ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 7

298 17 0
                                    

*Dannara's POV*

Maaga akong nagising ngayon. Alas-4 palang ng madaling araw ay nakaayos na ko. Dahan dahan akong bumaba, para hindi maistorbo ang mga matutulog, papuntang kusina.

Mabilis akong nagsaing ng madami at madami narin yung ulam na niluto ko. Malamang gagabihin ako ngayon walang magluluto dito.

5:20 na ng matapos akong magluto. Mabilis akong kumain at naghugas ng pinggan, nang mapansin kong pababa ng hagdanan ng tiyahin ko. Tiningnan ko lang siya at tsaka nilampasan.

Chinecheck ko nalang kung kunpleto ba ang mga gamit ko ng makaramdam ako ng malakas na hampas sa ulo ko.

"Bakit ang aga aga madaling madali ka na? Maghain ka muna ng kakainin namin hoy!" Pabalang na utos niya sakin pero tuloy tuloy lang ako sa pagaayos.

"Abat tal- Tapos na ako magluto ng kakainin niyo hanggang mamayang gabi. Nakapag grocery narin ako nung Huwebes kaya-" hindi niya rin ako pinatapos sa sasabihin ko ng bigla niya kong binigyan ng isang malakas na tulak. Hindi ko nalang siya pinansin tsaka isinara ang bag ko at umalis na.

Chae's POV

Monday na agad at heto ako ngayon naglalakad papuntang classroom namin. Walang kabuhay bahay. Antok na antok. Paano ba naman kasi naging busy kami buong weekend, gabi na kami nakuwi kahapon nakakainis late tuloy ako, kami nakapagreview.

Pagdating ko sa room nakita kong lahat sila ay nagrereview. Ano pa bang ieexpect ko sa klase namin. Umupo nalang ako sa assigned seat ko tsaka inilabas ang libro ko para magsimulang nagreview.

"Grabe ang sakit talaga sa ulo." Rinig kong bulong ni Justin na nasa unahan ko lang pero hindi ko nalang siya pinansin.

Tuloy tuloy lang ang katahimikan ng room namin dahil sa pagrereview naming lahat na andito nang biglang may pumasok na teacher.

"Please keep all of your reviewers. Ball pen niyo lang ang gusto kong makikita sa desk niyo." Strikta niyang sabi kaya sinunod nalang namin ang sinabi niya. Pagkatapos ay dinistribute niya na lahat ng test papers at nagsimula ng magmasid.

Nang mabasa ko ang mga tanong sa exam ay agad akong napangiti. This must be good.

*Dannara's POV*

Natapos akong magsagot sa huli naming exam ngayong araw nang biglang tumunog yung bell, sign na tapos na ang klase. Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at tsaka umalis yung iba naman ay hinagis pa ang test papers. Ok, what was that?

Napailing nalang ni sir at tsaka pinulot ang ibang inihagis na test paper habang ako ay tinatapos ko nalang ang pagrereview ko para sigurado ako sa mga sagot ko.

Pinulot ko nalang ang natirirang isang test paper na nasa sahig tsaka ko pinasa ang akin at lumabas ng room. Buti nalang kalhating araw lang ang pasok namin ngayon kaya nagmamadali akong bumaba ng hagdan ng may bigla akong nabubunggong lalaki.

"Sorry." Mabilis kong sabi tsaka umalis. Lumingon ako tsaka ko narealize na grupo pala sila don. Andon yung Minari so probably they're the royalties.

Nagkibit balikat nalang ako tsaka mabilis na pumuntang library. Para magreview. Kumuha lang ako don ng ilang mga libro tsaka umupo sa may bakanteng upuan sa may gitna.

Nasa kalagitnaan ako ng pagrereview nang mapansin kong parang medyo umingay. Nilibot ko ang paningin hanggang sa makita ko ang grupo ng mga nakakasiyahan doon sa may mga unang hilera ng mesa. Obviously, the royalties. Sila lang naman ang makakagawa niyan.

Wait, don't get me wrong. I don't actually hate them but I didn't say that I like them either. Hindi ko naman sila kilala eh yung Minari lang yung kilala ko.

Past 3 na nang maramdaman kong parang kumakalam na yung sikmuro ko. Hindi pa nga pala ako naglulunch. Inayos ko nalang lahat ng gamit ko tsaka binalik yung mga hiniram kong libro at umalis.

Andon parin naman ang royalties, ngayon ko lang napansin na kaya pala medyo dumami yung tao dito. Of course, Royalties nga eh whatever.

Nang makalabas ako ng library ay hindi parin pala nawawala ang mga bubuyog dito. May mga ilan parin sa kanila na walang magawa.

"Does she even have friends? Duh."

"She's fearless actually."

"I don't really know why is she always alone..."

"Maganda, sabi ng iba matalino bat nga ba?"

"Ugali kasi."

Hindi ko nalang sila pinansin. Walang mga magawa sa buhay. Nang makalabas ako sa campus, meaning nakalayo na ako sa bahay ng mga bubuyog ay agad akong pumunta sa bus stop para sumakay. Bumaba ako sa Spiced up Chai Cafe.

"Ara ang aga mo naman ata ngayon?" Nakangiting bati sakin ng isa sa mga staff si ate Yuri.

"Exam. Tsaka dito nalang ako maglalunch." Well siya lang naman ang kumakausap sakin dito. Ayoko ng ako ang nauuna magapproach. Tsaka ok lang naman kung wala akong kausap, pake ko ba. Ergh my attitude again, whatever.



***
Son Chaeyoung as Chae Danica Son

***Son Chaeyoung as Chae Danica Son

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Im Nayeon as Nathalie Im

Im Nayeon as Nathalie Im

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Min Yoongi as Sean Min

Min Yoongi as Sean Min

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now