Stare I

15.3K 599 274
                                    

Rescue the weak and needy; Deliver them out of the hand of the wicked

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rescue the weak and needy; Deliver them out of the hand of the wicked.
~Psalm 82:4

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Unang Kabanata

DUMAMPI sa aking mukha ang malamig na hangin pagtapak ko pa lamang sa lugar na ito. Alam kong nandito kayo, Mama at Papa.

Nandito kami ngayon sa sementeryo upang bisitahin sila. Ramdam ko ang kanilang yakap mula sa himpapawid, kahit na wala na sila ay alam kong binabantayan pa rin nila kami mula sa itaas.

'Ilang buwan na rin pala ang nakalipas magmula noong iniwan ninyo kami...'

Pinagmasdan ko ang silver heart pendant nanakasabit sa aking leeg. Nakalagay dito ang kahuli-hulihang family picturenamin. Ang saya saya pa naming apat dito, walang iniindang problema, at higitsa lahat kumpleto pa kami. 

Ito na lamang kasi ang natitirang alaala ng aking mga magulang magmula noong iwanan nila kami, tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas. Sariwa pa sa aking isipan ang mga huling sandali na kapiling ko sila.

Namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Pauwi na sana sila galing sa kanilang trabaho. Valentine's Day noon, wedding anniversary nila, malakas ang buhos ng ulan subalit sinuong nila iyon upang makasama nila kami sa hapunan. 

Sumalpok ang sinasakyan nila sa isang malaking truck na nawalan ng preno. Isinugod agad sa ospital ang mga magulang ko subalit huli na ang lahat. Pagdating sa ospital ay wala na silang buhay.

Napapikit ako, at hinayaan ko nalang na umagos ang aking mga luha sa aking pisngi. Ang sakit. Sobrang sakit pa rin, hindi ko pa rin kasi tanggap na wala na sila. 'Ni hindi ko man lang nasuklian ang mga sakripsiyo nila sa akin.

Sariwa pa sa aking alaala ang huli naming pag-uusap ng aking magulang. At sa tuwing naaalala ko ito, hindi ko maiwasan na malungkot dahil wala man lang akong nagawa...

"Bal, tahan na. Sige ka lagot ka kina Mama at Papa. Ayaw nila tayong nakikitang umiiyak 'di ba?" pagpapatahan sa akin ni Stair, my fraternal twin, sabay yakap sa akin. Siya na lamang ang natitira kong kasama sa buhay.

Hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pagtulo. Niyakap ako ni Stair. Sa aming dalawa siya ang pinakamatibay kahit na iniwan na kami ng aming mga magulang ay nanatili siyang matatag para sa akin.

Isang beses pa lamang siya umiiyak noong namatay ang aming mga magulang. Kung wala ang kambal kong ito hindi ko na alam ang aking gagawin. Siguro baka kapiling ko na rin ang aking mga magulang.

"Huwag ka nang umiyak. Miss ko na rin sila. Kaya lang wala na tayong magagawa. Punasan mo na 'yang luha mo. Pumapanget ka lalo."

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon