ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 23

197 16 1
                                    

*Dannara's POV*

I usually admire weekdays lalo na at pakiramdam ko ay kapag nasa eskwelahan ako ay nakakaalis at nakakawala ako sa lahat ng problema at mga mabibigat kong responsibilidad pero ngayon parang sisimulan ko na atang kainis pati ang weekdays.

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa isang silya dito sa special quarters chenes ng mga Royalties. Akala ko tahimik ang magiging umpisa ng araw na toh pero it turns out na hindi pala.

Now I am literally surrounded by fifteen weirdos. Para silang mga ewan na titig na titig sakin kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanila na hindi nga ako yung Araline na sinasabi nila.

"Magtititigan nalang ba talaga tayo dito?" I asked sarcastically. Mukha naman natauhan naman sila kaya gumalaw galaw sila.

"Sorry for that. It's just that you really look like her." Tumango nalang ako sa sinabi nung isang babae.

"Alam ko nayon jusko last week pa napagkamalan na ako ng anim na yan at kahapon lang din pinipilit nila na ako nanaman yon."

"Pero nagpapilit ka naman." Biglang sabi ni Theo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"As if naman may magagawa ako sainyo diba?" Sarkastiko kong sabi tsaka ko siya tinaasan ng kilay. Talagang nakakaubos ng pasensya tong lalaking toh.

"Ahh hehe, sige una na pala kami..." sabi nung isang babae sa kanila tsaka tinulak tulak yung ibang kasama niya at nagmamadaling lumabas sila ng pinto.

Now I'm left with these weirdos. I mean weird silang lahat ng tropa ba nila yan? Or what? Basta, pero mas weird itong anim na mga kaklase ko.

"Oh anong tinitingin tingin mo dyan?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong nitong si Theo.

"Assuming." Sabi ko sabay irap at tumayo na sa upuan tsaka nagmamadaling lumabas ng Quarters chenes nila. Bahala sila jan.

Then my worst day continues...

*Chae's POV*

"Talagang bang wala na kayong ibang gagawin kundi sundan ako?" Tanong ni Ara tsaka lumingon samin.

Naglalakad kami ngayon palabas ng University. Ako, si Chewy, Mina, Theo, Jasper At Justin. Gaya nga ng sabi namin kay Ara sasamahan namin siya sa mga dailing routines niya. Inosente nalang akong Ngumiti sa kanya.

"Fine." She answered defeatedly tsaka nagpatuloy maglakad. Sinundan nalang namin siya hanggang makarating kaming parking. Tumigil ulit siya tsaka humarap samin.

"Alam niyo naman kung saan pupunta. Magkotse nalang kayo." Sabi niya tsaka akmang aalis na nang pigilan siya si Mina.

"Ehh? Sumabay ka nalang samin, dalawa namang sasakyan ang gagamitin eh..."

"Oo nga, siguradong kasya naman eh..." dagdag pa ni Chewy pero umiling lang si Ara.

"Wag na. Mas sanay ako sa ganto." Tsaka siya umalis na at naiwan kaming nakatingin sakanya.

Natuahan lang kami nung tinawag na kami ni Theo kaya nagmamadali kaming sumakay ng sasakyan papunta sa café na pinag-tatrabahuhan ni Ara.

"So ano namang balak niyong gawin dito?" Tanong ni Ara nang makapasok na kami sa café. Tahimik lang ang naging byahe namin kanina.

"Oorder nalang kami tas intayin ka nalang kaya namin?" Suggestion ko, kaya tumango nalang siya.

"Bahala kayo."

Pagkatapos non ay humanap kami ng uupuan. Si Ara naman umalis. Baka magpapalit? Start na ata ng shift niya dito eh...

"Seryoso ba talaga tayong tutunganga lang tayo dito?" Tanong ni Jasper tsaka nilabas ang phone niya at sumandal.

"Ang tanong, kung papayagan ba talaga tayo tumambay dito ng dalawang oras ng paganto ganto lang." sabi pa ni Justin tsaka ginaya ang ginagawa ni Jasper.

"Speaking of, ayan na may papunta ng nagpapacute sainyo. Unuroder na kayo." Biglang sabi ni Chewy kaya tiningnan namin siya ng nakakaloko.

Aasarin pa sana namin siya kaya lang dumating na nga yung nagpapacute na server nga, so ayun, binigay nalang namin yung orders namin sakanya.

"Pacute nga." Biglang sabi ni Mina kaya tiningnan ko silang dalawa ni Chewy ng may nakakalokong ngiti.

"Hayaan mo na Mina, sayo lang naman ako eh." Biglang sabi ni Jasper kaya tuluyan na talaga akong natawa. Kami pala.

Seeing Mina's flustered face is priceless! Grabe ang sarap talagang picturan nitong si Mina.

"T-tigilan mo nga ako Jasper." Sabi niya tsaka umurong ng kaunti, pero mas lumapit lang si Jasper. Nako ang lakas ng trip palibhasa naboboring.

"Mate naman kita eh, so di mo na kailangang mag alala Minari, sayo lang talaga ako." He now stated seriously which made Mina turned her head to him.

Kikiligin na sana talaga kami kasi nagtititigan na silang dalawa at tsaka sobrang lapit na talaga ng mukha nila nang biglang ilapit pa ni Mina yung mukha niya at napaatras si Jasper.

"Playboy." Sabi ni Mina tsaka ngumisi at umiwas na ng tingin.

"Woah!" Sigaw namin habang pinagtatawanan ni Jasper na medyo gulat at tulala. Shookt ata siya at hindi na nadala si Mina sakanya.

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Onde histórias criam vida. Descubra agora