C-33: Reality

1.2K 72 4
                                    

Tricia's Pov:

"Hi daddy, bat po andito na kayo sa bahay? Early out?" masayang bungad ko kay daddy at kiniss sya sa pisngi. Kalalabas kolang kasi sa school at kauuwi kopalang.

"Daddy are you okay?" tanong ko ulit sa kanya, para kasi syang balisa. Maya maya pa bigla nyakong niyakap.

"Daddy ano pobang nangyayari?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hinding hindi ko hahayaang mawala ka sakin" sabi nya.

"Hindi po ako mawawala eh, daddy ano pobang nangyayari?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Anak makinig ka sakin, kahit anong malaman mo ngayon, walang walang magbabago you're still my princess and i'm still your king" seryosong sagot nya.

"And i'm still you're mamita" bungad ni Lola.

"Dad, Lola hindi ko kayo maintindihan?" naguguluhan kong sagot sa kanila.

"Anak gusto kong malaman mona ngayon kesa sa iba mopa malaman, at sana sa malalaman mong ito walang magbabago" seryosong sagot ni Daddy.

"Daddy naman kinakabahan naman ako sa inyo eh" medyo naiiyak kong sagot sa kanya.

"Umamin na ang mommy mo samin, Tricia hindi ako totoo mong daddy mo" mahina nyang sagot

"Daddy ano bang sinasabi mo?" umiiyak kong sagot sa kanya, lumapit naman si lola sakin at hinaplos ang likod ko.

"Lola sabihin nyo kay daddy wag magbiro ng ganito, hindi po nakakatawa" umiiyak kong sabi kay Lola.

"Apo kahit nalaman na natin yung totoo, wala namang magbabago eh, kami padin ang pamilya mo , hindi lang namin alam kung paano tatanggapin si Adel matapos naming malaman ang lahat" paliwanag naman ni Lola.

"Ibig pong sabihin tinago to ni mommy ng ganito katagal? Pano po ako? Kung ganon sino pong tunay kong daddy" umiiyak kong sagot, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanila

"Kahit kami hindi padin namin alam" sagot naman ni Lola.

"Nooo!!!" sigaw ko at umakat ng mabilis papunta sa kwarto ko.

____________

Louie's Pov:

Kasalukuyan kami ngayong kumakain ni papa pero naninibago ako sa kanya kasi tahimik lang sya, hindi tulad ng nakasanayan kong andami nyang tanong sakin at andami nyang kwento.

"Pa. ayos lang kayo?" tanong ko sa kanya. Napailing iling naman sya bago sumagot.

"Oo anak iniisip kolang sina Jayson, kamusta kaya sila ngayon" sagot naman nya.

"Bakit po? Ano po bang nangyari?" tanong ko sa kanya

"Alam ko wala akong karapatang magkalat tungkol sa personal nilang buhay pero sayo lang naman anak, at sana maging lihim muna ito, wag natin silang pangunahan" seryosong sagot nya.

"Sige Pa." sagot ko

"Kanina sa opisina pumunta si Stella kasama si Charlie-------

"Kaya pala absent sya" singit ko naman.

"Sinabi ni Stella ang nalaman nya kina Jayson, na si Tricia pala ay hindi tunay na anak ni Tito Jayson mo" sagot nya.

"Po? Pano po nangyari yun?" naguguluhan kong tanong.

"Hind kodin alam anak, pero lahat ng sinabi ni Stella tumutugma sa mga nangyayari kaya napaniwala nya si Jayson, yung 2million na nawawala sa savings account ng shipping line na hindi alam kung san napunta, tapos sinabi ni Stella na may 2million na binigay si Adel sa isang lalaki, at ang lalaking yun daw ay totoong ama ni Tricia" paliwanag ni papa.

"Kilala kopo sina Charlie sigurado po akong hindi sila magsisinungaling" sagot ko naman.

"Oo anak naniniwala din naman ako sa kanila, hindi lang ako makapaniwala sa mga sunod sunod na nangyayari" sagot naman nya.

"Pa. Imagine nyo yun, sa kabila ng panlalait, panghuhusga at pagpapahiya ni Tricia kay Charlie tungkol sa daddy nya ay wala palang katotohanan, lagi nyang sinasabi na hindi nya matatanggap na kapatid si Charlie, at sinasabi nya din laging kahit anong mangyari hindi magiging daddy ni Charlie ang daddy nya, hindi talaga ako makapaniwala" sagot ko naman.

Rence's Pov:

"Anak kanina kapang nakanguso dyan ah" bungad sakin ni mommy.

"Si Charlie po kasi di nasagot sa tawag ko" sagot ko naman.


"Ayy ano bang kailangan mo dun sa tao?" nagtataka nyang tanong.

"Kakamustahin kolang po" sagot ko naman.

"Aba ay kasama mona sya sa school kanina ah dimoba sya nakamusta?" tanong naman nya

"Ma. ano po kasi, hindi po ako nakapasok kanina, sinamahan kopo si Charlie sa Mendez Shipping Line" sagot ko naman

"Ha? At ano namang ginawa nyodun? Mas importante pa bayun sa pagpasok?" sagot naman nya.


"Ma. wag kayong maingay ha sasabihin ko senyo" sagot ko naman. Bigla naman syang umupo sa tabi ko sa couch.

"Oo sige anak, ano bayun?" tanong nya.

"Kilala nyo po si Sir.Jayson Mendez?" tanong ko sa kanya.

"Sinong hindi makakakilala sa kanya eh sya ang may ari ng Mendez Shipping Line at isa sa malalaking kompanya dito sa Manila" sagot naman nya.

"Sya po yung daddy ni Charlie" sagot ko naman, bigla namang nanlaki ang mata nya.

"Sigurado kaba dyan anak? Si Charlie yung nagtitinda ng kalamay? Yung nakatira dun sa maliit na bahay anak ni Jayson Mendez?" gulat nyang sagot.

"Opo Ma. nahiwalay sya sa daddy nya nung bata sya kasi may ibang pamilyang sinamahan si Sir.Jayson at may anak din sya dito, siguro kinailangan nyang mamili at mas pinili nya ang pangalawang pamilya nya, tapos yung anak nya si Tricia Mendez, kaklase sya ni Charlie na naging daan para muling magkita ang mag ama, ang kaso hind tanggap ni Sir.Jayson si Charlie bilang anak nya dahil sa gender nito,  laging inaaway ni Tricia si Charlie, sinasabi nya laging hindi nya matatanggap na kapatid nya ito, at kailanman daw hindi magiging daddy ni Charlie ang daddy nya, pero ngayon paunti unti natatanggap na ni Sir.Jayson si Charlie ta-------

"At paunti unti yumayaman nadin yang si Charlie, bongga ah" komento nya

"Sige anak tuloy mo kwento mo" sabi pa nya.

"Tapos kanina nalaman kopong si Tricia ay hindi tunay na anak ni Sir Jayson" sagot ko dahilan para magulat sya.

"Seryoso kaba dyan anak? Ibig sabihin ang ipinalit nya kina Charlie ay isang peke?" sagot naman nya.

"Hindi naman sa peke Ma. basta yun na yun, inaalala kolang si Charlie kung kamusta kaya sya, sigurado iniisip na naman nya si Tricia kahit ansama sa kanya nito" mahinang sagot ko.

"Alam mo anak ang OA mo, ganyan kabang klaseng kaibigan? Aba napakaswerte naman pala ni Charlie" sagot naman nya.

Napailing iling nalang ako.

_______

ANONG NAPANSIN NYO? AMBILIS NG TSISMIS NOH, NARINIG LANG KUNG SAN SAN NA AGAD KUMALAT HAHAHAHA GANON TALAGA ANG BUHAY.

DONT FORGET TO VOTE salamattt!!!!!

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now