C-4: Encounter

1.6K 68 2
                                    

Charlie's Pov:

Ano ba namang first day toh, nakakainis, kanina pakong paikot ikot sa mga building dito sa campus dahil hindi ko alam kung nasan ba itong section ko.

"Excuse me, alam mo ba kung san to?" tanong ko sa babaeng dadaan sa harap ko, at pinakita yung papel pero sa halip na sumagot ay sinaman nyalang ako ng tingin at nagflip ng hair.

Maya maya pa ay may dadaan ulit lalaki naman.

"Kuya, excuse naman, alam moba kung saan to?" tanong ko ulit at pinakita yung papel, ang kaso dire diretso lang sya na parang wala lang ako.

Napagdesisyunan kong bumaba na sa building nato, for sure late nako, naglilinga linga ako, umaasang may makikitang teacher na pwedeng mapagtanungan. Napakamot nalang ako sa ulo habang nakanguso.

"Ano ba naman buhay toh oh" reklamo ko

"May problema ba?" tanong ng isang pamilyar na boses, hinarap ko naman sya at di ako nagkamali si Rence nga.

"Ikaw pala, wala, ayos lang ako, sige mauna nako" sagot ko naman sa kanya at aalis na sana kaso hinawakan nyako sa kamay.

"Akin na nga yan" sabi nya at hinigit yung papel na hawak ko

"Dimo alam kung saan ang room mo? Tara samahan na kita" sabi nya at hinila ang kamay ko. Parang bigla akong nawala sa sarili at nanatiling nakatingin sa magkahawak naming kamay habang naglalakad. Para naman nyakong kinakaladkad.

"Aba si Francisco nakabingwit ah" natatawang bungad samin nung isang lalaki.

Francisco? Si Rence bayun?

"Oyy brad, san kapa pupunta magsisimula na ang klase" bungad ulit ng isang lalaki.

"Sige hatid kolang to" sagot naman ni Rence.

"Nakkss, parang iba nayan ah" natatawang sagot naman nung lalaki at umalis na.

"Pwede mo namang ituro nalang sakin kung saan, kaya ko naman na eh" sabi kopa sa kanya pero parang wala lang syang narinig. Nasa 3rd floor na kami ng isang building at tumigil na sya. Tinignan ko naman ang tag section na nakasabit sa may pinto. Eto na ngayung classroom ko

Wala syang sali salita at aalis na sana.

"Salamat ah" sabi ko sa kanya. Pero hindi sya tumingin at dire diretso sa pagbaba.

Pumasok naman nako sa room at unang unang bumungad sakin yung babaeng nameet kona ng dalawang beses at parehong masama yung pagmemeet naming yun.

Mukang nagulat din sya at sinaman ako ng tingin.

Umupo nalang ako malayo sa kanya. Maya maya pa ay dumating nayung prof. namin at nagsimula na yung klase.

"Who can solve this question?" tanong nung prof. namin, tumaas naman agad ako ng kamay ng makitang nakataas din ng kamay yung babae, bale kami lang dalawa yung sa tingin ko may alam ng sagot.

"Yes iha, you are?" tanong ni Sir dun sa babaeng dikopa kilala.

"I am Tricia Mendez" pagpapakilala nya at pumunta na sa unahan para sagutan yung tanong sa white board, so bale Pre Calculus yung subject namin ngayon, pero teka? Mendez din yung last name nya?

"Hmmm are you sure for your answer? Ms.Mendez?" tanong ni Sir kay Tricia, tinignan ko naman yung sagot nya at may nakita akong mali.

"Sino yung nakataas din ang kamay kanina?" tanong ni Sir. Agad agad ko naman ulit tinaas ang kamay ko

"Ok, what your name?" tanong nya

"I am Charlie" sagot ko naman.

"Full name rather" sabi pa nya.

LOVE over HATERS (COMPLETED)Where stories live. Discover now