Stare XXII

1.2K 50 5
                                    

The Lord is your keeper; the Lord is your shade on your right hand

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Lord is your keeper; the Lord is your shade on your right hand. The sun shall not strike you by day, nor the moon by night.
~Psalms 121:5-6

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Dalawang Kabanata

ILANG araw na ang lumipas matapos ang pag-aaway namin ni Nash. Hindi ko sila pinapansin ni Aera nitong mga nakaraang araw. Magsama sila!

Alam ko naman sa sarili ko na hindi ganoon kalaki ang kasalanan na nagawa nila, malaki lang talaga ang tampo ko. Halos mabaliw na ako kakahanap kung sino si Also Known As, kung sinabi lang ng mas maaga ni Aera na siya ito, madadali ko siyang mapapatawad.

"Nakaka-stress! Ayoko na! Suko na ako!" I hissed while looking on my assignments. Nandito kami ngayon ni Bal sa kwarto ko.

"You're just stressing yourself Bal. Ultimo 'yung chapter 1 and 2 ng research n'yo na before Christmas break pa ipapasa ginagawa mo na. Tapos mo naman na 'yung mga assignments mo. Dinadagdagan mo lang. School works ba talaga ang problema mo?" pasaring sa akin ni Bal.

Napatingin ako sa kaniya nang salubong ang aking kilay. "What do you mean?"

"You know what I mean," umismid siya bago ulit magsalita, "Makipagbati ka na kasi. Simple as that."

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko na ba talagang makipag-ayos sa kanila? Hays. Sabagay ilang araw ko na rin sila hindi pinapansin pero...

"No! I'm not—" tanggi ko ngunit hindi na ako pinatapos ni Bal na magsalita.

"Sa tingin mo ba matutuwa sila Mama dahil magkaaway kayo ni Aera?"

I shook my head. Tama siya. Ayaw na ayaw pa naman ng mga magulang ko na nag-aaway kami ni Aera. Kami na lamang nga raw ang malapit na magpinsan, mag-aaway pa ba kami?

"Kaya Xeidrine, kausapin mo na siya. Makipag-ayos ka na sa pinsan natin at kay Nash. Nadamay lang siya Bal." Stair said and nagpaalam siyang kukuha ng tubig.

Pagkalabas ni Bal ng kuwarto ko, humiga ako ng kama. Kinuha ko ang chibi mango graham shake pillow na binigay sa akin ni Nash noon.

"Makikipagbati na ba ako sa Tatay mo?" I asked the chibi pillow. Para akong baliw na kinakausap siya. "Argh! Bahala na nga!"

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Stress na stress na ako sa mga nangyayari. Mayroong punto naman si Bal sa lahat ng sinabi niya.

Kaso paano ako hihingi ng tawad sa kanilang dalawa?

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

LUTANG akong pumasok ng paaralan. Ilang beses na akong nag-iisip kung paano ko kakausapin si Aera. Pati si Nash na napagbuntungan ko ng galit.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon