Stare V

2.7K 286 9
                                    

Then the Lord God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Then the Lord God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature.
~ Genesis 2:7

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Limang Kabanata

NAKASULAT sa Baybayin ang mga letrang nakaukit sa pintuan ng silid ng tribe na gusto naming salihan ni Stair. Ang Azure.

Pareho naming gusto ni Bal na mapipiga ang mga utak namin dahil mas nacha-challenge sa mga bagay na may kinalaman ang isip kaysa sa pisikal na lakas.

Isa pa, bawal kami sa mga extreme activities dahil baka atakihin kami ng hika. Nag-iingat lang kami. Stair and I were both honor students back then. I guess the intelligence that we have is enough to enter this Azure Tribe.

Nang pumasok kami sa silid, tumambad agad sa amin ang mga nagkikinangan na mga tropeyo at mga medalya na nakadisplay at nakasabit sa pader. Napakarami ring mga certificate na nakaframe na nakalagay sa isang sulok ng silid.

Hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakita. Tunay nga ang sinabi ni Axti kanina na napakagaling ng Azure sa iba't ibang larangan.

Napansin ko rin ang mga mahahabang lamesa na nakaayos sa loob. Kung saan ang iba'y mayroong sinasagutan na papel, nagsulat ng balita, at mayroon ding mga board games na nakaayos ngunit hindi pa nagsisimula ang laro.

Ang ibang mag-aaral ay napapakunot nalang ng noo o 'di kaya'y napapakamot ng ulo sa kanilang ginagawa. Nawala ang atensyon ko sa kanila ng mayroong isang babae ang lumapit sa amin.

"Welcome to Azure Tribe! Here's your registration form."

Journ-a-listerrific
B-Gamers
Quiz-ards
Mathemagicians
Cryptanalysis

Iyan ang nakasulat sa kulay asul na registration form na ibinigay ng babae sa amin. Pipili kami ng isa rito at kung pumasa kami sa pinili naming larangan ay pasok na kami sa tribe.

Isang beses lamang maaaring kumuha ng test sa Azure at kapag hindi ako nakapasok dito hindi ko na alam kung saan ako sasali.

Pagkatapos naming masagutan ang form, pinasa na agad namin ito at pinapunta kami sa lugar kung saan aalamin na ang kakayahan ng aming utak.

Si Bal sa pangatlong lamesa pinaupo at mayroong binigay sa kaniyang papel upang sagutan. Ang Cryptanalysis ang pinili niya sapagkat eksperto na siya pagdating sa mga codes.

Kapag wala siyang magawa nagsasagot si Stair ng mga codes and ciphers. Hindi ko alam kung bakit ganito ang libangan niya. Nakakadugo ng utak.

"Good luck Bal," saad namin sa isa't isa.

Pinapunta naman ako sa panglimang hilera ng lamesa kung saan mayroong mga nakaayos na chess board. B-Gamers ang pinili ko sapagkat simula noong elementary ako ay varsity player na ako ng chess.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon