Stare XXI

1.2K 53 4
                                    

If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness.
~1 John 1:9

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Isang Kabanata

DALAWANG linggo na ang lumipas matapos magsimula ang klase. Parang ayoko na ngang pumasok ngayong araw dahil hindi maganda ang kutob ko ngayon.

Bukod sa releasing of grades for our first sem, ngayon din kasi namin malalaman ang groupings para sa Research namin. Sana lang talaga swertehin ako sa magiging ka-group ko at sana ay hindi sila pabuhat.

"For our group 7, Ms. Monteasul..."

Bumilis ang tibok ng aking puso nang tawagin ang pangalan ko ni Ms. Masungkit, ang teacher namin sa Research. Hindi ko malaman ang aking nararamdaman ngayon, mayroong butil butil na pawis na lumalabas sa aking noo.

Sasabihin lang naman ni Miss ang ka-group ko sa Research ngunit sobra ang kaba ko. Marahil ay kinakabahan ako sa makakagrupo ko kasi kapag mga pabuhat ang napunta sa akin, lagot na kami. GG na sa Research.

"Ms. Soon, Mr. Magnum, and Mr. Kreig."

Hindi ko maiwasan ang magbunyi. Ang laki ng ngiti ko dahil medyo matitino ang naka-group ko. Si Wenfree Soon, she was a good speaker, si Markien Mangnum, ang naka-partner ko noon sa Acquaintance at matalino rin niya. At ang panghuli si Ezequias Jacob Kreig, si Quias, hindi ko alam kung ano ang maitutulong niya. Kidding.

"Swerte ko! Nasa akin ang tatlong alas!" wika ni Quias at natawa ako bigla.

Nagpatuloy sa si Ms. Masungkit sa pagu-grupo sa amin. Nang matapos ito ay mayroon siyang inanunsyo na ikinalumo naming lahat.

"By next week, you can propose to me your desire topics. I'm only giving you two weeks to propose your desire topics. If your topics approved late, you will get minus 20 on our examination."

Ang dami naming mga side comments at reklamo nang marinig namin ito. Totoo nga ang sinabi nila na nakaka-stress ang Research! 

Hindi pa man din kami nag-uumpisa sa paggawa nito pero ramdam ko nang magiging masalimuot ang semester na ito dahil sa Research. Ito na yata ang sinasabi ng iba na paparating na delubyo sa aming mga STEM student kapag nakatungtong kami ng second sem.

"Quiet Alpha! I don't want to hear any complaints since now. You are STEM students and I have big expectations for you. Don't dismay me. That's all. Class dismissed," striktong usal ng aming guro.

Nang makalabas si Ms. Masungkit halos magwala ang mga kaklase ko sa frustration. Lahat kami ay hindi nagugustuhan ang nangyayari ngayon. This will be a stressful sem for us and I'm sure with it.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon