* FINAL WAVE *

2K 79 33
                                    

Charlie's Pov:

After 5 months.
Kasalukuyang nasa kalagitnaan na ng graduation ng g12, nandito kami ngayon para sabitan dahil sa nakamit namin.

"Congrats mga apo" bati samin ni Lola Antonia ..

"Thank you mamita" nakangiting sagot ni Tricia.

"Salamat po" sagot ko naman.

Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa kauna unahang pagkakataon sasabitan ako kasama ang daddy ko. Ang lola ko ang pamilya ko.

Para sayo Rence ang mga pagsisikap kong ito, hinding hindi ako magsasawang umasa na babalik ka. At sa pagbabalik mong yun, isa na akong matagumpay na tao, yung hindi nilalait lait lang ng iba. Sisiguraduhin ko ding sa pagbabalik mo hawak ko ang tapang na itinuro mo sakin. Wala ng sino man ang pwedeng manlait sakin. At sa pagbabalik mo hawak ko ang lakas, lakas ng loob na haharap sa napakaraming tao, yung wala akong ibang iisipin kundi sarili kolang, yun yung sabi mo diba? Hayaan kong maging masaya ang sarili ko at wag pansinin ang sinasabi ng iba.

Maya maya pa ay nagtatawag na pala ng mga g11 with honors.

Isa isa nang tinatawag sa stage, at umaakyat kasama ang taong mahalaga sa kanila, ang mga magulang nila, sila mismo ang nagsasabit ng medalyang pinaghirapan ng mga anak nila.

Maya maya pa ay tinawag na si Tricia.

"Mendez, Tricia from section1 with honors" sabi nung mc, umakyat naman na ng nakangiti si Tricia kasama si daddy. Pagtapos ay sinabitan sya dun, marami pang tinawag galing sa ibat ibang section, nakabalik nadin dito si Tricia pati si daddy, maya maya pa ay tinawag nako.

"Mendez, Charlie from section1 champion from quiz bee, best in all subjects, conduct awarded, member of the most outstanding house-collaborative group and with higher honors" sigaw nung mc, umakyat naman ako kasama si daddy, sa kauna unahang pagkakataon sya ang kasama ko pag akyat ng stage para igawad sakin ang aking mga napagtagumpayan, hindi ko maiwasang maiyak, habang isa isang medalya ang isinusuot nya sakin, napatingin ako sa maraming tao. Naalala ko si Rence dun sa isang gilid, nung mga panahon na nandito din ako sa stage para sa result ng pagiging president at nandun sya nagsasabing kaya ko yun.

Maya maya pa ay nagbow na kami sa kanila at bumaba sa kabilang side.

"Congrats anak" sabi ni daddy sa tabi ko.

"Salamat po" nakangiti kong sagot habang nagpupunas ng luha sa mukha.

Nakasalubong naman na namin sina nanay.

"Congrats anak, da best ka talaga" naiiyak na bati sakin ni nanay.

"Salamat nayy" sagot ko at niyakap sya.

"Congrats Charlie" bati ni Lola at Tricia.

"Salamat po, sayo din Tricia" sagot ko naman ng nakangiti.

"So pano tara na" sabi naman ni daddy, tumango nalang ako.

Aalis na sana kami ng bigla akong makarinig ng pamilyar na boses mula sa mic, agad agad akong lumingon sa stage at laking gulat ko ng makitang nandun si Rence hawak ang mic.

"Aalis kana agad hindi mopako nakikita?" sabi nya habang nakatingin sakin, bigla namang nagtinginan lahat saakin .

"Kamusta kana? Dami mong medals ah, pengeng isa" nakangiti pa nyang sabi.

"Limang buwan palang akong nawawala ang laki na ng pinagbago mo ah, lalo kang cumucute, dimoba ako namiss akyat ka naman dito" nakangiti ulit nyang sabi, hindi maintindihang emosyon ang bumalot sakin. Para akong nanghihina habang umiiyak. Totoo bang nangyayari to. Totoo bang nandito sya ngayon sa harap ko. Sa harap ng napakaraming tao.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now