C-9: Denial

1.3K 57 0
                                    

Denial - Pagtatakwil

Charlie's Pov:

Sabado na, parang kailan lang yung naging pagtatalo namin ni Tricia, sinabi pa nyang sisiguraduhin nya daw na mapapatalsik ako sa St.John, sinabi pa nyang anak sya ng may ari ng Mendez Shipping, si Jayson Mendez ang daddy ni Tricia na daddy kodin, ang pag kakaiba lang mahal sya bilang anak, at ako wala lang para sa sarili kong ama.

"Anak, parang antahimik mo naman ata ngayon" bungad sakin ni nanay, tulad kasi ng nakasanayan sabado at sinasamahan ko sya pagtitinda ng kalamay.

"Wala Nay, wala lang po ako sa mood magsalita" sagot ko naman.

"Di ako sanay na tahimik ka eh, pag naman nagtitinda tayong ganito hindi tumitigil yang bunganga mo kakadada." natatawa nyang sagot sakin.

"Grabe ka naman sakin Nayy" walang gana ko pading sagot.

Habang nagbebenta si nanay, napa isip naman ako, pano kaya pag ako mismo ang humarap sa daddy ko, gusto kodin malaman mismo galing sa kanya ang dahilan kung bakit at pano nya nagawang iwan at itakwil ako bilang anak nya. Gulong gulo na kasi ako.

"Nayy, ano po, pupunta po ako sa kabilang kanto, for sure mauubos kotong paninda ko" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sige anak, samahan na kita" sagot naman nya

"Nayyy wag na, kasi kung magkasama tayo parang ganon din po, kaya mas ok maghiwalay po tayo" nakangiti kong sagot

"Sabagay may punto ka naman anak, sya sige mag iingat ka ha" sagot nya.

"Opo" nakangiti kong sagot, So ayun nga naglakad lakad lang ako at ng may makita ng taxi ay agad agad ko iyong pinara. Hindi ko man alam ang bahay nyo, alam ko naman kung saan ang pinagtratrabahuhan ninyo, at sana sa gagawin kong ito, makakuha ako ng malinaw at tamang sagot mula sa kanya.

"Manong, sa Mendez Shipping Line po" sabi ko

Rence's Pov:

Sinadya ko talagang pumunta kung saan alam kong nagbebenta si Charlie at nanay nya ng kalamay, ng makita ko syang mag isang naglalakad na parang nagmamadali, tapos bigla nalang syang sumakay sa taxi, hindi ko maintindihan pero parang may iba sa mga kinilos nya, tsaka bakit hindi nya kasama ang nanay nya.

Agad agad ko namang sinundan ang taxi na sinakyan nya. Sunod sunod na gulo sa aking utak ang nabuo, nung huminto sya sa Mendez Shipping na pag aari ng daddy ni Tricia. Anong gagawin nya dito?

Charlie's Pov:

Pagkababa na pagkababa ko ng taxi bumungad sakin ang napakalaking company ng daddy ko, tama bang tawagin ko syang daddy eh hindi nya nga ako tinuturing na anak, kung tawagin ko naman kaya syang tatay? Hindi ba sya ma offend dun? Pano koba sya haharapin. Mga ilang minuto din akong nakatayo at nakatingin lang sa kompanya nya ng napagdesisyunan kong pumasok na. Hinarang pako ng guard at tinanong kung anong kailangan ko, sinabi ko namang pinapupunta ako ni daddy, pero minnention ko sya as Sir.Jayson, alm ko masamang magsinungaling pero hindi palagi, hindi ako makakapasok kung hindi ako gagamit ng utak. Pagkapasok ko ay nagtanong nako sa mga nag aassit dun.

"Excuse po, san kopo pwedeng makausap si dad-- si Sir Jayson po" tanong ko.

"May meeting sya ngayon eh, pero mamaya tapos nadin" sagot naman nung babae.

"Sige po hintayin konalang po" sagot ko naman.

Umupo muna ako sa couch dun at naghihintay na dumaan si daddy, kasi for sure naman dito ang daan nya. Habang naghihintay biglang nag ring yung cellphone ko

"Hello Nay?"

"Nasan kanaba anak? Ubos na yung kalamay ko, tutulungan na kita"

"Kaya kona po ito Nay, uwi na po kayo at magpahinga"

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now