Stare XXX

1K 49 12
                                    

The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.
~Psalms 34:18

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Tatlumpung Kabanata

"X—XEIDRINE?" Nash stuttered when he saw me.

Tumingala muna ako upang mapigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Nagpakawala rin ako ng isang malakas na buntong hininga at tiningnan silang dalawa.

"Hi Nash, I have a surprise for you, but Im the one who surprised. Great," I sarcastically said.

"N-No Xeidrine! It's not what you think!"

Wow. So, mayroon pa siyang ganang i-deny eh kitang kita na nga ng dalawang mata ko. Mayroon pang iniwan si Milk na ebidensya sa labi niya. Namumula pa. Napangiti ako ng mapakla.

Kinuha ko ang cake na ginawa ko at lumapit ako sa kanilang dalawa. Binuksan ko ang kahon at pinakita kay Nash ang laman. Nakalimbag dito ang 'Let's reach our dreams together, Mango Graham Shake.'

Ngayong araw, sa ikatlong pagkakataon ay sasagutin ko na dapat si Nash. Subalit parang ayaw talaga ng tadhana na magsama kami. Ang daming humahadlang. Marahil ay hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

"Let's make this official Mango Graham Shake," matabang na saad ko. "Simula ngayon tigilan mo na ang panliligaw sa akin. Ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon sa isang manlolokong kagaya mo," I added.

Itinaas ko ang cake na hawak ko at isinupalpal sa mukha niya. Lumingon ako kay Milk at nakita ko siyang nakangisi.

Lumapit ako sa kaniya at nagwikang, "Sa iyo na si Nash. Isaksak mo sa baga mo!" Isang malutong na sampal ang pinakawalan ko at dumapo ito sa pisngi niya.

"Xeidrine, stop it!" pigil sa akin ni Nash nang akma kong sasampalin ulit si Milk. Halos natatakpan na ng icing ang kaniyang mukha.

"You don't have to do that! I will explain everything. Just listen to me," he added.

Parang mayroong pumapalipit sa aking puso nang pinagtanggol niya si Milk. Ganu'n ba talaga siya kahalaga? Ang sakit lang.

"Enough Nash! I don't want to hear your explanations that full of lies!"

Nararamdaman ko ang pag-init ng aking mga mata. Anumang segundo ay parang tutulo na ang likidong mula rito na kanina ko pa pinipigil na kumawala.

"I guess I'm not really your one and only Lanthanum Boron. Good bye Mango Graham Shake."

Tumakbo ako palabas ng bakuran nila at hinayaan ko na lamang ang aking paa na magtungo kung saan niya gusto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Mayroon pa siyang pa-surprise surprise sa akin noong nakaraan, lolokohin lang din pala niya ako. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ang nararamdaman niya sa akin o pinaglalaruan na lang niya ako.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon