C-1: Examination

5K 121 3
                                    

"Nay, sigurado po ba kayong dito ako papasok" tanong ni charlie sa nanay nyang si Stella.

"Oo anak, basta ipasa molang yung exam, alam ko namang kayang kaya moyun" nakangiting sagot naman ni Stella sa anak

"Pero Nay, ang mahal po ng tuition dito, dun nalang po tayo sa Dolores, ayos lang din naman po sa public eh" sagot naman ni Charlie.

"Kayang kaya yan ni Nanay, wag mo ng isipin yun" nakangiti pading sagot ni Stella

Nang makarating sa gate ng school hinarang sila ng guard.

"Bawal po ang tindera sa loob" sabi ng guard sa kanila

"Tindera? Dito papasok yung anak ko" sagot naman ni Stella

"Opo, sa totoo po nyan, magtatake po ako ng exam ngayon" nakangiti ding sagot ni Charlie sa guard.

"Seryoso ba kayo?" tanong pa nung guard at tinignan ang mag ina mula ulo hanggang paa. Dala kasi ng nanay ni Charlie ang mga kalamay na paninda nito.

Agad agad kinuha ni Stella ang letter na schedule ng exam ni Charlie at pinakita sa guard.

"Oh ano Manong? Masaya na kayo? Pwede napoba kaming pumasok?" nang iinis pang sabi ni Stella sa guard at pumasok na sila, ng makarating sa room kung san magtatake ng exam si Charlie ay nagpaalam na sya na nanay nya.

"Nay, promise gagalingan kopo, pipilitin kopong makapasa" nakangiting sabi nito kay Stella.

"Alam kong kayang kaya moyan anak" sagot naman ni Stella at niyakap ang anak.

Charlie's Pov:

Pumasok nako sa loob ng room kung saan naabutan kona ang ibang students na tahimik na nagtatake ng exam, kumuha nako ng test paper pagkatapos ay binigyan din ako ng folder na pinakacover.

After ng ilang minuto ay natapos nadin ako, ibinalik kona ito sa proc. na nandun pagtapos ay nagpasalamat at lumabas na, naabutan ko naman si nanay na nakaupo at hinihintay ako

"Nayy tapos napo" bungad ko sa kanya, agad agad naman syang tumayo at sinalubong ako

"Kamusta anak? Nasagutan moba?" tanong nya sakin.

Tumango nalang ako.

Sunod naming pinuntahan ang admission office kung saan makikita namin yung mga possibilities na bayaran at maging gastos dito.

Habang nakikipag usap si nanay dun sa admin ay bumulong ako sa kanya.

"Nayy, hanap lang po ako ng cr" pagpapaalam ko sa kanya

"Sige anak, balik ka agad ha" sagot naman nya, agad agad naman akong naghanap ng cr ng mapadpad ako sa napakalaking basketball court ng school, at bumungad sakin ang mga cheer dancer na nagprapractice duon, nakangiti akong nagmamasid dito ng bigla akong may nakabangga.

"Aray, tumingin ka nga sa dinadaanan mo" maarteng sagot ng isang magandang babae sa harap ko, nakaramdam naman ako ng kaba at takot dahil sa dating nyapalang ay muka na talaga syang mayaman.

"Nakoo, pasensya kana talaga, nasaktan kaba? Saan?" concern kong tanong sa kanya, napalapat naman yung kamay ko sa braso nya at agad nya itong inilayo.

"Dont touch me, kadiri ka, panokaba nakapasok dito" sagot naman nito sakin at umalis na.

Naiwan naman akong tulala dito, ganito ba pag private? Puro mayayaman? Puro matataas yung tingin sa sarili? Hindi talaga siguro ako nababagay dito. Hindi pa naman start ng klase dahil sa June pa, pero andami ng students dito, siguro mga college na yung mga nagprapractice dito. Habang nagmumuni muni isang grupo ng basketball team ang dumaan sa harap ko. Halos lahat sila ay may maaamong mukha, alam ko sa sarili kong hindi ako normal, dahil lalaki ako pero may pusong babae, pero never akong nakaramdam ng inlove ako sa isang tao, either babae man sya or lalaki.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now