C-18: Displeasure

1.3K 44 0
                                    

Displeasure - Tampo

Louie's Pov:.

Lunes at simula na naman ng pasok at sabi ngayon daw ang botohan para sa g11 and g12 representatives.

Nung una kong makita si Charlie sa classroom parang ayaw kodinsa kanya. Kahit nga tinulungan nyako last time nung kinisig yung paa ko. Parang wala akong pake sa kanya, basta parang ayaw ko syang lapitan. Pero sa narinig kong pag uusap ni tito jayson at lola antonia nag iba ang pagtingin ko sa kanya. Parang gusto ko syang kilalanin dahil sa dami nya palang pinagdaanang hirap sa buhay, sabi pa ni Tricia wag na wag daw akong lalapit kay Charlie dahil plastik daw, sabi din ng mommy ni Tricia si tita adel. Magaling daw magpanggap at magpaawa si Charlie at mama nya para makahingi ng pera, pero parang ayaw ko namang maniwala, dahil sa konting oras kong pagpasok dito parang hind yun yung nakikita ko kay Charlie, kahit si daddy sabi nya wag na daw akong lumapit dahil baka daw mapahamak pako, at dahil sa mga sinabi nila mas lalo kong gustong makilala yung Charlie nayun, sino kayang iboboto ko bilang president, hindi ko pa naman sila parehas kilala. At sa tingin kodin walang laban si Charlie kay Tricia, dahil sa ganda ni Tricia baka lahat ng lalaki sa St.John sa kanya bumuto.

Maaga ako nakapasok dumiretso nalang ako at naupo sa upuan ko

Rence's Pov:

"Nak baba kana dito, kain kana" sigaw ni mommy mula sa baba.

Saktong nakapag ayos nako ng sarili agad agad akong bumaba at naupo sa hapag kainan.

"Good Morning Ma. Asan po si Daddy?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Good Morning din, Maagang pumasok sa office eh" sagot naman nya.

Habang kumakain nagsalita ulit ako.

"Ma.pasensya napo nung mga nakaraang araw na nasagot ko kayo tapos diko kayo sinusunod" sabi ko sa kanya .

"Ayos lang yun anak, eh kamusta kaba? Sigurado kabang papasok kana agad?" tanong nya sakin

"Oo Ma." sagot ko.

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla syang nagpunas ng panyo sa bibig at nagsalita.

"Anak, narinig koyung usapan nyong dalawa kahapon" sabi nya.

"Po?" nagtataka kong tanong.

"Usapan nyong dalawa ni Charlie sa hospital" sagot naman nya.

"Ma. wag napo kayong magalit sa kanya, bumisita lang sya saglit at kinamusta ako, at pumayag nadin po ako sa matagal na nyang gusto. Ang layuan ko sya para hindi na kayo magalit at mag alala sakin" malungkot kong sagot sa kanya.

"Hindi ako galit sa kanya dahil bumisita sya sayo. Sa totoo nyan, nahihiya ako sa kaibigan mo, sa kanya kopa natutunan kung pano maging isang tunay na ina, sa kanya kopa natutunan kung ano ba talaga ang tama sa mali, mali ngang hinusgahan ko sya agad batay lang sa mga naririnig ko, anak mabuting bata si Charlie, hindi na ako magagalit kung maging magkaibigan kayo, pero anak sana naman wag kayong masyadong malapit sa isat isa para hindi kayo na iissue sa school nyo" mahaba nyang paliwanag.

"Opo Ma. Promise po" masayang sagot ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit

______

Masaya akong pumasok dahil malaya kona ulit makakausap si Charlie.

Ng makarating sa 2nd Floor sumalubong sakin si Tricia. May benda pako sa may noo kaya agaw pansin sa mga tao.

"Rence anong nangyari sayo?" tanong ni Tricia sakin.

"Nasagasaan lang pero ayos nako" nakangiting sagot ko ng biglang dumating si Charlie, tumingin lang sya sakin at diretsong pumasok sa classroom nila

LOVE over HATERS (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora