C-36: Leaving

1.2K 63 3
                                    

Leaving - Paglisan

Charlie's Pov:

Natapos na ang 1st grading at 2nd grading in short tapos na ang 1st sem, natapos to ng walang pansinan sa pagitan namin ni Rence, di naiiwasang magkasalubong sa daan pero wala nalang pakialaman, malaki man ang nagbago simula ng nawala sya sa tabi ko.

Rence's Pov:

Ngayon na ang lipad ko papuntang Italy para dun ipagpatuloy ang pag-aaral, hindi nadin ako tumutol kina mommy. Wala nadin namang rason para mag stay pako dito sa pilipinas, sa tingin kodin naman maayos na ang buhay ni Charlie. Hindi na sila magkagalit ni Tricia, tanggap nadin sya ng daddy nya, masaya na sya kaya masaya nadin ako. Pakiramdam kodin sa Italy makikita ang buhay ko.

Charlie's Pov:

Habang nakaupo dito sa bench kasama si Tricia bigla akong nakarinig ng ingay sa may gate. Nakita ko naman si Miguel dun nakikipagtalo dun sa guard kaya lumapit ako sa kanila.

"Manong ngayon ang alis ng kaibigan ko. Kailangan ako dun palabasin nyonako" sabi ni Miguel sa guard, teka sinong kaibigan ang tinutukoy nya.

"Dis oras ng klase bumalik kanadun, alam mo naman palang aalis kaibigan mo sana dikanalang pumasok" sagot naman nung guard.

"Eh sa nakalimutan ko nga ho eh, palabasin nyo nako mamaya hindi kona naabutan yun" naiinis namang sagot ni Miguel, this time lumapit nako sa kanila.

"Miguel bakit kaba nagpipilit lumabas?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Dimo ba alam? Ngayon na lipad ni Rence papuntang Italy, ayaw mobang magpaalam sa kanya ng personal at nandito kapadin?" sagot naman nya na ikinagulat ko.


"Aalis si Rence?" mahinang sagot ko.

"Oo tara na puntahan na natin" sagot naman nya, agad agad naman ako tumakbo palabas ng gate, ramdam ko namang nasa likod kona si Miguel habang sumisigaw yung guard.

"Sa parking lot kotse ko" sabi ni Miguel kaya dun nako dumiretso.

Pagkapasok ko sa kotse nya bigla nalang akong naiyak. Bakit sya aalis, bakit hindi manlang sya nagsabi.

"Bilisan mo Miguel" umiiyak kong sabi sa kanya. Maya maya pa ay nagmaneho na sya, after ng ilang minuto nakarating na kami sa tapat ng bahay daw ni Rence. Kaya bumaba na kami

"Manang andyan papo ba sina Rence?" tanong ni Miguel dun sa kasambahay.

"Nako nakaalis na sila kani kanina pa, asa airport na siguro sila" sagot naman nung maid.

Agad agad namang pumasok sa kotse si Miguel kaya pumasok nadin ako.

"Baka hindi na natin sila abutan, bakit hindi manlang sya nagsabing aalis na pala sya" umiiyak kong sabi.

"Ayaw mo ng kausapin ka nya diba? Sinunod kalang nya, tinaboy mona sya diba tapos ngayon iiyak iyak ka dyan" sagot naman ni Miguel na lalong nag pa-iyak sakin

"Seryoso sya sayo, binalewala mo naman, dumating pa nga sa punto na kahit alam nyang ikakapahamak nya ginawa nya padin para maprotektahan ka lang, sinalo pa nga nya yung sasakyan diba? Hindi lang yun, lagi din syang nandyan pag inaapi ka, na kahit mapahiya na sya sa napakaraming tao wala syang pakealam kasi nga seryoso sya sayo kahit sino at ano ka. Pero lahat ng sakripisyo na para sayo binalewala mo kaya hindi ka dapat umiiyak dyan ngayon dapat matuwa kana dahil lalayo na sya ng tuluya sayo diba yun yung gusto" mahaba pa nyang sabi dahilan para mapahagulhol ako sa pag iyak.

Maya maya pa ay nagpark na sya nandito na pala kami sa airport. Agad agad akong bumaba sa kotse. Nakita ko naman agad si Rence kasama ang mommy at daddy nya na nagbababa ng gamit.

"Renceee!!" sigaw ko habang umiiyak dahilan para tumingin sya sakin pati mga magulang nya. Pero yung tingin nya. Tinging walang ibig sabihin, tinging walang emosyon, at tinging walang gustong ipahiwatig. Maya maya pa ay umiwas na sya ng tingin sakin at hinila na ang maleta nya paloob.

"Renceeeee!!" sigaw kopa habang tumatakbo hanggang sa may nangharang na sakin.

"Bawal napo kayo dyan" sabi nila sakin.


"Rencceeeee!!" umiiyak kong sigaw pero ni isang lingon ay hindi na nyako nilingon, napaupo nalang ako sa labis na sakit na nararamdaman ko, bakit ganito, tinaboy ko sya diba. Ayaw kong lumalapit sya sakin. Tinataboy ko sya. Pinapalayo ko sya, tapos ngayong ginagawa na nya ako naman etong nasasaktan. Ano bang nangyayari sakin.

"Charlie tumayo kanadyan" bungad sakin ni Miguel.

"Akala koba magpapaalam ka sa kanya bakit hindi mo manlang sya pinigilan" umiiyak kong sabi sa kanya.

"Dahil huli na tayo para dyan" mahinang sagot naman nya.

"Excuse me?" bungad samin ng isang babae.

Tinignan kolang sya ng hindi nagsasalita.

"You are Charlie Mendez?" tanong nya, tumango naman ako at tumayo.

"B-bakit?" tanong ko.

"Pinapabigay ni Sir. Clarence Francisco" sagot nya at inabot sakin ang isang sobre. Kinuha ko naman ito, ngumiti lang sya at umalis na.

____

Habang nasa kotse pauwi naisipan kong buksan yung sobre na binigay ni Rence.

Charlie,

Sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko lang sayo to pag hinabol moko, kaya kung nababasa moto ngayon yun ay dahil napatunayan kong mahalaga padin ako sayo kahit papano, aalis muna ako baka sa pag alis kong to makita ko ang sarili ko, kasi sabi mo nababaliw nako diba, minsan ka ng hindi naniwala sakin. At inulit mo ulit, mahirap bang paniwalaan na nagustuhan kita? Dahil ba ganyan ka kaya iniisip mo wala ng magkakagusto sayo? Charlie para sakin higit kapa sa isang babae, dahil nasayo na lahat ng mabubuting katangian. Sa maikling panahon na nagkasama tayo naging masaya ako, kasi dahil sayo andami kong natutunan, natutunan kong mahalin ang mga magulang ko, natuto akong maging matapang sa pagharap sa mga problema, basta kahit malayo nako sayo ngayon lagi molang tatandaan na naging bahagi kana ng buhay ko at hindi na mababago yun, ngayong wala nako sa tabi mo sana matuto ka ng maging matapang sa pagharap sa mga taong mapanghusga sa paligid mo. Sila ang dahilan kaya hindi tayo pwede diba? Kasi buong buhay mo ang iniisip mo ay ang sasabihin ng iba. Sana dumaan ang araw na isipin mo naman ang sarili mo, sana hayaan moding maging masaya ka dahil deserve yun ng isang kagaya mo, hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito at hindi ko alam kung anong buhay ang magkakaroon ako dito, lagi molang iingatan ang sarili mo Charlie mahal kita kahit para sayo isa yung kabaliwan.

Rence.

Hindi kona napigilan ang emosyon ko ng mabasa ang sulat nyang ito, naniniwala na ako ngayon sa kasabihang nasa huli akong pagsisisi, patawarin moko Rence.

______

Off to finale na guys, ano kayang susunod na mangyayari?

VOTE

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now