Stare XXIX

1.1K 40 18
                                    

The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.
~Psams 34:18

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Siyam na Kabanata

TATLONG araw na matapos nang magkaayos kami ni Nash. Nangako siyang babawi siya matapos ang dalawang buwan. Kaya naman ay naghahanda ako para sa date--- este gala naming dalawa ngayon.

Pagkaraan kong malaman na siya ang lalaking naglitas sa akin, napatawad ko kaagad siya. Kahit hindi katanggap-tanggap ang paliwanag niya kung bakit niya ako iniiwasan nitong mga nakaraang buwan, ipinagsawalang bahala ko ito.

Marahil ay sinasabi ng aking konsensya na utang na loob ko kay Nash ang aking buhay kaya dapat hindi ako magtanim ng galit sa kaniya. Oo na. Marupok na ako pagdating kay Nash.

"Bal, nandito na 'yung lalaki mo," may halong pagkainis na sambit ni Stair.

Kung dati ay boto siya kay Nash, ngayon ay iba na. Nasira raw ang tiwala niya rito at kailangan muna raw ni Nash ulit kunin ang tiwala niya. A typical overprotective brother.

"Sabihin mo lang kapag nang ghost ulit 'yang loko na 'yan. Malilintikan na siya sa akin."

"Trust me on this Bal. I know Nash and he promised that he would not do it again." Stair deeply sighed.

Pagkalabas ko ng bahay, tumambad kaagad sa akin ang pigura ni Nash. He smiled when he saw me. Hindi na kami nag-aksaya ng oras at umalis na.

"I'm sure that you will like the place that we will be visiting," he said.

"Weh?" mapang-asar kong tanong.

"Kailan ba kita dinala sa lugar na hindi mo nagustuhan?" he asked.

Napaisip ako roon. May punto nga siya. Ang dami na naming nalibot na lugar, subalit lahat ng iyon ay aking nagustuhan.

Dinala ako ni Nash sa isang mall. Mayroong event sa ground floor at dito kami pumunta. It was a sports event- or should I say a chess event to be exact.

"Wow," I said with amusement.

Iginala ko ang aking mata at hindi ko mapigilan ang mapa-nganga. Akala ko ay isa lang itong common chess tournament ngunit hindi. Pwede kang maglaro, bumili ng chess souvenirs, books and you can even take a picture with chess masters that are here.

"Sabi ko sa iyo magugustuhan mo ang lugar na ito," mayabang na sabi niya at napangiti na lamang ako.

Mayroon din akong nakikitang mga familiar na vlogger na dino-document ang buong event. Some of them bid a 'Hi' on me.

"Let's roam around," Nash said.

Gaya ng sinabi niya, naglibot kami sa place. Gusto ko rin sanang maglaro ngunit minabuti muna naming mamasyal. This place was really awesome.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon