ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 5

383 15 0
                                    

*Chewy's POV*

"Chewy, tara sa may announcement board tingnan natin yung sched ng exams next week." Tawag sakin ni Justin pero tumango lang ako.

"Seryoso Chewy? Aware ka naman na morning subjects lang naman ang mag tuturo ngayon diba?" Nanlaki naman bigla ang mata ko sa sinabi ni Theo.

"Weh? Seryoso?" Oh my Goodness, so ganon sinayang ko lang efforts ko?

"Oo nga hindi kasi nakikinig tsk tsk" pailing iling pang sabi ni Chae. Baka naman prank lang toh?

"Kailan sinabi?" Taka kong tanong sa kanila kaya natawa sila. Luh, wala namang nakakatawa eh.

"Actually kaninang umaga, kaya lang late ka nga diba?" Nangaasar pa tong si Jasper.

"Tas alam mo bang kakaulit lang din ni Mina." Dagdag pa ulit ni Chae kaya tumingin ako kay Mina na nakakunot noo. Tumango naman siya.

"Masyado ka kasing pre occupied sa pagrereview ngayon."

"Oo nga tama si Theo. Sino ba yang iniisip mo ako?" Sinamaan ko naman ng tingin si Justin. Para talagang ewan toh.

"Yieee kilig nanaman si Chew~"

"Syempre ikaw ba naman banatan ka bigla ni Justin ng ganon."

Sabay na pangaasar pa ni Jasper at Chae tsaka sila nag apir. Tuloy parin sila sa pagtawa habang ako naman ay naka taas ang kilay.

"Hindi kaya akois kinikilig." Seryoso kong saad.

"Eh bat ka namumula?" Natatawang sabi ni Mina kaya napahawak ako sa pisngi ko agad.

"Eh?" Mas lalo lang silang natawa. Hala I knew it! Pinagtitripan nanaman nila ako.

"Nako tama na nga yan..." pagpipigil ni Justin kahit natawa pa. Buti naman siya kaya ang nagsi-

"Baka mas lalong mamula si Chewy eh!" Sabi ko nga hindi. Tawa lang sila ng tawa kaya nag make face ako ng parang naiinis na.

"Ok I'll stop na." Pagtigil ni Mina kaya sumunod nadin yung iba. Nagaya nalang ulit si Justin na pumunta sa may announcement board para makita namin yung sched namin. Lunch break naman namin ngayon.

Pinapicturan nalang namin kay Jasper yung schedule at isenend niya nalang agad samin tsaka sila nagpaalam na tatlo, ewan? May pupuntahan ata sila. Samantalang kami naman heto naglalakad papuntang cafeteria.

"Nasan na kaya yung ibang part ng royalties?"

"Oo nga bat tatlo lang sila ngayon?"

"Grabe mas naganda ata sila..."

"Chewy ang ganda mo! Bagay sayo yung brown hair!"

"Cute cute by Chae-chae ko!"

"Pati kaya si Minari ko!"

And whatsoever, patuloy lang sila sa pagbubulungan. Hindi na din naman namin sila pinapansin, siguro nasanay narin kami.

Pagdating namin sa cafeteria nag prisinta na si Chae na siya na raw yung oorder kaya sinabi nalang namin sa kanya yung order namin. Habang naghihintay nilabas ni Mina yung phone niya. Siguro titingnan yung sched.

"Grabe talaga!" Biglang sigaw ni Mina.

"Wae?" I asked.

"First exam natin sa Monday Organic chem?!" Nanlaki naman agad yung mata ko.

"Weh? Agad agad?" Tumango naman siya. Nilabas kois nalang rin ang phone ko tsaka ko sariling tiningnan yung subjects. Ay wow grabe naman. Pinagsabay nila ang Math at Organic chem.

"Kailangan ko ng makuha kay Ms. Tessa yung copy ko ng lesson sa Organic chem." seryosong saad ni Mina tsaka dumating si Chae at nilapag ang pagkain na inorder namin. Tahimik lang kaming kumain tsaka pagkatapos ay sinamahan namin si Mina na tingnan ang schedule ni Ms. Tessa sa faculty building.

"Wala pa si Ms. Tessa, mamaya pa raw ang balik niya mga 3:00 PM kaya may oras pa tayo para makapagreview, tara na." Sumunod nalang kami kay Mina papuntang classroom.


*Minari's POV*

Naglalakad ako ngayon pabalik sa building namin. Galing kasi ako faculty kaya lang wala na daw don si Ms. Tessa pumunta daw sa klase na handle niya, napasarap ba naman ang pagrereview namin nakalimutan ko 4:30 na pala. Dapat nga kasama ko ngayon sila Chewy kaya lang sabi ko sa kanila magreview nalang magiging busy pa kami bukas lalo na at weekend.

Nang makarating ako, finally, napansin kong parang may sinasabi pa si mam sa klase niya kaya dahan dahan akong lunapit tsaka kumatok. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Ms. Tessa at nginitian.

"Ms. Tessa yung copy ko ng lesson sa Oragnic chem gusto ko ng kunin..." I said kaya medyo kununot ang noo niya.

"Hindi ko pa ba naibabalik?" Natatawang tanong niya umiling lang ako. Sinabihan niya muna ako na maghintay sandali kaya tumango ako. Napansin kong pinapagsabihan pala ni Ms. Tessa itong klase niya.

Tuloy tuloy lang ako sa panunuod sa kanila hanggang sa may napansin ako. May babae sa may gitna, tahimik na nagbabasa ng libro habang nakain ng sandwich. Hindi siya nakauniform kaya halata agad siya.

She seems so familiar to me bakit ganon? Hindi ko pa nakikita yung buong mukha niya ng bigla akong tawagin ni Ms. Tessa. Tiningnan niya yung tinitingnan ko tsaka ako nginitian.

"Hindi ka familiar sa kanya noh?" Actually familiar talaga siya pero tumango nalang ako at ngumiti ng slight.

"Transfer student siya last month pa. Hindi niyo siguro siya napapansin kasi masyado kayong busy mga taga class A, nako lalo ka na kasama ka pa sa royalties." Tiningnan ko nalang ulit siya.

"Pansinin talaga yang batang yan dito sa klase ko, siya lang kasi yung nakikita na nakikinig at nagaaral. Alam mo naman class F." Natatawa pang sabi niya kaya ngumiti nalang ulit ako.

"Ano pong pangalan niya?" I asked absentmindedly.

"Ara. I mean Dannara Lee." Sagot niya tsaka ako niyaya na sumunod na sakanya papuntang faculty. Sinulyapan ko naman siya for the last time tsaka sumunod.

Danara Lee, why are you so familiar to me?



***
Chou Tzuyu as Chewy Chou

Jeon Jungkook as Justin Kurt Jeon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jeon Jungkook as Justin Kurt Jeon

Jeon Jungkook as Justin Kurt Jeon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now