Stare IX

2.2K 127 24
                                    

"A righteous man is cautious in friendship, but the way of the wicked leads them astray

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A righteous man is cautious in friendship, but the way of the wicked leads them astray."
~Proverbs 12:26

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Siyam na Kabanata

"PRAISE, naiihi ako. Saluhin mo nga," wika ni Aqui. 

Napakasalaulang lalaki! Pati pag-ihi sinasabi pa sa akin. Kung wala lang kaming debate ngayon, nasapok ko na ang kaniyang mukha.

"Eto gusto mong saluhin?" sabay pakita ko sa kaniya ng nakayukom kong kamay. Umuling siya bilang tugon.

Kanina pa kinakabahan si Aqui dahil sa debate at para siyang baklang kumilos. Hindi raw kasi siya sanay na makipag-argue-han, lalo na kapag tungkol sa social issues and academic topics. 

Kami na ang sunod na sasalang kaya ganun na lang ang kaba niya ngayon. Kinakabahan din naman ako, kaso hindi naman ganoon kalala gaya ng kaba niya.

"The next students for the debate are Mr. Tan and Ms. Pataleon versus Mr. Aguirre and Ms. Monteasul," tawag sa amin ni Mr. Psyche.

Ayan na, kami na. Naglakad kami papuntang harapan. Nakahawak sa mangas ko si Aqui na kala mo batang takot mawala sa mall.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy Aqui. Umayos ka nga. Magpakalalaki ka. Debate lang 'to."

"Pero—" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Walang pero pero. Ganito na lang, kapag naging maayos ang debate natin, lilibre kita ng kahit ano," pang-uuto ko sa kaniya.

"Talaga? Bago 'yun ah? Ikaw manlilibre?" paninigurado niyang tanong.

"Oo nga! Ayaw mo yata, edi huwag."

Pumuwesto ako sa lugar na nakalaan sa amin. Sumunod sa akin si Aqui sa akin. Panay pa rin ang pangugulit niya kung totoong ililibre ko siya kapag umayos siya sa debate.

Nang matigil na siya, sinigurado ko na ang kaninang pang-uuto ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang magkaroon ng utang sa kaniyang libre upang tumino lang siya.

The debate was formally started after our conversation. Pinagloloko 'ata ako nitong si Aqui. Akala ko kinakabahan siya pero mukha hindi naman! Makasagot sa mga bwelta siya ng kabilang partido kala mo expert.

Umaarte lamang 'ata siya eh! Naisahan pa niya ako. Lilibre ko tuloy siya! Argh. Buwisit.

Nagpatuloy na ang debate. So far so good naman. Ang napuntang topic sa amin ay creation of humans. Ang kabilang partido Biblical, kami naman ay Scientific.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon