C-14: Hurt

1.3K 45 0
                                    

Charlie's Pov:

Umuwi ako sa bahay ng malungkot at tahimik, hindi ko alam kung pano ko ibibigay ang imbitasyon na binigay nila sakin, dahil alam kong pang iinsulto lang ang pinararating nila, hindi konalang ibibigay kay nanay dahil alam kong yun din makakabuti.

Tricia's Pov:

Goodluck nalang sayo Charlie the witch, for sure hindi mo kakayanin ang panunumbat na maririnig mo bukas, sinabihan na kitang lumayo kay Rence, pero hindi mo ginawa, so kung ayaw mo ako na mismo ang gagawa ng paraan, kung ayaw mong lumayo kay rence, si rence ang papalayuin ko sayo.

**Flashback**

"Excuse,asan si Rence?" tanong ko sa room nina Rence

"Dimo ba nakita? Kasama ng Toxic Partylist" sagot nung lalaki.

"Ganon ba, excuse nalang sa secretary nyo" sagot ko naman tinawag naman agad nya yung babae at lumapit sakin.

"Yes?" Tanong nya.

"Masakit kasi yung ulo ni Rence, need na nya umuwi eh hindi nya kayang magdrive, kailangan ko no. ng parents nya" sabi ko dun sa babae, tumango naman sya at bumalik sa upuan nya at may kinuha sa bag, pagtapos ay bumalik sakin.

"Eto oh" sabi nya at pinakita saking yung papel. Hinanap ko naman agad ang guardian's no. ni Rence.

"Salamat ah" sagot ko nalang at umalis ng nakangiti.

**End of Flashback**

At ngayon its the right time.

Hinanap ko na ang mommy or daddy ni Rence sa contacts ko at tinawagan

"Hello?"

"Ahh hello po, schoolmate po ito ni Rence"

"Ah ok, mommy nyato? Bakit?"

"Ayaw ko po sanang makialam pero concern po ako kay Rence, eh kasi naman po dahil sa baklang hila ng hila sa kanya nagkaka issue sya sa school na pumapatol sa bakla, napagsabihan konapo si Rence pero ayaw nyang makinig, napalapit napo siguro ang loob dun sa bakla, sinabi kopo senyo dahil baka senyo makikinig sya kasi nakakahiya po"

"Sino ba tong baklang to?"

"He is Charlie Mendez Maam"

Pagkasabi ko nun ay inend ko na ang tawag at napangiti ng bahagya, goodluck my charlie the witch.

Rence's Pov:

Pagkababa ko galing sa kwarto ko, naupo ako sa couch at nag open ng laptop. Kasalukuyan akong nagtitingin sa newsfeeds ko ng maaalala si Charlie, friend na naman kami sa facebook, nagtingin lang ako sa timeline nyang puro shared post. Wala din sya masyadong upload na photo. Habang busy sa pagtitingin sa kokonti nyang photos biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Sya ba si Charlie Mendez, eh background palang sa mga pictures nya kitang kitang skwater na ah, aba anak wag kang nagpapauto sa mga bakla, anong pinakain nyan sayo at lumalapit ka dyan" galit na bungad sakin ni mommy sa likod, agad agad ko namang sinara ang laptop .

"Ma, ano bang sinasabi nyo?" tanong ko kahit alam ko naman.

"Anong sinasabi ko? Tinatanong kita anak. Sino yang Charlie Mendez nayan?" galit nyang tanong sakin.

"Kaibigan kopo" mahinang sagot ko.

"Anak naman! Balak mo nabang sirain ang reputasyon mo? Usap usapan kana sa school nyo" galit na sagot nya

"Wala naman pong masamang magkaron ng kaibigan" sagot ko.

"Wala ngang masama kung sa normal ka makikipagkaibigan pero yung sa kagaya nya, pati ikaw magmumuka ng abnormal anak" sigaw na sagot nya at humawak pa sa noo.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now