C-32: Exposure

1.2K 116 0
                                    

Exposure - Paglantad

Continuation.....

Charlie's Pov:

"San kaya nagpunta si nanay?" natataranta kong tanong kay Rence.

"Sigurado sa office ni Sir.Jayson" sagot naman ni Rence, agad agad naman akong nagtanong.

"Ate san po office ni Sir.Jayson Mendez?" tanong ko.

"Pasensya napo, sabi po nya yung mga may mahahalagang kailangan lang ang pwedeng pumunta sa office nya baka pagalitan lang kayo. May problema padin kasi" sagot nung babae.

"Miss importante ang pinunta namin dito" sabat naman ni Rence,

"Ahhh ehhh, 3rd floor tapos tanong tanong nalang kayo dun" biglang sagot nung babae. Napailing nalang ako. Pag ako bawal? Pag si Rence pwede? Hustisyaaaa!!!

Agad agad naman kaming sumakay sa elevator. Pagkarating sa elevator nagtanong tanong na kami dun.

Transparent naman ang office ni Sir.Jayson pero hindi mo maririnig ang pinag uusapan nila. Nakita konading nandun si nanay nakatayo. Nandun din si Lola, Maam Adel at daddy ni Louie.

Agad agad ko namang binuksan ang pinto at lumapit kay nanay.

"Wow, ano to ex family reunion?" maarteng sabi ni Maam.Adel

"Anak anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ni nanay. Pero ramdam ko ang kaba sa boses nya. Magsasalita palang sana ako ng biglang nagsalita ulit si Maam Adel, si Rence naman nandun sa may pinto, pero andito din sya sa loob.

"Ano ba talagang kailangan nyong mag-ina dito? Ano kailangan nyo na ba ng pera? Pwede ba marami pa kaming problema dito sa opisina kaya wag na kayong sumabay!" sabi ni Maam.Adel

"Simulan mo ng mag aral itahimik yang bibig mo Adel!" sagot naman ni nanay.

"What the hell are you talking about Stella" sagot naman ni Maam.Adel

"Stella ano ba talagang pinunta mo dito?" mahinahong tanong ni Lola Antonia

"Nakita kita Adel kahapon" matapang na sagot ni nanay, kita ko naman na nanlaki ang mata ni Maam Adel, alam nya siguro ang tinutukoy ni nanay.

"Nakitta? Oh eh ano naman kung nakita moko?" sagot naman ni Maam Adel

"Nakita kita kahapon may kasama kang lalaki at dinig na dinig kodin ang pinag-usapan nyo" sagot naman ni nanay.

Bigla namang tumayo si Sir.Jayson

"Stella ano bang pinagsasasabi mo? Marami kami ngayong problema kaya wag ka muna sanang sumabay" sabat naman ni Sir Jayson

"May kasama akong lalaki? At san mo naman nakuha yan Stella? Ganyan naba kaboring ang buhay mo para pati ako gawan ng kwento? Or baka naman umaasa kapading babalikan kani Jayson" sagot naman ni Maam.Adel

"Nagsasabi ako ng totoo Mama, Jayson, sinabi pa ni Adel dun sa lalaki na sapat na ang 2 million na binigay nya para hindi na manggulo ito" sagot ni nanay na ikinasindak ni Maam. Adel

"2 million? Tsaka sino yung lalaki? Bakit sya manggugulo?" naguguluhang tanong ni Sir.Jayson

"Myghad Jayson dont tell me naniniwala ka sa babaeng yan" sabat ni Maam.Adel

"Adel, ikaw ba ang nagclaim ng worth of 2 million sa savings account ng Shipping Line? At ang 2 million bang ito ang sinasabi ni Stella na binigay mo sa lalaki! Sino ang lalaking to!" medyo galit na sabat ni Lola Antonia

LOVE over HATERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon