C-25: Seperate

1.2K 47 0
                                    

Charlie's Pov:

"Napapansin ko anak, gabi gabi kanalang may katxt tapos panay ang ngiti mo dyan" bungad sakin ni nanay kaya agad agad kng tinago ang cellphone sa ilalim ng unan.

"Hindi naman po" sagot ko.

"Anak nag-usap na tayo diba? Ayoko lang masaktan ka. Tigil tigilan mona yang lab lab nayan" sagot naman nya.

"Nayy, ibig nyopo bang sabihin bawal na talaga akong magkalovelife kasi masasaktan lang ako?" sagot ko.

"Anak alam mo naman sa panahon ngayon ma--------

"Sa panahon ngayon bawal magmahal ang lalaki sa kapwa nya lalaki? Nayyy alam ko naman po yun. Kaibigan kolang po si Rence" sagot ko naman. Lumapit nama sya sakin at naupo sa kama.

"Anak alam ko sa palagi nyong magkasama nahuhulog kana, at wag mong hayaang mahulog ka ng tuluyan dahil wala namang sasalo sayo, sa gwapo nung Rence nayun sigurado sandamakmak na babae nun" sagot naman nya na ikinalungkot ko.

"Wag ka sanang magalit sakin anak, diko sinasabing walang kang karapatang magmahal. Ang akin lang wag mong hayaang magmahal ka ng sobra, crush ayos lang pero yang mga love na ganyan nako anak sakit lang sa ulo" sabi pa nya kahit alam ko naman na ang gusto nyang sabihin ay hindi ako pwedeng magmahal kasi wala namang magmamahal sakin.

Diko nga din maintindihan yung sarili ko. Never akong nahulog kahit kanino. Kahit kaninong gwapong lalaki! Pero bat ganito. Dala siguro to ng palagi naming magkasama. Dala ng pagkakaibigan namin. Hindi ko namamalayan unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Crush kona ata si Clarence Francisco.

"Ohh sya di ka na umimik dyan, maghahanda nalang ako ng hapunan" sabi pa nya at umalis na.

Mali!!!! Maliii!! Maliiii!!!! Alam ko yung limitasyon ko! Hindi dapat ako nagkakaganitoo!!!!! Friendss kamiii!! At friends lang kamiii! Kailangan ko ng tigilan toh, napahiga nalang ako ng biglang tumunog yung phone ko.

From: Rence
: Huyyy bat nawala kana?

Di ko napala sya nareplayan, hindi ko kasi maiwasang umasa, umasa na baka may gusto din sakin si Renceee! Peroo pano naman kaya mangyayari yun diba?? Sikat tapos gwapo magkakagusto sa kagaya ko? Wala akong maisip na dahilan para mangyari yun. Whuahhhh yokoo na!!!! Ayoko ng mag-ilusyon, tama talaga si Nanay. Kaya bukas na bukas din tama na, tatapusin kona tong kahibangan ko, kung ang tanging paraan lang para mawala tong walangya kong nararamdaman ay pag-iwas sa kanya, kahit mahirap gagawin ko! Sabi ko nga alam ko dapat limitasyon ko! Tama nato!!!

*kinabukasan*

Para ang tanga na naglalakad habang tumitingin sa paligid, baka kasi mamaya andito na pala si Rence, naglalakad ako ng mabilis para makapunta agad sa classroom ko, ng biglang may humawak sa balikat ko.

Agad agad ko naman itong tinabig ng hindi sya tinitignan mula sa likod ko.

"Uyyy ayos kalang ba? Bat ba nagmamadali ka?" tanong ni Louie mula sa likod ko, agad agad ko naman syang hinarap at bumuntong hininga.

"Ikaw pala, pasensya kana" sagot ko.

"Eh bat ka nga nagmamadali?" tanong nya.

"Wala wala, tara na sa room" sagot ko at dali daling pumasok sa classroom. Medyo maaga pa kokonti palang kaming nandito, si Louie naman tsaka yung pinsan nyang si Brianne nakipagpalit sa mga katabi ko kaya sila na ngayon andito.

Ako-Louie-Brianne-Brylle-Mich.

Yan ganyan dito sa line namin. Limahan kasi.

"Charliee natapos mo ba yung activity sa pre-cal? ngayon na pasa nun eh, wala pakong no.3" bungad ni Brianne sakin.

"Ahh oo tapos kona ang kaso diko sure" nahihiya kong sagot.

"Pwede bang makita?" sagot naman nya, kinuha ko naman agad sa bag ko at binigay sa kanya.

"Masyado kayong nagpapakastress dyan, papasa din naman tayo" sabat naman ni Louie.

Napatingin naman sakin si Brianne at napailing habang nakangiti.

"Charliee!" sigaw ni Rence mula sa pinto, bigla naman akong hindi mapakali, tumago ako sa may ilalim ng upuan.

"Sabihin mo wala pa ako" bulong ko na sapat na para marinig ni Louie.

"Wala pa dito pre!" sagot naman ni Louie kay Rence.

"Ano nakaalis na?" tanong ko kay Louie, pero sa halip na sumagot ay tumingin lang sya sa may likod ko. At laking gulat ko ng makitang nakatayo si Rence duon at seryosong nakatingin sakin. Maya maya pa bigla nyakong hinawakan sa kamay at hihilahin na naman ng bigla itong tinabig ni Louie.

"Pre kita mo namang nagtatago na at ayaw kang kasama pinipilit mo naman" sabi ni Louie..

"Eh gago ka pala eh, kaibigan ako! Kaklase kalang!" galit namang sagot ni Rence at tinulak si Louie. Agad agad namang bumawi si Louie at bago pa sila magsapakan dito at ma issue na naman, gumitna nako.

"Ano bata bataan na naman kayo? Tapos sa huli ako na naman yung kawawa? Ako na naman pag-uusapan?" wala sa mood kong sagot sa kanila at bumalik sa pagkakaupo, pero sa halip na pabayaan nalang nila ako. Hinila na naman ako ni Rence sa kamay. Ng makalabas sa room tsaka ko inalis ang kamay nya na kamay ko.

"Rence ano ba!" galit kong sabi sa kanya.

"Charlie ano bang problema mo? Kagabi lang nag uusap tayo tapos bigla kanalang tumahimik, tapos ngayon kanina pakong naghihintay sa hintayan natin sa round table hindi ka naman dumadating. Bakit ba bigla kanalang umiiwas?!" seryoso nyang sagot.

"Dahil yun yung tama Rence" mahina kong sagot sa kanya.

"Charlie's right, umiiwas sya sayo dahil yun ang tama" sabat naman ng kararating palang na si Tricia.

"Pwede ba Charlie masyado ka ng nagiging feeler, feeling ang ganda ganda mong babae, kung makaiwas ka kay Rence kala mo naman kung sino ka, and you Clarence Francisco? Ano bang klaseng gayuma ang pinakain sayo at nagtatanga tangahan ka dyan, hindi na magkaibigan ang nakikita ko senyo. Iba na, ipapaalala kolang pareho kayong lalaki at kahit balik baliktarin natin ang mundo si Charlie ay lalaki padin at hindi yun mababago!" paliwanag pa ni Tricia tapos ay nagflip ng buhok at pumasok na sa room.

Napahawak naman ako sa noo at napapikit , tumangla din ako ng bahagya at pinilit wag maluha.

"Rence pls para sa ikakabuti nating dalawa, tapusin na natin tong friendship nato" malungkot kong sagot sa kanya.

"Kung kelan wala ng pake ang mga tao satin tsaka kapa nagkakaganyan?" seryosong tanong nya.

"Hindi moko naiintindihan" sagot ko.

"Hindi talaga! Dahil hindi mo naman pinapaliwanag!" sagot nya.

"Sinabi na ni Tricia ang paliwanag sa tanong mo" mahinang sagot ko at pumasok na sa loob.


Dont forget to vote..

LOVE over HATERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon