Stare VI

2.8K 266 16
                                    

When thou liest down, thou shalt not be afraid: yea, thou shalt lie down, and thy sleep shall be sweet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

When thou liest down, thou shalt not be afraid: yea, thou shalt lie down, and thy sleep shall be sweet.
~Proverbs 3:24

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Anim na Kabanata

MALAPAD na mga ngiti ang kanina ko pang suot habang palabas ng silid ng Azure Tribe. Ang saya-saya ko talaga sapagkat nakapasok ako sa tribe na ito.

Hinanap ko kaagad si Bal pagkalabas ko ng silid. Nakita ko naman kaagad siya sa hallway. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyapos siya. Hindi pa ako nakuntento at pinaghahalikan ko pa siya sa pisngi.

"WHAAAAAAAH! I DID IT BAL! NAKAPASOK AKO SA AZURE! I LABYUUU!" sigaw ko sa kanya at muli ko siyang sinunggaban ng yakap. Sa pagkakataong ito, ang binti ko ay nakayakap na rin sa may bewang ni Stair at para akong tarsier na nakasabit sa kaniya.

"Ackk! Na-nasasakal ako Xeidrine! Bi-bitaw!" sabi ni Stair sa akin. Sinunod ko naman siya.

Pagtingin ko sa kanya, ang kaniyang mukha ay parang naging kamatis sa pula. Napahilot siya sa kaniyang batok kung saan ako kumapit. Nasaktan ko yata si Bal.

Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Eto namang kambal ko, badtrip kaagad! Masaya lang naman ako kaya ko nagawa iyon sa kaniya.

"Para akong binigti sa bigat mo! Bakit ka ba kasi nangyayapos?"

"Eh kasi nakapasok ako sa Azure Tribe! WHAAAAAAH!" Sigaw ko at umikot ng 360° nang nakataas ang mga kamay ko. Para tuloy akong baliw.

Nahilo ako sa ginawa ko. Pagharap ko kay Bal mukhang hindi siya masaya na nakapasok ako. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi kaya...

"Hoy! Bakit ganyan mukha mo?! Hindi ka ba masayang nakapasok ako? Don't tell me bumagsak ka sa pagsusulit ng Azure?! Sagutin mo ako Bal!"

"I'm happy for you Bal na nakapasok ka." Umupo siya sa bench na malapit sa amin at tumingin sa kawalan. Parang ang lalim ng kaniyang iniisip.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!"

Tumingin siya sa sahig at napabuntong hininga. "Ahhh... Ano kasi---" Pinutol ko ang sasabihin niya. Mukhang alam ko na.

"Imposibleng 'di ka nakapasok! Susugurin ko 'yung leader ng tribe! Baka nagkamali sila ng pagchecheck sa papers mo! Humada sila sa---" natigilan naman ako sa pagsasalita ng bigla siyang tumawa ng malakas.

"BWAHAHAHAHAH! I GOT YOU! HAHAHAH! NAKAGANTI RIN AKO SAYO!" Sabay baba ng phone niya. Makatawa 'to wagas, parang wala ng bukas. Wow. Rhyme.

Pinagti-tripan niya lang pala ako! Kala ko talaga hindi siya nakapasok. Sinamaan ko tuloy siya ng mga tingin. Ang laki-laki ng ngiti ni Stair ngayon kasi nakaganti na siya sa akin. Bwisit.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon