Stare XI

1.8K 85 17
                                    

So everyone who acknowledges me before men, I also will acknowledge before my Father who is in heaven

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

So everyone who acknowledges me before men, I also will acknowledge before my Father who is in heaven.
~Matthew 10:32

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Labing Isang Kabanata

"OH MY GEEZ!"

Naalimpungatan ako sa sigaw ni Coast. Ang sakit pa ng ulo ko! Ala una na kasi kami nakauwi kagabi galing sa party.

Kulang na kulang pa ang tulog ko. Tinatawag pa ako ng kama tapos ginising pa kami nitong kaibigan naming malakas ang bunganga.

"GUYS WAKE UP!" Coast shouted. Ang sakit sa tainga!

Nandito kasi kami ngayon sa bahay nila Keist. Napagdesisyunan naming anim na rito mag sleep over pagkatapos ng party kasi ito ang pinakamalapit na bahay sa school.

Isa pa mayroon namang sundo lagi si Keist at nais naming magkasama-sama ngayon dahil nga naging abala ang bawat isa nitong mga nakaraang araw.

"Ano ba 'yan?! Ang aga-aga ang ingay mo," iritadong sigaw ni Aera. Gulo-gulo pa ang kaniyang buhok at halatang kagigising lang din niya.

"What's your problem Coast?" tanong ni Bal habang nagtatanggal ng muta.

"Nabasag eardrums ko sa sigaw mo," sambit ni Keist na nakapikit pa rin hanggang ngayon.

Halatang nagambala ni Coast ang mahimbing namin na pagtulog. Si Axti, siya lang yata ang hindi natinag ng boses niya. Nakahiga pa rin ang monster at humihilik pa.

"AXTI GUMISING KA! MAY SUNOG!" sigaw ni Coast sa kaniya. Napatakip naman kaming apat sa lakas ng boses niya. Nakalunok 'ata ng isang libong megaphone itong kaibigan namin eh.

Nagulantang si Axti at binato niya ng unan si Coast. Ang sama ng tingin nito at parang papatay anumang oras. Kung si Bal huwag mong bibiruin kapag bagong gising, si Axti naman huwag mong gigisingin sa mahimbing nitong pagkakatulog kung ayaw mong makakita ng halimaw.

"Istorbo ka sa pag tulog alam mo ba 'yun?!" Axti said and he sat on the floor.

Napatingin kaming lahat kay Coast pagkaraan nito. Ang laki ng ngiti niya at para bang hindi siya puyat. Sana all na lang.

"Bakit mo ba kami ginising?" tanong ko.

"Oo nga. Malapit ko nang mapakasalan si crush sa panaginip ko tapos binulabog mo ang seremonyas namin! Epal!" saad ni Aera at niyakap ang unan na parag jowa niya.

Napatawa kami sa sinabi niya. Hanggang sa pagtulog talaga ng pinsan ko, pagjo-jowa pa rin ang ginagawa. Nakakaabot sa panaginip ang pagiging malandi niya.

"Tumahimik ka diyan Aera, crushback nga hindi niya magawa, pakasalan ka pa kaya?" pambabara ni Coast. Inirapan naman siya ng pinsan ko.

Iniba na kaagad ni Coast ang topic pagkaraan nito. Sinabi na niya ang dahilan kung bakit niya kami ginising nang pagka-aga aga.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon