ᴠᴀᴍᴘɪʀᴇ 32

215 17 0
                                    

"Wait... baliw na ba kayo?" Natatawa kong sabi sa kanila. Masyado na silang malala.

"No, they're serious. We are serious." Napalingon naman ako sa nagsalita. Sila yung kasama nito nung isang araw? Yung parang mga baliw din!

"Nagpapatawa ba kayo? Gusto niyong tumulong ako sa kung ano mang problema niyo, na wala naman talaga akong pake at kinalaman."

"At manatili sandali dito. You know, kailangan mong matrain kasama namin?" Medyo makulit na sabi nung isa. Wow, do they still find this funny? Napairap naman ako.

"Ayoko."

"Bakit naman Ayaw mo?" Nagtatakang tanong pa ni Chae sakin.

"Kasi ayaw ko."

"Bakit ba ang dami mong arte." Tanong ni Theo na mas nagpakulo ng dugo ko. Napaka niya talaga.

"Bakit ba pinipilit niyo ko,"

"Kasi gusto namin."

"Edi ayoko."

"Please Ara pumayag kana..." pagpipilit pa nung isang babae. Pano naman ako nakilala ng mga to?

"Bakit ba pinipilit niyo ko ng pinipilit?! Kulit niyo naman eh."

"Araline..." Ugh medyo nakakaasar.

"Hindi nga ako yang sinasabi niyo!"

"Pano mo naman nasabi hindi siya ikaw?"

"Oh my goodness, eto nanaman." Halos madismaya kong sabi.

"Aral— Okay, una sa lahat may sarili akong buhay, nagaaral, nagtatrabaho. May mga responsibilidad ako." I'm trying to explain my side here?! Ugh sana magets nila.

"That thing, May dapat kang malama— Wait patapusin mo muna ako Theo, utang na loob." Natahimik naman siya sandali pero sinamaan rin ako ng tingin.

"Pangalawa, medyo hindi pa ako naniniwala sa mga nangyayari. Hindi pa nagsisink in sakin. Parang sobrang imposible."

"Nandito ka na, bakit hindi ka parin naniniwala?" Ewan ko.

"And regarding to your first reason," napakunot naman ang noo ko, ano namang meron don?

"Hindi tumatakbo ang oras sa parteng yon ng mundo dahil sa mga nangyari." Teka ano nanaman bang kalokohan to? Hindi na ako natutuwa sa kanila.

"Ano bang mga pinagsasasabi niyo? Hindi ako nakikipagbiruan dito, iuwi niyo na ko."

"Teka sandali makinig ka muna Ara,"

"Uuwi na ako."

"Hindi ka pwedeng umalis."

"Uuwi ako sa ayaw at sa gusto niyo." Ayoko ng magtagal sa lugar nato.

"Wait, kaya nga yon yun Ara, kung gusto m— gusto ko ng unuwi pwede ba?!" Sigaw ko don sa isang babaeng pumipigil sakin.

Sinamaan ko sila ng tingin at mukha namang mga natigilan sila kaya agad akong tumayo para umalis pero may humarang kaagad sakin.

"Sorry pero hindi ka namin hahayaang makaalis."

"Bakit ba ang kulit niyo?! Tumabi nga kayo!" Naasar kong sigaw sakanali pero hindi parin sila nagpatinag.

"Tabi." Huli kong saad tsaka ko sila tinulak at nagmamadali akong tumakbo papuntang pinto.

"Intayin mo kami Ara!"

"Wag kang basta basta gumawa ng kilos!"

"Ano ba?!" Bigla niyang sigaw tsaka ako malakas na hinigit ni Theo sa braso.

"Ano bang problema mo bakit b—" Naputol ang dapat sasabihin ko nang may biglang kumatok sa pinto.

"Sht." He silently cursed. Nabaling tuloy agad sakanya ang atensyon ko.

"Ano ba—" Again, hindi pa tapos ang sasabihin ko pero agad niya akong hinila kung saan man tsaka ako marahas na pinaupo.

"Teka ano nanaman ba to? Bakit ba tayo nagtatago?!" Tanong ko sakanya pero sinamaan niya ako ng tingin. This time, ako naman ang napatahimik. Bampira yan.

"Ang ingay mo masyado, hinaan mo nga yang boses mo." Inirapan ko naman siya.

Umayos kami ng upo tsaka ako nakarinig ng pagbukas ng pinto. Sinusubukan kong pakinggan ang sinasabi nila pero hindi ko gaanong marinig yung paguusap.

"Bakit ba tayo nagtatago?" Taka kong bulong dito sa katabi ko. "At kanino ba tayo nagtatago?"

"They are the custos; guard, watchman of the palace." Ohh?

"Bakit sila andito?" Nagtataka kong tanong kaya sandali naman niya akong tiningnan at umiwas ng tingin.

"Hindi ko alam."

"Eh nasaan ako?"

"VS." VS? Ano yon?

"Anong VS?"

"Vampire Society." May sarili silang parang mundo or what? Ano? Hindi ko maintindihan.

"Ano to sarili niyong mundo? So parang Alien? Alien ka?" Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Malay ko ba?! Akala ko hindi Sila totoo eh! Wala akong alam sa kanila.

"We coexist in one planet. Hindi kami alien. VS is a safe haven for vampires. Dati nang tinutugis ng mga tao ang mga bampira. Pinapatay, tinuturing na halimaw. VS wasn't this wide and populated before, kaya lang nung nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga tao At bampira nagiba." Saglit ulit siyang tumingin sakin.

"But that was years ago, ngayon may iilan ng mga bampira ang nakikihalubilo sa mga normal."

"Gaya niyo." Tumango naman siya.

"It's our responsibility anyway."

"Bakit ano ba kayo dito? Anong klaseng bampira kayo?"

"Kami? We are the royals. The heir. Kami ang mga inaasahang susunod na mamumuno sa VS. We are the princes and princesses."

Ѵαмριяɛ | BTS x Twice Where stories live. Discover now