C-37: Too much pain

1.3K 59 0
                                    


Rence's Pov:

Ang sakit makitang tinatawag nyako habang umiiyak pero hindi ko magawang lingunin sya dahil kahit ako ay umiiyak nadin sa inaasal nya. Ayokong makita mong mahina ako at nasasaktan ako, Sorry Charlie...

Charlie's Pov:

"Salamat" walang mood kong sabi kay Miguel at bumaba na sa kotse nya, wala nakong ganang pumasok pa.

Dire diretso lang ako paloob ng bahay, wala naman si nanay, dumiretso nalang ako sa kwarto at muling umiyak

"Bakit ka umalis Rence" umiiyak kong sabi habang nakaharap sa salamin.

"Hindi naman kita binalewala eh, bakit ba yun yung iniisip nyo, hindi naman eh, pinalaya lang kita dahil gusto ko maging masaya ka sa tamang tao para sayo, hindi mo naman kailangan lumayo eh, masaya nakong araw araw kitang nakikita pero yung umalis ka hindi kona kaya Rence" umiiyak kong sabi sa salamin.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito si nanay at daddy.

Bigla namang tumabi sakin si nanay at hinaplos ako sa likod.

"Anak anong nangyari?" nag aalala nyang tanong

Agad agad ko naman syang yinakap.

"Nayy umalis na si Rence, hindi kona sya makikita" umiiyak kong sagot sa kanya.

"Akala koba anak. Ayos na sayo, na mas ok kung lalayuan kana nya" sagot naman ni nanay.

"Nay akala ko din po, pero hindi kopo pala kaya" umiiyak kong sagot.

"Kasalanan koto anak, kung hinayaan lang sana kitang maging malaya sa kung anong gusto mong gawin hindi ka nasasaktan ng ganito, pangako anak pag dumating ang araw na pwede pa at hindi pa huli ang lahat, hahayaan na kitang magmahal" sagot naman ni nanay.

"Anak naiintindihan ko ang nararamdaman mo dahil naranasan kodin yan, ng maiwan ko kayo dito at lumipad ako pa ibang bansa, alam ko kung gaano kasakit malayo sa minamahal mo. Lalo na kung hindi mo naman ginusto, naipit na ako eh, tinakot nila ako na ipapapatay ka nila Charlie, napilitan akong sumama sa kanila sa States, napilitan din akong pakisamahan si Adel, lalo na ng malaman kong may anak kami na hindi ko din alam kung paano nangyari, napaniwala nyako sa isang malaking kasinungalingan, pero lahat yun pinagsisisihan na ng lola mo, nagsisisi na sya sa nagawa nya, kaya pag dumating ang araw na bumalik yang taong mahal mo at mahal kapa nya, wala namang mali anak, sa pagmamahal ang mahalaga seryoso kayo sa isat isa hindi mahalaga ang sasabihin ng iba. Wala silang alam at wala silang pakialam kung anong meron senyo dahil hindi naman nila kayo kilala at wala silang alam sa mga pinagdaan nyo, ang susundin molang ay ang sinasabi ng puso mo hindi ang sinasabi ng ibang tao" mahaba namang paliwanag ni daddy.

Lalo naman akong naiyak sa mga sinabi nila.

"Pano po kung hindi na sya bumalik, o kaya sa pagbalik nya hindi na pwede" umiiyak kong sagot.

"Pag ganon ang nangyari wala na kanang magagawa kundi tanggapin, pero kung kayo talaga para sa isat isa kayo at kayo padin sa huli" sagot naman ni daddy.

"Hindi naman po ako babae para maniwala sa tadhana na ganyan eh" umiiyak kong sagot

"Pero may taong itinuturing kang prinsesa nya yun ay si Rence anak" sagot naman ni nanay at muli ko syang yinakap.

______

VOTE

LOVE over HATERS (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora