C-23: Family Day

1.2K 54 0
                                    

Charlie's Pov:

"Nayyy bilisan nyo baka nagsisimula na" sabi ko kay nanay habang hila hila sya papasok ng school.

"Ano ba naman kasi to, ang tatanda nyona may pa family family day pa" angal naman ni nanay.

Habang naglalakad sa loob ng school nakasalubong namin si Rence kasama daddy at mommy nya.

"Kamusta ka na Charlie?" nakangiting bati sakin nung mommy ni Rence.

"Ahh ayos lang po, kayo po?" medyo nahihiya kong sagot.

"Ayos lang din, sige mauna na kami" sagot nya at naglakad na.

"Charlie kita nalang dun" sabi naman ni Rence, tinanguan konalang sya ng nakangiti.

"Oh anong ngiti yan?" biglang tanong ni Nanay

"Wala po" sagot ko naman.

"Anak ipapaalala ko--------- naputol ang sasabihin nya dahil nagsalita nako.

"Nayy, araw araw nyonapong pinaalala na bawal akong magkagusto kahit kanino, kaya diko po nalilimutan, nakangiti lang po ako dahil dina galit sakin yung mommy ni Rence" sagot ko naman sa kanya.

"Anak para di------ pinutol ko ulit ang sasabihin nya.

"Opo Nayy, alam kopong para din sakin yun. Para di ako masaktan. Si nanay talaga walang tiwala sakin" sagot ko pa.

"Oh sya sige na tara na. Sana may contest ng pagandahan anak para manalo ako" natatawang sabi ni nanay.

"Talagang umaasa kang mananalo ka sa pagandahan? Taas ng dream mo Stella diko mareach" sabat naman ng mommy ni Tricia. Nasa likod pala namin sila...

"Adel tama nayan" awat na naman ni Sir.Jayson, si Tricia naman sinamaan lang ko ng tingin tapos umalis na sila, dinalang kami nagsalita ni nanay.

Ng makarating sa napakalaking stage nakinig nalang kami sa mga teachers na nagsasalita duon.

"Charlie andito na pala kayo" bungad sakin ni Louie, tinignan naman sya ni nanay ng nagtataka.

"Nayy si Louie po kaklase ko, Louie si nanay" pagpapakilala ko sa kanila.

"Magandang umago po" bati naman ni Louie

"Magandang umaga din" sagot naman ni nanay. Maya maya pa nagsimula na ang palaro. Para sa mga parents.

May 5 chairs tapos may 6mommies at 6daddies, that means ang walang mauupuan sya yung tanggal. Bawas lang ng bawas, ang daddies muna ang uupo tapos tsaka palang ang mommies uupo sa legs ng daddies.

"Nayyy plss sali na kayo" pagpilit ko sa kanya, wala naman na syang nagawa at sumali, kasalukuyan na silang umiikot habang nagsasayaw kasabay ng napakagandang tugtog.

"Go Nanay!!" cheer ko sa kanya.

Maya maya pa biglang tumigil na yung tugtog. May natanggal ng dalawa, isang daddy at isang mommy, si Sir Jayson at si Maam Adel kasali din.

Maya maya pa tumigil na ulit yung kanta. At laking gulat ko sa mga sunod sunod na pangyayari.

Kay Sir Jayson napaupo si Nanay hanggang sa natumba ang kinauupuan nila dahilan para mapahiga sila sa lupa, napapatong naman si Nanay kay Sir.Jayson. Tutulungan kona sana si nanay para bumangon ng bigla syang hilahin sa buhok ni Maam Adel..

"Hanggang dito talaga dinadala mo ang kalandian mo Stella!" sigaw ni Maam Adel at sinasabunutan si Nanay. Tila nagdilim ang paningin ko ng makitang sinasabunutan nya ang walang laban kong nanay, Agad agad ko naman silang nilapitan.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now