ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 13

227 15 0
                                    

"I can't believe this! Nakalimutan nating may klase pa tayo? Seriously? Aish." Sabi ni Mina tsaka ginulo ang buhok niya. 10 minutes nalang matatapos na ang last subject namin bago maglunch. Grabe nagcutting ba talaga kami?

"Woah did we just cut classes?" Natatawang sabi ni Jasper habang napalakpak kaya sinamaan siya ng tingin ni Mina.

"Tara na pagbaba natin don malamang wala na si Sir. Aldrich don." Natatawang sabi ko na tinanguan ni Chewy.

"Maaga namang magdismiss si Sir eh."

Lumabas na kami ng building at hindi na kami nagabalang tumakbo wala narin naman kaming aabutan. May kukuhanin lang daw si Mina sa room sandali tsaka kami didiretso sa cafeteria.

Nang makarating kami sa room ay wala na nga si sir pero marami rami paring tao doon sa room. Lumingon lingon ako para hanapin sana si Ara ng may kumalbit sakin.

"Chae isabay kaya natin si Ara?" Suwestyon ni Chewy kaya napangiti ako ng malawak tsaka tumango. Lumingo ulit ako para hanapin siya ng mapansin kong nasa labas pala siya may hinahalungkat lang sa bag niya.

"Ara!" Sigaw ko kasi paalis na siya. Nasa likod ko naman si Chewy. Liningon niya kami tsaka ako tumakbo papalapit sa kanya. Nginitian ko siya pero tinaasan niya akong kilay.

"Bakit?" Tanong niya sakin.

"Sabay ka samin maglunch ngayon sa cafeteria." Sabi ko sakanya. Nagsimula nanamang magbulungan ang mga tao sa paligid pero hindi na namin sila pinansin.

"Bakit mo ko tinatanong niyan?" She said then laugh, a sarcastic laugh.

"You know, so we can get to know each other more and..."

"And?" She said maintaining her fierce aura.

"And to make friends! Right? Chae?" Shoot! Buti nalang sinagip ako ni Chewy. Ngumiti nalang ulit ako sakanya.

"Ok." She said. Yes! Pumayag.

"Yey! Pero sandali lang intayin lang natin sila may kinukuha pa kasi si Mina." Sabi ko tsaka inilahad ang kamay ko sakanya. "I'm Chae, by the way." Tinanggap naman niya yon.

Hindi naman nagtagal ay dumating na sila Mina. Sinabi ko sa kanila na isasabay namin si Ara kaya tumango nalang sila, except kay Theo nanailing iling. Well hindi siya makakacomplain may usapin kaming lahat at no choice siya.

*Dannara's POV*

We are currently walking in this beehive ay hallway pala. Ang dami kasi ng bubuyog ngayon na nagsasalita. Lahat nalang issue dito. Well, sabagay, sino ba namang hindi maiissue kung niyaya ka ng dalawa sa mga nirerespeto nilang royalties ay niyaya akong sumama sa kanila magtanghalian.

"Wth is this?!"

"Inaahas niya ba ang royalties?!"

"Bagay siya sakanila..."

"Right! Maganda at matalino rin."

"Fierce pa."

"Wag lang siya magkakamaling ahasin sila Theo."

Mga walang magawa sa buhay. Edi kung gusto niyo lapitan niyo, ay lumalapit pala kayo ayaw lang sainyo. Lol harsh nanaman. Bahala kayo jan.

Ngayong nakarating kami sa cafeteria, ngayon ko lang narealize na halos lahat sila ay nakatingin sakin. Mas lumakas din ang bulong bulungan. Napairap nalang ako tsaka naunang maglakad sa royalties para kumuha ng pagkain ko.

Habang nilalabas ko ang card ko dito sa cafeteria ay biglang may sumiko sakin. Erghh, pumayag ako na sumabay sa kanila maglunch, co'z why not diba? But we are still not close.

"Sorry about that." Sabi ni Mina. Tumango lang ako tsaka ko itinuro sa nagseserve yung kakainin ko. Umupo ako sa usual seat ko. Ewan ko ba kung bakit hindi nila ito inuupuan, hindi naman ako nagsasabi or nangaaway para sabihin na akin itong lugar na toh. Maiissue.

"San kayo uupo Chae?" Takang tanong nung Theo habang tinitingnan yung mga babae na papunta sa pwesto ko.

"Dito tayo kay Ara." Sabi ni Chae habang nakaupo na kaya napailing nalang yung Theo tsaka walang kalaban labang umupo. Nagsimula nanaman ang bulong bulungan nila.

Tahimik lang kaming kumakain ng basagin ulit ni Chae ang katahimikan.

"Nakalimutan ko silang ipakilala. Ito nga pala si Chewy." Sabay turo niya sa magandang babae na matangkad tas brown yung buhok.

"Si Mina." Ngumiti lang siya ng slight. Para lang siyang yung Chewy.

"Jasper." Kumaway lang siya tsaka pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Justin." Ngumiti naman siya. Hala ang cute ng batang ito.

"At Theo." Wala naman siyang imik. Kumain lang.

"Should I still introduce myself? I bet you already know me?" I said then laugh. Nakita tawa lang silang lima. "Whatever, I'm Dannara Lee." I said then smile at them tsaka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

I was almost done eating my food when I felt my phone vibrated. What is it this time?!

Auntie
Magbabkasyon kami. Ikaw ang bahala sa bahay ko.

This can't be! Agad akong tumayo tsaka tumakbo palabas kaya lang napatigil ako sa tawag nila Chae.

"Can you do me a favor?" I asked kaya agad naman siyang tumango. "Pwede bang pasabi muna sa next subject teachers na naghalfday ako kasi masama ang pakiramdam ko? Thank you!" I said. Papaalis na sana ako nang marinig ko ang sinabi nung Theo.

"Liar." Matalim naming tiningnan ang isa't isa tsaka siya siniko ni Chewy. Inirapan ko nalang siya tsaka tumakbo palabas. Dammit!

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now