C-5: Extreme

1.5K 57 3
                                    

3rd Person's Pov:

"Sir, wala parin po kaming update sa pinahahanap nyong si Stella Mendez" bungad ng isang lalaki kay Jason.

"Baka hindi nya ginagamit ang apelyido ko. Diba sinabi ko sayo na baka Stella Lopez ang ginagamit nya?" galit namang sagot ni Jayson sa lalaki.

"Opo, marami po syang kapangalan pero lahat ng pinupuntahan namin ay hindi tumutugma sa litratong ibinigay nyo" sagot naman nung lalaki.

"Kung hindi natin mahanap si Stella, baka yung anak namin mahanap nyo, Charlie yung pangalan nya, kasal kami ni Stella at sigurado akong apelyido ko ang dinadala ng anak namin, Charlie Mendez siguro mag 17 yrs.old na sya ngayon" sagot naman ni Jayson ng biglang pumasok ang kinakasama nya ngayong si Adel.

"Jayson, kamusta ang paghahanap mo kay Stella? May update naba?" bungad na tanong ni Adel kay Jayson.

"Maiwan mo muna kami" sabi naman ni Jayson sa lalaki.

Ng makalabas na ito tsaka sinagot ni Jayson si Adel.

"Wala padin hanggang ngayon" mahinang sagot nito.

"What? Common Jayson, antagal na nating pinghahahanap yang si Stella, baka mamaya patay na pala yan" galit namang sagot ni Adel.

"Wala naman tayong magagawa Adel kung hindi umasa na makikita pa sya" galit ding sagot ni Jayson.

"No Jayson, hindi kona kayang maghintay pa, sa States, sa States pwede tayong magpakasal kahit hindi pa kayo annul ni Stella" sagot naman ni Adel.

"Kahit san tayo makarating Stella, kahit san tayo magpakasal, hindi padin tayo masasabing legal na mag asawa, dahil hanggang sa papel lang yun" sagot naman ni Jayson.

"But Jayson, antagal ko ng naghintay, at hanggang ngayon pakiramdam ko nakikihati lang ako sa pagmamahal mo, at pakiramdam ko, pangalawa lang ako sa unang asawa mo!" sagot naman ni Adel.

"Whatt!" bungad na sigaw ni Tricia sa pinto ng office ni Jayson na ikinagulat nilang dalawa.

"Tricia , let me explain" sabi pa ni Adel pero tumakbo agad palabas si Tricia.

Bigla namang pumasok si Antonia, ang ina ni Jayson at lola ni Tricia.

"Bakit umiiyak si Tricia?" bungad na tanong nito sa mag asawa.

"Ma. nalaman na nyang may unang pamilya si Jayson" sagot naman ni Adel.

"Ako na ang bahalang kumausap sa kanya" sagot naman ni Antonia at lumabas na.

Charlie's Pov:

Naka 1 week na agad, ayun si Tricia hindi na nawala yung galit sakin isama pa yung dalawang babaeng kasama nya, si Chelsey at Witney.

Half day kami ngayong araw , mamaya pang 12 ang start ng klase kaya tulad ng nakasanayan sumama nalang ako kay nanay pagbebenta ng kalamay.

"Nak, umuwi kana kaya, gawin mo mga assignments mo" sabi ni nanay sa tabi ko.

"Nay, tapos na po kagabi pa" sagot ko naman.

"Pero dapat nagfofocus kanalang sa pag aaral mo anak, kayang kaya ko na naman to" sagot naman ni nanay.

"Nay, boring kaya pag mag isa kang nagtitinda dito, paikot ikot kalang tas mag isa pa, kaya twing free time at walang pasok hayaan nyonakong tulungan kayo" sagot ko naman.

"Wala sa vocalary ko ang salitang boring noh" sagot naman ni nanay habang hawak hawak ang keypad nyang cellphone.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Vocabulary po nay" natatawa ko namang sagot.

"Voca? Voca ano nga ulit?" tanong na naman nya, kaya natawa ulit ako

LOVE over HATERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon