C-24: Revelation

1.3K 48 0
                                    

3rd Person's Pov:

"Don't tell me naniniwala ka sa Stella nayun!" galit na sigaw ni Adel.

"Sagutin mo ang tanong ko! Ikaw ba ang nagooffer ng bayad kay Stella para palayuin si Charlie?!" sigaw din na sagot ni Jayson.

"Oo Jayson, si Adel nga ang nagbalak bayaran si Stella para ilipat ng school si Charlie" biglang sabat ni Lola Antonia na kakapasok palang sa office ni Jayson.

"Mama! Pati ba naman kayo?" angal ni Adel.

"Pinasundan kita kay Allan nuon, dahil sabi mo makikipagkita kalang sa high school friends mo, nalimutan mo atang sa ibang bansa ka nag high school, kaya nag hinala ako, pinasundan kita at dun ka nagpunta sa bahay nina Stella. So ngayon pano mo idedefend na hindi ikaw ang nag offer sa kanila? Anong ginawa mo kina Stella nung araw nayun?" sunod sunod na tanong ni Lola Antonia.

*Si Allan ay driver ni Lola Antonia*

"Adel! Ikaw na mismo nagsabi na ayaw mo ng magkaroon ng ugnayan sa kanila! Pero ano batong ginawa mo! Alam mo bang sa ginawa mo mas lalong maapektuhan si Tricia!" galit na sabat ni Jayson

"Ginagawa ko to para kay Tricia, dahil pakiramdam nya lagi syang talunan, hindi ko kayang makitang ganon ang anak ko Jayson! Kaya kung wala kang magawa. Ako meron!" sagot naman ni Adel.

"Kaya lumalaking spoiled brat si Tricia dahil din sayo Adel" sabat ni Lola Antonia.

"Mama, ina kadin at alam mo ang nararamdaman ko!" sagot ni Adel

"Kailangan ding tumanggap ni Tricia ng pagkatalo, at yun ang dapat mong ituro sa kanya. Ano nalang iisipin nya? Na mismong tayong mga magulang nya walang tiwala sa kanya?" sagot naman ni Jayson

Hindi nalang sumagot si Adel at nagmamadaling lumabas ng office.

Maya maya pa may nag knock, pinapasok naman ni Jayson ito.

"Jayson, Mrs.Mendez kamusta po" bati ni Rick ang daddy ni Louie.

"Eto medyo nagkakaron lang ng problema" sagot naman ni Lola Antonia.

"Hulaan ko tungkol to sa nangyari kahapon?" palabirong sagot ni Rick

"Anong nangyari kahapon?" nagtatakang tanong ni Lola Antonia, napatingin namn si Rick kay Jayson.

"Wala Mama, nagkaroon lang ng misunderstanding sa school ni Tricia" sagot naman ni Jayson.

"Jayson tell me what happened yesterday?" seryosong tanong ni Lola Antonia

"Nagkaroon lang ng di pagkakaintindihan samin ni Stella" sagot ni Jayson.

"I think its not just a misunderstanding, nagkasakitan na kayo" sabat naman ni Rick.

"Myghad Jayson, sinaktan mo si Stella?" gulat na tanong ni Lola Antonia.

"Actually its not only Stella, but her son also" sagot ni Rick.

"Whatt??! Sinaktan mo ang anak mo Jayson? Ano ba! Sa halip na bumawi ka sa kanya lalo mo syang sinasaktan!" galit na sagot ni Lola Antonia.

"Pero sinaktan nya si Tricia!" sagot naman ni Jayson.

"Hindi naman sa pangingialam, minsan nakong nagkamali, nung naniwala ako sa sinabi ni Adel at Tricia tungkol kay Charlie at sa nanay nya, pinalalayo ko si Louie sa kanila, pero nagkamali ako, yung Charlie nayun pa ang nagturo sa anak ko kung paano maging mabuting anak. Simula ng napalapit sya dun nagbago sya sakin. Yung dating tahimik sya dahil sa paglipat namin dito, nagbago, lagi na syang masaya. At sabi nya dahil daw yun sa pinag iisipan ko ng masama na si Charlie. Siguro nagkakamali lang din kayo sa pagkakakilala sa kanya, at sa nakita ko kahapon, pamilya mo Jayson ang mali eh, hindi naman sa kinakampihan ko ang mag-ina nayun, pero kitang kita modin naman. Si Adel ang nag umpisa ng gulo, at kitang kita modin kung gaano nasaktan si Charlie at kung paano sya ipaglaban ng nanay nya, sana maisip modin. Sila lang dalawa sa buhay, at napakasakit para kay Stella makitang inaapi ang anak nya, magulang kadin Jayson. At alam mo ang pakiramdam pag nakikita mong umiiyak ang anak mo dahil may nang aaway sa kanya, Anak mo din si Charlie, kung dimo sya tanggap bilang ganon sya, sana wag mong iparamdam sa kanya ng paulit ulit na ayaw mo sa kanya" mahabang paliwanag ni Rick, dahilan para matahimik si Lola Antonia at Jayson.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now