ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 25

201 14 0
                                    

"Narinig niyo ba yung balibalita?"

"Ano?"

"Nakabalik na daw ang Queen bees..."

"As in sila Loisa?"

"Oo!"

"Omo"

"Grabe ang tagal din nilang nawala ano?"


Tuloy tuloy sa pagbubulungan ang mga estudyante dito. Grabe umagang umaga tsismisan agad eh. Queen bee amp. Sino ba yan? Reyna nila? Bubuyog takte? Ano tsismosa din?

Ay jusko ang dami ko nanamang tanong na walang kwenta. By the way, Monday na pala ngayon, at ilang araw narin akong hindi tinitigilan ng royalties. Una akala ko isang araw lang kasi mapapagod na sila kaya lang hindi pala.

Bakit ba ang dami daming time ng mga estudyante dito sa GU akala mo naman may sense yung pinaglalaanan nila ng oras wala naman.

Nakarating ako ng room namin nang mapansin kong wala pa yung iba kong kaklase pati yung royalties. This is odd. Alam ko ang aaga nila dumating lagi eh. I just shrugged off my thoughts and focus on myself.

Dumating yung first subject teacher namin pero wala parin gaanong tao. Hindi naman din gaanong nagdiscuss si Ms. Flores at maaga din siya nagdismiss.

Medyo hindi ko narin alam ang nangyayari okay. This past few days may napapansin ako sa royalties na medyo weird. Then yung— aaaa naloloka ako. Nevermind.

Lampas kalhating oras na kaming naghihintay para sa next subject teacher namin pero mukhang wala naman na ata siyang balak pumunta so umubob nalang ako sa mesa ko tsaka ko hinayaan ang sarili ko na tangayin ng antok.

*TIMESKIP*

Nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagtulog ko nang naramdaman kong may kalbit ng kalbit sakin. Argh! Naiirita ako ayoko talaga ng ginigising ako sa kalagitnaan ng tulog ko.

Hindi parin siya tumitigil sa pagkalbit at sinamahan pa ng pagtawag ng pangalan ko. Naiirita na talaga ako.

"Ano ba?!" Sigaw ko sabay nang pagmulat ng mata ko.

I was in a bit of shocked and guilt. Omo si Chae pala yon? Jusko hindi ko napansin. Nakita ko naman yung gulat at takot sa mga mata niya. Pati narin sa royalties.

"S-Sorry..." sabi ko tsaka ko inayos yung buhok ko at tumayo sa pagkakaupo ko at nagmamadaling inayos ang gamit ko. Aalis na sana ako nang mapansin kong kami nalang pala yung tao dito at gulat na gulat parin sila sa inasta ko.

Nagmamadali akong umalis ng room dahil sa kahihiyan. Shoot what have I done? Anong kalokohan yon? Arghh. Sorry naman kasi naman tulog ako diba tsaka erghh yoko na.

Mababaliw na ata ako sa kaewanan ng may bigla naman akong mabangga. Sa lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig.

"Ouch!" Sigaw nung nakabangga ko. Shoot ang sakit non ah.

"Jessica! Are you alright?" Sigaw nung kasama niya. Bakit parang ngayon ko lang sila nakita bago lang ba sila?

"No! How would I be fine?!" Sabi nitong Jessica tsaka siya tinulungang tumayo nang mga kasama niya.

"Look what you've done!" Sigaw pa nung isang kasama niya na masama na ang tingin sakin. Hala ako nanaman?

"You broke my heels!" Sabi pa nitong Jessica na nakabangga ko. Heels lang pala. Saglit akong natawa tsaka tumayo.

"Pft, sorry." Sabi ko pero mukhang nairita ata sila.

"Satingin mo ba mababalik ng sorry mo yan?" Sagot naman nung isa tsaka ko hinead to toe. Wow ha?!

"Excuse me miss, nagsorry nanaman ako eh. Tsaka hindi naman sadya yan. Parehas din tayong may kasalanan." Sabi ko pa pero mukahang mas nagalit ata sila.

Hiniwakan niya ako sa braso tsaka ako hinatak. Takte bakit ang sakit humawak nito?

"Anong sabi mo?" Tanong niya sakin habang nanlilisik yung mata sa galit.

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko tsaka ko hinatak yung braso ko pero tinulak niya lang ako, kaya ang resulta ayun napasalampak nanaman ako sa sahig at napadaing sa sakit.

Damn this girl. Pinupuno ako nito. Pinawala niya ang mabait at playful ko personality. Ang sakit. Itulak ba naman ako.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sakanya pero nginisian niya lang ako.

"Sino ka ba satingin mo?!" Dagdag ko pa. Naiinis na talaga ako.

"Eh ikaw sino ka ba sa tingin mo?" Nangiinis niyang tanong. Aba gusto mo nang inisan ha? Edi bibigyan kita.

"Ako si Ara." Pilosopo kong sagot sakanya, napansin ko naman na parang nawala ang ngisi niya sa labi at hinatak ako sa braso ko pataas tsaka matalim akong tiningnan ng malapitan.

"Ito ang tandaan mo Ara, kung napawala ka na namin noon, pwes kaya ka namin ulit pawalain ngayon." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Anong napawala? Ano bang sinasabi nito?

"Pero sa pagkakataon nato
























habang buhay na."

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now