ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 26

183 15 1
                                    

"Ara!" Biglang sigaw ng kung sino man sa likod ko pero hindi ko parin maalis ang tingin ko dito sa Jessica nato. Ano bang sinasabi nito?

Nakita ko naman siyang ngumisi sakin tsaka ako marahas na binitawan. Buti nalang may umalalay sa likod ko kundi tutumba nanaman ako. Pakiramdam ko nanghina ako.

Ano bang nagyayari.

"Napagusapan na natin toh." Biglang sabi ni Theo habang nakaharap sakanila.

"Umalis na kayo dito. Hindi niyo kami makukuha." Dugtong pa ni Jasper.

"Ansakit naman non Theo, Jasper. Para naman tayong mga walang pinagsamahan..." maarteng sabi nitong si Jessica tsaka lumapit kay Theo at hinawakan toh sa pisngi.

Nanlaki naman bigla yung mata ni Theo kaya napangiti si Jessica.

"Ang sarap noh?" Sabi pa niya. Tsaka akmang aalis na pero marahas siyang hinatak ni Theo.

"Umalis na kayo dito habang nakakapagpigil pa kami." He said pero ngumiti lang ng parang ewan itong si Jessica tsaka ako tiningnan.

"Bye Ara." Pagpapaalam niya. "See you next time."

Pagkatapos ay umalis na siya. Hindi pa sila nakakalayo pero humarap ulit siya sakin.

"Tandaan mo yung sinabi ko sayo ah?" Dugtong pa niya.

"Habang buhay..."


"Habang buhay..."


"Habang buhay..."




Parang sunod sunod na nageecho yung sinabi niya sa utak ko. Pakiramdam ko sobrang nanghihina ako. Naririnig kong tinatawag nila ako pero naikot na ang paningin ko. The next thing I knew, everything went black.

*Minari's POV*

"Anong nangyari sakanya Mina?" Nagaalalang tanong sakin ni Chae habang chinecheck ko si Ara. Nasa Quarters pala kami ng Royalties, dito muna namin dinala si Ara.

"Nadrain siya ng sobra." Sagot ko sakanya.

"Teka eh anong gagawin natin?" Tanong ni Chewy sakin. Actually may naisip nako pero hindi ako sigurado kung gagana...

"May naisip ako..." sabi ko sa kanila. "Pero diko sure kung magkakaeffect ba toh sakanya."

"Ano naman yon?" Tanong nila. Kaya nagmamadali akong kumuha ng isa sa mga stock namin na dugo tsaka ko sinarado lahat ng kurtina dito para walang sikat ng araw na makakapasok.

"Teka ano b— Hindi naman siguro magigising si Ara diba?" Nagaalangan kong tanong tsaka ko inalalayan para makaupo yung katawan ni Ara.

"Ano bang ginagawa mo Mina?" Tanong ni Justin.

"Anong binabalak mo?" Tanong pa ni Jasper pero tiningnan ko lang silang dalawa tsaka ko binuksan agad yung pack ng dugo. I just hope this would work.

Pinainom ko agad yung dugo kay Ara tsaka ko pinunasan yung bibig niya, pagkatapos at hiniga ko na ulit siya.

"Y-you mean..." biglang sabi ni Chae kaya tumango ako.

"Pwede rin nating malaman dito kung siya ba si Araline talaga, kung may epekto sakanya ito ibig sabihin bampira nga siya." I explained to them.

"Kaya lang pano pag hindi pala siya si Araline, pero nagkaroon ng effect yung ginawa mo?" Biglang tanong ni Justin medyo naguluhan ako sa tanong niya at nalito kaya hindi ko nasagot.

"Simple, it means that she is still destined to one of us." Biglang sagot ni Theo kaya lahat kami ay napatingin sakanya.

"May chance parin na si Ara nayan, hindi talaga si Araline."

"Kung hindi Ano siya? Reincarnated ganon? Lol." Hindi makapaniwalang sabi ni Jasper.

Nalilito narin ako. Andaming possibilities eh. Kaya lang base sa kinikilos nila Jessica parang May iba kaya lang argh ang gulo.

"A-Ara!" Biglang Sigaw ni Chewy tsaka lumapit sakanya. "A-Ano, okay ka na ba? K-kanina ka pa gising?" Tanong niya kaya bigla namang nanlaki ang mga mata namin. P-pano kung narinig niya?

"Ok lang ako tsaka kakagising ko lang, bakit?" Sabi niya kaya para kaming nakahinga agad ng maluwag. Kinabahan kami doon ah?

"Ah hehe Wala lang yon Ara..." sabi ni Chae.

"Teka anong oras na ba?" Tanong niya tsaka tumingin din ng kusa sa relo niya at nanlaki ang mata.

"May klase pa 2:48 na?!" Sigaw niya kaya nagmamadali siyang tumayo At inayos yung gamit niya.

Bumalik na siya sa dati... Nagkatinginan kaming bigla. Pareparehas siguro kami ng iniisip.

"Ara half day lang pala tayo ngayon tsaka Wala rin tayong pasok bukas." Sabi ni Chewy kaya napatigil siya sa ginagawa niya at tsaka pabagsak na umupo.

"Weh? Kinabahan ako don ah..." sabi pa niya. Yung kilos niya...

"Teka bakit parang lahat kayo nakatingin sakin? May mali ba?" Tanong niya pa habang nakakunot noo.

"Ano yung sinabi sayo nila Jessica kanina?" Biglang tanong ni Theo sakanya, kaya napatingin agad siya dito.

"Ahhh yun ba? Wala naman. Tsaka Thank you nalang pala." Pagpapaalam niya tsaka mabilis na, na tumayo at akmang aalis na pero hinawakan siya ni Theo.

"May kasalanan ka pa at kailangang bayaran."

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now