C-21: Judgmental

1.3K 49 3
                                    

Rence's Pov:

Sabado na at simula nung miyerkules na nagkasagutan kami ni Charlie hindi pa ulit kami nagkakausap.

"Pano kaya kung di ko kayo naabutang nag uusap dun, baka nasabi mo ng may gusto ka sa kanya, nakakahiya" sabi ni Miguel sa tabi ko, may try out kasi kami kaya andito kami ngayon sa school.

"Sana nga nasabi kona baka lalayuan na nya si Louie" sagot ko naman.

"Kung sinabi mo sa kanya yun, baka hindi na kayo mag kakausap kahit kelan, ikaw na mismo may sabi. Hindi sya tulad ng iba, sabi pa nya na pag may taong handang sumeryoso sa kanya hindi nya tatanggapin dahil alam nya na yun ang makakabuti, brad sa dami mong kwento nakilala konadin si Charlie, at tama ka mabait nga sya, kasi mapagparaya sya, kaya brad kung gusto mong magtagal ang relasyon nyo ni Charlie, hanggang kaibigan nalang muna, ikaw ba? Hindi kaba natatakot sa mga tao sa paligid mo? Ano nalang sasabihin nila pag naging kayo ni Charlie tsaka brad pag isipan mo ng mabuti mga pinaggagagawa mo, hindi babae si Charlie, baka pag dumating sa point na may gusto nadin sya sayo, tsaka biglang mawawala ang nararamdaman mo sa kanya, eh di sa huli sya pa ang naging kawawa" mahabang paliwanag nya.

"Bakit ba ayaw mong maniwalang seryoso nga ako sa kanya" sagot ko naman.

"Dahil mahirap paniwalaan brad, baka nababaitan kalang sa kanya, baka mali yang nararamdaman mo" sagot naman nya.

"Wag ka nalang kumontra, tulungan monalang ako, pano ko kaya malalaman kung may feelings din si Charlie sakin?" tanong ko.

"Aba magandang idea yan brad. Baka mamaya magaling lang magpretend tong si Charlie, baka mamaya may gusto na pala sya sayo, ang kailangan nating gawin pagselosin sya" nakangiting sagot nya.

"Eh paano?" tanong ko.

"Hanap ka ng chicks na pwedeng gamitin" sagot naman nya.

"Eh di kawawa naman yung gagamitin kong yun. Baka mamaya mag assume payun na totoo" sagot ko naman.

"Oyy Miguel kala ko magkikita kayo ngayon ni Dianne?" bungad samin ng isang magandang babae. Bigla namang tumingin sakin si Miguel at ngumiti.

_______

Charlie's Pov:

"Grabe naman po yung mommy ni Tricia" sagot ko kay nanay matapos nyang maikwento yung nangyari nung miyerkules, nakakainis lang at ngayon nya lang sinabi sakin.

"Ang kinakatakot ko anak, baka sayo nila ibunton ang galit" sagot nman ni nanay.

"Nayy ayos lang po ako, tsaka Nay aaminin po ako" sagot ko sa kanya.

"Aba't may itinago ka na naman sakin?" sagot nya habang naglalakad kami .

"Kayo din naman po eh, ngayon nyo lang sinabi kaya ngayon kolang din po sasabihin" sagot ko naman.

"Ikaw talagang bata ka, eh ano bayun?" sagot nya.

"May bago po kasi akong kaklase si Louie, kasosyo po nila ng negosyo sina Tito Jayson, tapos narinig nya yung pag uusap ni Tito Jayson at Lola Antonia.Nayy di ako tanggap ni Daddy ni Sir Jayson po pala, pero tanggap po ako ni Lola, siguradong sigurado daw po sya" sagot ko sa kanya.

"Anak akala koba nakapag usap na tayo? Nung pinirmahan ko ang annulment namin ng daddy mo sinabi ko sayong yun na ang huli. At wala na tayong ugnayan sa kanila kahit kailan, hindi ba malinaw sayo anak yun? Tapos na tayo sa kanila, pag pinilit mopayang gusto gulo na naman sa pamilya ni Jayson, anak ikaw lang ang iniisip ko, bakit ba hindi mo maintindihan yun, wag ka ng umasa ng kahit na anong pagmamahal galing sa pamilya ng daddy mo!" galit na sagot nya sakin, aalis na sana sya ng biglang may tumigil na motorbike sa harap nmin, naka complete gear sya at nakahelmet, at ng inalis nyato bumungad samin si Rence.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now