Stare XX

1.5K 68 9
                                    

Beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Beloved, I pray that all may go well with you and that you may be in good health, as it goes well with your soul.
~3 John 1:2

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampung Kabanata

"STEM 11 - Alpha, paalala ko lang sa inyo ang proyekto na ibinigay ko sa inyo ay ipapasa na sa susunod na araw," saad ng guro namin sa Wika.

I almost forgot that project! Sa Monday na kasi ang finals at nagkakasabay sabay na 'yung mga gawain. Buti na lang at madali lang ang project namin sa Wika. Gagawa kami ng isang tula na nakasulat sa baybayin.

Si Nash ang partner ko sa project, kasalanan 'to ni Aera. Sabi ko partner kaming magpinsan, tapos malalaman kong si Nash pala ang sinulat niya sa one-fourth. Kina-career talaga niya ang pambubugaw sa akin.

Lumapit ako kay Nash nang sabihin ng teacher namin na pag-usapan 'yung tungkol sa proyekto. Dinatnan ko siya sa kaniyang upuan na nakatulala. Parang wala na naman siyang tulog. Ang laki na ng mga eyebags niya.

"Nash, wala pa pala tayong project," sambit ko ngunit hindi niya ako sinagot. Mukhang hindi niya kaagad napansin ang presensya ko.

"Hoy!" Napaitlag siya nang sumigaw ako.

Agad siyang umayos ng upo at napatingin sa akin. Mukhang nakaidlip nga ang loko sa klase. Mabuti na lang at hindi siya nahuli ng aming guro.

"Ay tae!"

"Wow. Mukha ba akong tae?" tanong ko at umupo sa kaniyang tabi.

Pinagtaasan niya ako ng kilay sa aking ginawa. "Anong ginagawa mo rito? Baka pagalitan ka ni Miss."

"Lutang! Hindi ka nakikinig noh? Sabi ni Miss mag-usap daw 'yung magka-partner para sa Baybayin Project. Wala pa tayong nagagawa."

Napakamot siya ng kaniyang ulo. Mukhang nakaidlip nga siya kanina at nagising ko lamang siya. Ano ba kasing pinaggagawa niya sa kaniyang buhay at anto na antok siya?

"Kulang lang ako sa tulog. Gawa nalang tayo sa amin mamaya." Sumang-ayon naman ako sa kaniya at yumuko si Nash.

Pinagmasdan ko na lamang siya hanggang matapos ang period namin. Mababakas mo talaga ang pagod sa mukha ni Nash, kaya hinayaan ko na lamang.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

NANG matapos ang aming klase ay dumeretso na kami sa bahay nila. Pagkarating naming doon ay binuksan ni Nash ang pinto at tumambad sa amin ang Mama niya na mayroong ginagawa sa laptop.

"Sino naman 'yang kasama mo?" mataray na tanong nito kay Nash nang makita niya kami.

Napatago ako sa likod ni Nash dahil sa hiya. Mukhang ayaw ng Mama niya ng bisita. Ang sama pa ng tingin niya sa akin.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon