Stare VII

2.7K 227 9
                                    

Commit thy way unto the LORD; trust also in him; and he shall bring it to pass

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Commit thy way unto the LORD; trust also in him; and he shall bring it to pass.
~Psalm 37:5

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Pitong Kabanata

ISA'T kalahating linggo na ang nakaraan nang magsimula ang klase. Noong una ay alam kong hindi ito magiging madali para sa akin at ako nga ay tama.

Bukod sa nahihirapan akong mag-adjust dahil wala na kaming katuwang sa buhay, napakarami ring mga gawain ang binibigay ng aming mga guro.

Nang sumunod na araw nga ay tinotoo ni Ms. Saadvera ang kaniyang sinabi. Naramdaman kaagad namin ang hagupit ng Calculus. Quiz agad pagkapasok niya kahit wala pa siyang naituturo. Inaalam niya kung sino raw ang mga nag-advance study at hindi.

Nawala sa aking isipan na mayroon siyang sinabi noong araw na iyon. Halos lahat ay napagalitan niya. Kasama na ako roon. Iilan lamang ang nakapasa sa kaniyang surprise quiz.

Kung hindi magpapa-quiz si Ms. Saadvera ay on the spot recitation ang kaniyang pinapagawa. Kapag ika'y walang maisagot, panigurado zero na ang score mo. It's either perfect or nothing sabi nga niya.

Sumabay din ang iba pang subjects. Puro sila pa-role play, activities, quizzes, recitations, at marami pang iba. Unang linggo pa lamang ay nais ko nang sumuko.

Sumasakit ulo ko!

Ikaw ba naman ang mag-aral na mayroong tig dalawang subjects ang math, english at science. Nakakasakit pala ng ulo ang STEM pero mas masakit kapag walang ulo.

Hindi naman lahat ng nasa STEM matatalino, 'yung iba nasabit lang. Gaya ko.

Nagbabalak na nga ako ngayong lumipat ng ibang strand. Naisip ko kasi na hindi naman talaga STEM ang first choice ko in the first place. Subalit naguguluhan pa rin ako kung itutuloy ko ba ang paglisan sa STEM o hindi.

I also want to take ABM for me to have any idea to continue our business, pero hindi ko rin kasi sigurado kung lilipat ako ng ABM ay magbabago na ang takbo ng aking buhay. 

Hindi ko mawari kung kaya ko bang pagsabayin pa ang pag-aaral, pagtitinda namin ng t-shirt at isama mo na ang pagba-vlog. Hirap na hirap na ako sa aming buhay. Ganito pala ang pakiramdam na wala ka ng magulang na makakapitan.

'Yung tipong hindi ko na alam ang uunahin ko. Kung mag-aaral ba o magbenta nang kami'y magkaroon ng pera. O 'di kaya'y pag-eedit ng vlog. Kung buhay lang talaga sina Mama at Papa ay hindi kami mahihirapan ng ganito.

"Earth to Xeidrine! Come in! Come in! Yuhoo!"

Bumalik ulit ako sa reyalidad nang tusukin ni Coast ang aking tagiliran ng dahilan upang ako'y makiliti. Kasama ko nga pala sila ngayon at nandito kami sa canteen, kumakain.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon