justin ng nakakunot noo.

"Nasan na ba yung iba?" Tanong ni Justin nang mapansin niya na ang unti nalang ng tao sa room.

"Cut na classes." Biglang sabi ni Chae kaya nanlaki ang mata ko.

"Omo?! Weh?!" Masayang sabi ko tsaka agad na napatayo kaya lang tumama yung siko ko sa may upuan.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Justin tsaka tiningnan ang siko ko. Bat ba parang iba siya ngayon? Bakit parang ang concern mo sakin ngayon?

Nakatingin lang ako sakanya habang ginagalaw niya yung siko para macheck. Napansin niya ata yon kaya tumingin rin siya ng diretso sa mga mata ko at nginitian ako. Bakit ba ganyan ka ngumiti? Bakit pakiramdam ko nalulunod ako diyan sa mga mata mong yan? Bak—

*ehem* "Tama na naman ang pagngingitian. Lumalakas na ang ulan Maknae couple." Napaiwas naman ako ng tingin kay Justin dahil sa sinabi ni Chae, si Justin naman ay napakamot lang sa batok niya tsaka ngumiti ng slight. Bat feeling ko biglang uminit yung mukha ko?

Tumayo nalang ako tsaka sumunod kela Chae na palabas na.

Nasa main lobby na kami nang sabayan ako ni Chae sa paglalakad tsaka ako siniko sa tagiliran habang nataas baba pa yung kilay niya.

"Kileg Chewy" She said kaya umiling nalang ako kaya lang binigyan niya lang ako ng Hindi ako naniniwal look "Bakit ka namumula?" Painosente niyang tanong kaya napahawak ako sa pisngi ko.

Late ko ng narealize na pinagtitripan ako ni Chae kaya napatawa siya. Binilisan ko nalang ang paglalakad ko para sana kila Theo sumabay kaya lang nakatigil sila. Bakit?

"Please a-accept my letter f-for you t-Theo..." nakayukong sabi nung babae. Owww mmmm. Nakatingin lang sakanya si Theo.

"I-I really like you Theo. H-hindi m-mo man ako napapansin p-pero Theo— It's Vandrex, sorry miss pero ayoko ng tinatawag akong Theo ng hindi ko kilala." Naiilang niyang sabi, pero blank face parin.

"And also, I don't accept love letters." He stated tsaka naglakad paalis. Tiningnan ko naman si Justin, kaya lang nagkibit balikat lang siya tsaka umalis at sumunod kay Theo. Those guys!

"Sorry Miss sa ginawa ng pinsan ko." Biglang sabi ni Chae. "Sorry." Yun nalang yung huling nasabi namin tsaka kami sumunod na kela Theo. My God kawawa yung girl. Kung hindi lang malakas ang ulan at maiiwan kami dito nako talaga!

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now