ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 27

195 15 0
                                    

*Dannara's POV*

"May kasalanan ka pa at kailangang bayaran." Pagpipigil sakin nitong si Theo. Ano nanamang kasalanan? Anong bayaran?

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya kaya agad niyang binitawan ang kamay ko At tinuro si Chae.

"Tinakot mo siya kanina kaya, tas tinulungan ka namin kanina." Sabi niya pa.

"Edi, Sorry Chae at Thank you Royalties." Sabi ko tsaka umirap.

"You should treat us atleast." Sabi naman nung Justin tsaka nagpout. Wow, ano ba talagang trip ng tropa nila?

"Medyo nandidiri man ako sa itsura ni Justin, pero tama naman siya." Pagpayag nung Jasper.

"So anong gusto niyo? Mag-cutting?" Sabi ko pa pero tumawa lang sila. Mga baliw talaga.

"Nag announce na halfday lang tayo ngayon. May meeting kasi ang school personnels para da supposedly na activity." Sabi nung Mina na halatang nagpipigil din ng tawa. Napakunot naman bigla ang noo ko. Bakit nila alam yon? Bat diko alam? Sila nga yung Wala sa klase kanina ah?

Nabalik ako sa realidad ng bigla ko nanaman silang narinig na tumawa.

"Sorry halata kasi sa mukha mo! Hahaha!" Natatawang sabi nung Chewy. Ano nanaman ang nakakatawa? Napataas naman ang isang kilay ko, hindi kaya...

"Lol, we are not crazy as what you think, just so you know?" Sabi naman nitong Theo tsaka nagmaked face. K????

"Ok awkward? Hehe?" Sabi naman nung Chae. Wow awkward pa sainyo to ah?

"So back to our topic."

"Ano na Lee?" Sobrang feeling close ni loko, inirapan ko nalang siya.

"Aalis nako." Sabi ko tsaka nagmamadaling lumabas nung so-called quarters nila tapos tumakbo agad ako. Malapit na ako sa may gate ng biglang may tumawag sakin kaya napalingon agad ako tsaka napatigil.

Tf? Pano nila ako nasundan ng ganong kabilis?

Humarap sila sakin at tsaka ako hinawakan sa balikat nung Chae. Wow? So hindi kayo napapagod ganon?

"Pano niyo ko- Mabilis kasi kami tumakbo!" Pagpuputol nung Justin sa sasabihin ko. Wow sorry naman ah? Mag-tatanong lang naman.

"Ano bang trip niyo? Lutang ba kayo?" Medyo naaasar kong tanong pero umiling lang sila. Pinagttripan ba ko nito? Medyo kasi talagang wala na silang nagawa sa buhay nila at ako ay nabbwiset na. Kailan self.

"Wala naman p- Treat us." Inhale. Exhale. Konting pagpipigil nalang Ara. Utang na loob kayanin mo.

I smiled sarcastically at him then I heave a sigh.

"Di pa ako nasweldo." Sabi ko tsaka tatalikod na sana kaya lang may sinabi nanaman tong si Theo na nakapagpapantig ng tenga ko.

"Edi sa bahay mo na lang." sabi niya pa. I looked at him with my seryoso ka bang lalaki ka look pero he just shrugged his shoulders.

"Oo nga sa bahay mo nalang!" Pagaagree naman nila. Again, katulad ng ginawa ko kay Theo binigyan ko nanaman sila ng isang meaningful na tingin. Yung tingin na nagtatanong kung nangaasar ba talaga sila o Ano?!

"Takte, hindi man lang ba kayo busy?! I mean sa itsura niyo naman halatang mayayaman kayo. Ano bang meron sakin na ayaw niyong tigilan?!"

"Napagusapan na natin yan."

"What? So seryoso kayo don sa kamukha kong wala naman talaga kayong proof?"

"Wala karin namang patunay na hindi ikaw yon. Paulit ulit nalang tayo dito alam mo yon?"

"Aba! Talagang uulit at uulit tayo dito kasi sobrang wala kayong magawa sa buhay niyo."

"Ang kulit mo."

"Bahala nga kayo dyan." Sabi ko sabay irap at nagmamadali silang iniwan doon.

Dumating ako sa may bus stop at luckily may masasakyan agad ako papunta samin. Yup, uuwi muna ako. Mamaya pa namang hapon yung shift ko sa café. Edi uuwi nalang muna ako.

Nakipagsiksikan ako sa mga sumasakay. Tahimik lang yung buong byahe ko hanggang sa makauwi ako sa bahay.

From: Auntie

Umalis kami.

P*tangina? San ba punta ng punta tong mga to ngayon. Tapos ano pera ko nanaman ang malalaman kong ginagastos?

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay nagmamadali akong umakyat at pumunta sa kwarto ko hinalungkat ko yung kahon ko na pinaglalagyan ko ng ipon ko. Gusto ko na atang magwala dahil sa nakita ko.

Bakit ba ako nakakaranas ng ganto? Ako ang naghihirap pero walang paalam na ginagastos para lang sa bakasyon? Gigil na gigil nako.

I'm on my verge of exploding when I heard a multiple doorbells. Mas lalo lang akong nainis kaya tumakbo ako pababa at handa na akong sapakin yung kung sino man na epal na ngayon lang ata nakahawak ng doorbell.

"Ano ba?! Bakit niyo ko sinundan?!" Sigaw ko dito sa grupo nila Theo. Oo, sila Theo. Mas nakakapanggigil. Imbis na pansinin nila ako dirediretsong pumasok tong mga lalaki.

"Diba sinabi na namin sayo kanina, at wala ka ng magagawa doon." Putek na lalaki to.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now