Stare XXVIII

1K 45 5
                                    

Nothing is covered up that will not be revealed, or hidden that will not be known

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nothing is covered up that will not be revealed, or hidden that will not be known.
~Luke 12:2

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Dalawampu't Walong Kabanata

"BAL, nasabi ko na kay Tito Nike ang nangyari. Siya na raw ang bahala." Nagpahinga naman ako ng maluwag dahil dito.

Dalawang araw na matapos sabihin sa akin ni Mr. Davila ang tungkol sa mga damaged shirts. Inaayos na namin ito ngayon. Mabuti na lamang at tinutulungan kami ni Tito Nike upang maayos ang nangyaring gusot sa negosyo.

Inayos ko na ang hapag kainan upang makakain na kami ng hapunan. Tinulungan naman ako ni Bal sa paghahanda.

"Nakakapagtaka pa rin talaga Bal. Bakit nagkasira-sira ang mga varsity shirts na 'yun eh maayos naman natin itong nai-deliver." I uttered while scooping the rice.

"I'm thinking about that too. What if there's sabotage happened?"

Napaisip naman ako sa sinabi ni Stair. May tyansang mangyari ito ngunit sino naman ang mananabotahe ng aming produkto? Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming nakaalitan o nakasamaan ng loob.

"Malakas talaga ang kutob ko Bal na mayroong tao sa likod nito. Isipin mo, alam nating dalawa na maayos ang lagay ng mga varsity shirts and jacket bago natin ito i-deliver. Tapos nang sumunod na araw sira-sira na ito," sambit niya at umupo na sa silya.

We started eating while talking. I guess Stair was right, but we should not jump into conclusion yet. Baka magbintang kami ng kung sino, mali naman pala ang akala namin.

"Paano naman natin mapapatunayan ang hinalang iyan?" I asked.

Stair chews his food with his mouth first before answering, "I will hack the CCTV of our school."

Muntik naman akong mabulunan sa sinabi niya. Baka mapahamak pa kami sa binabalak niya eh. I know Bal was good in codes and even in hacking because he's a computer addict, but I think that was not a good idea.

"Paano kung mahuli tayo nila? Mabuti pa ay mag-request na lang tayo ng footage sa school admin." I suggest.

"Sige, pero kapag hindi nila binigay, ako na ang kikilos," tugon niya.

We decided to do what I said. Sana lang talaga ay mahuli na namin kung sino ang may gawa nito. Kinakapos na nga kami ngayon sa pera dahil graduating student na kami, dumagdag pa ito.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

ISANG linggo ang lumipas at napalitan na namin ang mga t-shirts and varsity jacket na nasira. Kahit na malaking kalugihan ito sa aming negosyo, ginawa na lang namin ang tama. Kaysa naman masira ang pangalan ng negosyo namin.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon