Stare IV

3.6K 297 12
                                    

You may make your plans, but God directs your actions

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You may make your plans, but God directs your actions.
~Proverbs 16:9

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Apat na Kabanata

NAWALA ang pagtitinginan namin ni Nash sa isa't isa nang narinig namin ang tunog ng shutter ng isang camera.

Nakita ko si Aera na hawak ang kaniyang cellphone at nakatapat sa amin. Mukhang siya ang kumukuha ng litrato. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Captured," wika ni Aera na mayroong malaking ngisi sa kaniyang labi.

"HOY! AERALYN KEISHA ALIANZA BURAHIN MO YAN!" sigaw ko rito at inagaw ko ang cellphone sa kanya.

Inilayo naman niya ito sa akin. Pilit ko itong kinukuha sa kanya ngunit tumakbo ito. Mako-corner ko na sana siya sa isang gilid subalit inagaw ni Quias ang cellphone ni Aera.

Pinagtulungan ako ng dalawa upang hindi ko makuha ang cellphone. Feeling close agad 'tong si Quias. May gana pa silang inisin ako. Sa isang sulok naman nandun si Nash at tumatawa habang pinapanuod kami.

"ARGGHH! Bahala nga kayo riyan!" Inis na saad ko at nagmartsa palabas ng room.

"Hala Aera! Lagot ka nabuwisit mo si Xeidrine! " rinig kong sambit ni Quias.

"Anong ako lang? Baka nakakalimutan mo na kasali ka rin dito!" sigaw ni Aera sa kaniya. Sige kayo tuloy nag-aaway ngayon. Kanina lang pinagtutulungan n'yo ako.

"Alam ninyong dalawa imbis na magsisihan kayo, habulin n'yo na lang si Xeidrine at humingi ng pasensya. Ayun pa lang siya oh, nakikinig sa atin," sabi ni Nash sabay turo sa akin sa may bintana.

Pahamak din 'tong si Nash. Bago pa mapalingon sa akin sina Aera, naglakad ako ng mabilis upang hindi nila maabutan. Pinanindigan ko na ang pagwo-walk out ko.

Gutom na rin ako. Bahala na silang pagpyestahan ang picture namin ni Nash. Sumunod naman si Aera sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin. First day na first day na-bad trip ako.

Ang ayaw ko kasi sa lahat 'yung kinukuhanan ako ng picture ng hindi ko alam. Eh si Aera mahilig pa naman manguha ng picture lalo na ng epic. Kaya minsan isa ito sa dahilan kung bakit kami nag-aaway ngunit kalaunan ay nagkakaayos din naman.

Hindi ko pa rin pinapansin si Aera nang makarating kami sa mini forest. Nadatnan kaagad namin sina Coast, Stair, Keist at ang kadarating lang din na si Axti. Halatang tumakbo ito sapagkat pawis na pawis siya na para bang may humahabol sa kaniya.

"Oh, Axti bakit ka hingal na hingal ka yata?" Tanong ni Coast. "Ikaw naman Xeidrine bakit nakabusangot mukha mo diyan?" Dugtong pa nito.

"Huwag mo nang alamin." sagot ni Axti. Mukhang bad trip din ito.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon