ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 17

213 18 0
                                    

"Is she off to something?" Takang tanong ni Jasper kaya Napatingin kami sa kanya.

"What do you mean?" Nakakunot noo pang tanong ni Mina sa sinabi ni Jasper kaya napatingin ito sakanya at nagkibit balikat.

"Tara na uwi na— Sundan natin siya." Pagpuputol ni Theo sa sasabihin ni Chae. "What?"

"Nagpaalam naman tayo na hindi tayo makakauwi sa VS. Sundan natin siya."

"Seryoso ka ba?" Gulat kong sabi sa kanya.

"Woah ikaw ba yan?" Natatawang sabi nila Jasper At Justin.

"Hindi I mean kasi tama si Jasper. She's really off to something..." sabi niya. "Pakiramdam ko."

Well, dahil naman na si Theo na ang nagsabi at alam naman naming may pagka-Alien toh. Sumunod nalang kami sa kanya. Gusto rin naman naming makilala si Ara eh.

Mabilis kaming nagalakad para mahabol siya.  Syempre hindi kami gaanong nagpapahalata siguro? Nakakainis yung mga nabulong kasi pag nadaan kami. Kami ba o itong sila Justin? Nakakairita.

Tumigil siya sa may bus stop habang tingin ng tingin ng tingin sa phone niya. San ba siya pupunta? Bakit siya madaling madali?

Umupo siya sandali habang nagtatap ng paa niya ganon parin yung ginagawa niya. Halatang madaling madali eh.

Nakita naming lumingon lingon siya sa paligid kaya agad kaming nagtago sa may gate.

"Omo, nakita niya ata tayo!" Natatarantang bulong ni Chae samin. Nagtry ako sumilip sa may gate. Bus! Sasakay na siya don.

Agad kaming tumakbo sa parking lot para kumuha ng sasakyan. Dalawang sasakyan ang ginamit namin. Yung una kotse ni Theo na, si Justin at Chae ang kasama at pangalawa ay ang kotse ni Jasper, na ako at si Mina naman ang kasabay.

Nagmamadali kaming sundan yung bus, pero we still keep the distance. Feeling ko mahahalata kasi kami.

Ilang minuto din kaming nabyahe, malayo layo na kami sa school? San siya pupunta?

"San ba siya pupunta?" Nagtataka kong tanong sa mga kasama ko pero nagkibit balikat lang sila.

After 20 mins. Tumigil yung bus so automatic na napatigil kami sa medyo malayo. Bumaba si Ara tsaka tumingin sa relo niya. Sinundan namin siya ng tingin. Nagmamadali siya tumakbo paliko sa isang restaurant sa may kanan kaya agad kaming napababa ng sasakyan.

Tingnan muna namin ang isa't isa tsaka kami sabay sabay na sumunod sa kanya. Pumasok siya sa isang café kaya napatigil kami at tsaka napatingin sa isa't isa, maliban kay Theo na nanatiling nakatingin sa may café.

"So dito siya busy?" I said then sighed in disbelief. Ayaw niya na ata samin?

"Ayaw niya lang ba talaga sumama?" Malungkot na sabi ni Chae.

"Ano ba Guys! Cheer up wag muna tayong magjudge ng hindi naman natin alam." Mahinhing sabi ni Mina na sinangayunan naman ni Jasper.

"Tara." Yaya ni Theo tsaka naglakad papuntang café. Nagkatinginan pa kami ni Justin tsaka sumunod nalang sakanya.

"Inaatake nanaman ata si Theo ah..." natatawang bulong sakin ni Justin, kaya natawa narin ako.

Pagpasok namin sa café ay agad hinanap ng mga mata namin si Ara. Nasan ba siya? Nakatayo lang kami sa may entrance hanggang sa may biglang lumapit saming babae. Sa itsura niya mukhang staff siya ng café.

Hinatid niya kami sa bakanteng upuan tsaka nagpaalam na umalis. Sabi kasi namin mamaya na kami oorder. Patuloy na hinahanap ng mata namin si Ara. Nasan na ba siya?

"Teka si Ara ba yon?" Takang tanong ni Justin sabay turo kung san siya napatingin.

"No way..." biglang sabi ni Chae tsaka napahawak na bibig niya. Samantalang kami ay nanlaki ang mata.

"N-nagtatrabaho siya d-dito?" Biglang sabi ni Mina.

"Akala ko may kaya sila? Usap usapan sa univ. diba?" Naguguluhang sabi ni Jasper. Nagkatinginan naman kaming lahat na naguguluhan At nagulat.

Nakita naman naming nilapitan siya ng medyo matandang empleyado ng café kaya tumango siya At dahan dahang lumingon samin. Uh-oh!

Kita sa expression niya na nagulat siya pero umiling naman siya saglit tsaka lumapit samin.

"Good afternoon ma'am, sir. May I take your order?" Tanong niya tsaka naglabas ng papel at panulat.

"Nagtatrabaho ka dito?" Biglang tanong ni Theo sakanya. Tumango lang siya bilang sagot tsaka kami tingnan isa isa at medyo natawa. "Kaya pala ako ang pinakuha ng order niyo."

"Huh?" Taka naming tanong sa kanya. "Pinaguusapan kasi kayo ng ibang staffs. Ayun oh." Sabi niya tsaka turo sa kanila. "You guys, got almost everyone's attention."

Naiilang nalang kaming tumawa tsaka ngumiti.

"So, may I take your order?" Tanong niya ulit samin kaya nagkatinginan kami. Pinaguusapan namin kung anong oorderin namin ng bigla nanamang magsalita si Theo.

"Akala ng lahat sa university may kaya ka, kaya ka nakapasok kung kailan 3rd sem."

"Well, hindi naman lahat ng rumours totoo. Tsaka akala naman yon eh. Maraming namamatay sa maling akala, so cut those questions regarding my social status." Sabi niya tsaka nagfake smile.

"Order?" Tanong niya ulit for the third time kaya sinabi nalang namin sa kanya yung orders namin pagkatapos ay umalis na siya.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now