C-3: First School

1.9K 73 3
                                    

Rence's Pov:

First School year as g12 . Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may basketball court kasama ang barkada ko.

Kahapon kopang iniisip yung nangyari nung sabado.

**Flashback**

-SATURDAY MORNING-

Ksalukuyan akong nag aabang ng taxi dito sa labas ng mall, namili kasi ako ng gamit para sa lunes. Ng biglang may agaw pansin akong napansin,

Fortune Teller

Hindi ko alam kung bakit na engganyo akong subukang magpahula, pumasok ako sa loob at nakita ang matandang babaeng nakaupo duon mag isa

"Tuloy ka iho" sabi pa nito.

Dahan dahan naman akong lumapit at umupo sa tapat nya.

"Ano bang gusto mong malaman iho?" tanong nito.

Napaisip naman ako sa tanong nya.

"Gusto kopong malaman kung paano at sino yung makakatuluyan ko pagdating ng araw" sagot ko sa kanya.

"Akin na ang palad mo" sabi pa nya, agad agad ko naman itong nilapag sa harap nya, at unti unti na nya itong hinahaplos habang umiikot yung mata.

"Iho, ang taong magugustuhan at mamahalin mo ay makikita mo ngayon, at ang taong yun ay makakayapak sa paa mo ng hindi sinasadya, alalahanin mo ang sinabi ko at wag mong kakalimutan, abangan molang ngayong araw at malalaman mo" mahabang paliwanag nito. Para bang hindi ako nakumbinsi sa mga sinabi nya naglapag nalang ako ng pera at agad agad ng lumabas. Ano bang sinasabi nya? Ano trip trip nyalang talaga manghula?

Pauwi na sana ako ng makatanggap ng mensahe galing sa isang tropa, pinapupunta nyako sa school, kaya napagdesisyunan kong dun nalang muna dumiretso, konting gamit lang naman tong dala ko.

Ng makarating sa school bumungad sakin ang mag inang nagtitinda ng kalamay sa daan, na ngayon ay nasa harap ng St.John , napagdesisyunan kong pumasok na sa loob ng bigla syang naglakad papunta siguro sa mama nya at nayapakan ako sa paa, nagulat ako sa sunod sunod na nangyari, pero alam kong hindi nya halata dahil nakashades ako, nanatili lang syang nakatingin sakin at pinunasan yung sapatos ko, tsaka palang sya humingi ng paumanhin. Anong ibig sabihin nito? Hindi ba nya sinasadyang matapakan ang paa ko? Pero bakit, bakit lalaki ang gumawa ng sinasabi ng manghuhula, bakit sya yung nakatapak ng paa ko. Andami pang mga nangyari at nanatili akong wala sa sarili, nakipag away pa yung mama nya sa nambastos sa kanya, nung aalis na sila tsaka kopalang napagdesisyunan na pakyawin nalang yung kalamay, ipapamigay konalang at magtitira para kay Daddy.

*End Of Flashback*

Iniisip ko magkikita pa kaya ulit kami nung lalaking yun, o sabihin nalang natin na sa binabaeng yun. Kasi kahit di nya sabihin obvious naman sa kilos at galaw nya. Mahirap lang sila pero kitang kita ang kaayusan nito sa sarili.

"Uyyy brad, ano bang iniisip mo at kanina kapang wala sa sarili" bungad sakin ng kabarkada kong si Miguel, miyembro kami ng basketball team.

"Wala, wala" tanggi ko naman.

"Brad tignan mo yun, yun yung nagtitinda ng kalamay sa harap ng school kahapon diba? Sila yung nagkagulo? Bakit kaya sila nandito? Dito ba papasok yung bakla?" sunod sunod na tanong ni miguel. Napatingin naman ako sa tinutukoy nya, sya nga kasama ulit yung mama nya.

Charlie's Pov:

Kasalukuyan na kaming naglalakad ni nanay sa loob ng campus, medyo excited pero kinakabahan din dahil first time kong makapasok sa private school ,halos lahat ng nasa paligid ko ay naka uniform na, ako ksi hindi pa naiibili ni nanay, pero ok lang naman daw na sa first week of school is naka civilian.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now