ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 3

402 20 1
                                    

Patuloy parin ang buhay ko. Magi isa't kalhating buwan na akong pumapasok dito sa GU. Syempre hindi mawawala yung madalas na pagaaway namin ni Iyah. Ewan ko ba sa babaeng yon pati sa mga coloring books niya kung anong problema. Mga walang magawa sa buhay.

Wala talagang pagbabago, hindi parin nawawala yung mga bubuyog. Isa't kalhating buwan nako dito trip parin ako.

"One month na ayaw niya paring makipag friends?"

"Lapitan mo na bro, bilis."

"Ang ganda talaga."

"Feeling mataas eh wala nga siya sa kalingkingan ng royalties."

"True. Class F lang naman yan."

Medyo napapantig na ang tenga ko ah. Nakakabwiset. Pano ko ba natiis toh? Kagigil grrr. Charot. Pero sa tinagal ko naman dito hindi nako parang naiiba talaga kasi first of all kilala ko na yang mga royalties nayan nakita ko na sila siguro mga dalawang beses or tatlong beses na sa cafeteria? Minsan nakakasalubong ko.

Royalties class 3-A daw sila matatalino daw, may mga itsura syempre mawawala ba yung mga mayayaman na powerful pa sa lipunan. Pero who cares wala namang maidudulot yan. Tsaka malamang hindi rin naman niyan kami kilala. Hello wala naman akong pake, sila siguro.

"Next week na ang start ng examination examination niyo please class F magaral kayo." I heard my classmates sighed, yung iba nagreklamo pa.

"Class quiet! Ayoko makarinig ng kahit anong dahilan!" Nakakainis naman kasi talaga mga kaklase ko, bubuyog ba naman lagi.

"Ipopost sa announcement board bukas ang mga schedule ng mga subjects na itetake. Goodluck." Tumango tango nalang ako. Mahaba habang gabing puyatan nanaman ito.

"And Ms. Lee, sumunod ka sakin sa office bibigyan kita ng copy ng mga lessons na namiss mo this semester." Tumango nalang ako.

"That's all class dismissed." As usual agad na nagsitakbuhan sila palabas ng classroom. Napailing iling nalang si Ms. Tessa, lagi namang ganto ang scenario nila.

Lumabas na si Ms. Tessa kaya nagmamadali akong sumunod sa kanya nasa kabilang building pa kasi ang Faculty.

Nang makarating kami napunta samin ang atensyon ng ibang gurong andon. Nagbow lang sandali si Ms. Tessa sa kanila as a sign of respect at dumiretso lang siya sa desk niya.

May inayos lang siyang mga papel sandali tsaka napakunot ang noo niya.

"Uhmm, Ara?" Ara ang tawag nila sakin dito, wala naman akong pake kasi nga diba sinabi ko na sila na ang bahalang magisip kung anong gusto nilang itawag sakin.

"Yes po?"

"May kulang ata sa mga copy nato. Pwedeng pumunta ka muna sa class 3-A? Tawagin mo si Minari Myoui sabihin mo nanghihiram ako ng copy ng lesson nila sa Organic Chemistry, ibabalik din naman." Nakangiti niyang saad kaya tumango nalang ako. Nice babalik ako ulit sa building namin.

Tumakbo nalang ako agad ng makalabas ako sa building ng teachers faculty papunta sa building naming S.H 12th grade. Grabe nakakapagod. Nagpahinga muna ako saglit tsaka kumatok sa pinto. Bumungad sakin yung parang nerd na babae na halatang shock ang itsura.

"Uh, Hi can you please tell to Ms. Minari Myoui na gustong hiramin ni Ms. Tessa yung copy niya ng lesson sa Organic Chem.?" Nakatulala parin siya sakin na parang nanginginig kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Shocked or afraid?" I said then smirk.

"Hindi ako nangangain ng tao, I may be a bitch pero hindi ako ang nauuna sa away. So would you please." Pandalas naman siyang tumango sakin.

"S-sorry." Sabi niya tsaka pumunta sa grupo ng nagkukumpulan sa may dulo ng classroom nila. If I'm not mistaken sila yung royalties. Tumalikod nalang ako tsaka sumandal sa may glass window.

It took her a few minutes bago siya lumabas.

"S-s-sorry po to keep you w-waiting. Part po k-kasi ng r-royalties si Minari k-kaya medyo nakakahiya po." Pautal utal niyang sabi tsaka nagbow at pumasok na sa class room nila. Okay? That was weird.

Nagmadali akong bumaba sa building namin tsaka mabilis na pumuntang faculty. Diniscuss muna sakin ni Ms. Tessa yung mga coverage per subject bago niya inabot sakin lahat nung copy ng lesson. Nagthank you nalang ako tsaka nagmadaling umalis.

Tumakbo ako papunta sa bus stop. Ok 5:39 may ilang minutes pa. Pag umabot toh ng 5:40 at wala pang bus nako dapat iready ko na ang sarili kong tumakbo.

Nilabas ko muna ang phone ko tsaka nilista kung ano ang mga kailangan kong gawin at bilhin. Sakto naman ng matapos ako ay dumating na yung bus. Finally, akala ko mapapatakbo ako ngayon eh. Tinago ko ang phone ko sa bag tsaka umakyat ng bus at umupo may gitnang upuan.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now